Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (44) Sure: Sûratu'l-Mâide
إِنَّآ أَنزَلۡنَا ٱلتَّوۡرَىٰةَ فِيهَا هُدٗى وَنُورٞۚ يَحۡكُمُ بِهَا ٱلنَّبِيُّونَ ٱلَّذِينَ أَسۡلَمُواْ لِلَّذِينَ هَادُواْ وَٱلرَّبَّٰنِيُّونَ وَٱلۡأَحۡبَارُ بِمَا ٱسۡتُحۡفِظُواْ مِن كِتَٰبِ ٱللَّهِ وَكَانُواْ عَلَيۡهِ شُهَدَآءَۚ فَلَا تَخۡشَوُاْ ٱلنَّاسَ وَٱخۡشَوۡنِ وَلَا تَشۡتَرُواْ بِـَٔايَٰتِي ثَمَنٗا قَلِيلٗاۚ وَمَن لَّمۡ يَحۡكُم بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Tunay na Kami ay nagpababa ng Torah kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na doon ay may paggabay at pahiwatig sa kabutihan, at liwanag na ipinantatanglaw. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga propeta ng mga anak ni Israel na mga nagpaakay kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima. Humahatol sa pamamagitan nito ang mga maalam at ang mga marunong sa batas na nagtuturo sa mga tao ng ipinaingat sa kanila ni Allāh sa Kasulatan Niya. Gumawa Siya sa kanila bilang mga tagapag-ingat dito, na nangangalaga rito laban sa paglilihis at pagpapalit ng kahulugan. Sila ay mga saksi rito na ito ay katotohanan. Sa kanila sumasangguni ang mga tao hinggil sa pumapatungkol dito. Kaya huwag kayong mangamba, O mga Hudyo, sa mga tao ngunit mangamba kayo kay Allāh lamang. Huwag kayong tumanggap ng isang pamalit sa hatol ayon sa pinababa ni Allāh kapalit ng kaunting halaga gaya ng posisyon o prestihiyo o salapi. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa pinababa ni Allāh mula sa pagkakasi habang nagtuturing na ipinahihintulot iyon o nagmamagaling higit dito ng iba pa rito o nagpapantay niyon dito, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya nang totohanan.
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• تعداد بعض صفات اليهود، مثل الكذب وأكل الربا ومحبة التحاكم لغير الشرع؛ لبيان ضلالهم وللتحذير منها.
Ang pag-iisa-isa sa ilan sa mga katangian ng mga Hudyo tulad ng pagsisinungaling, pakikinabang sa patubo sa pautang, pagkaibig sa pagpapahatol ayon sa hindi batas ni Allāh ay para sa paglilinaw sa pagkaligaw nila at para sa pagbibigay-babala laban dito.

• بيان شرعة القصاص العادل في الأنفس والجراحات، وهي أمر فرضه الله تعالى على من قبلنا.
Ang paglilinaw sa batas ng pantay na ganting makatarungan sa mga buhay at mga sugat. Ito ay isang utos na isinatungkulin ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa nauna sa atin.

• الحث على فضيلة العفو عن القصاص، وبيان أجرها العظيم المتمثّل في تكفير الذنوب.
Ang paghimok sa kainaman ng pagpapaumanhin sa pantay na ganti at ang paglilinaw sa pabuya nitong dakila na sumasagisag sa pagtatakip sa mga pagkakasala.

• الترهيب من الحكم بغير ما أنزل الله في شأن القصاص وغيره.
Ang pagsindak laban sa paghatol ayon sa hindi pinababa ni Allāh hinggil sa pumapatungkol sa pantay na ganti at iba pa rito.

 
Anlam tercümesi Ayet: (44) Sure: Sûratu'l-Mâide
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an-ı Kerim muhtasar tefsirinin Filipince (Tagalogca) tercümesi, Tefsir merkezi tarafından yayınlanmıştır

Kapat