Check out the new design

Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsiri Filipince (Tagalogca) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Sure: Sûretu'l-Vâkıa   Ayet:

Al-Wāqi‘ah

Surenin hedefleri:
بيان أحوال العباد يوم المعاد.
Ang paglilinaw sa mga kalagayan ng mga tao sa Araw ng Pagbabalik.

إِذَا وَقَعَتِ ٱلۡوَاقِعَةُ
Kapag sumapit ang Pagbangon [ng mga patay] nang walang pasubali,
Arapça tefsirler:
لَيۡسَ لِوَقۡعَتِهَا كَاذِبَةٌ
hindi makatatagpo ng isang kaluluwang magpapasinungaling dito kung paanong ito dati ay pinasisinungalingan sa Mundo.
Arapça tefsirler:
خَافِضَةٞ رَّافِعَةٌ
Magbaba [ito] ng mga tagatangging sumampalataya na mga masamang-loob sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kanila sa Apoy, mag-aangat ng mga mananampalataya na mga tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng pagpapapasok sa kanila sa Hardin.
Arapça tefsirler:
إِذَا رُجَّتِ ٱلۡأَرۡضُ رَجّٗا
Kapag pinakilos ang lupa sa isang pagpapakilos na mabigat
Arapça tefsirler:
وَبُسَّتِ ٱلۡجِبَالُ بَسّٗا
at nilansag ang mga bundok sa isang paglansag,
Arapça tefsirler:
فَكَانَتۡ هَبَآءٗ مُّنۢبَثّٗا
kaya dahil sa paglansag ay magiging alikabok na kumakalat, nang walang pamamalagi sa mga ito.
Arapça tefsirler:
وَكُنتُمۡ أَزۡوَٰجٗا ثَلَٰثَةٗ
Kayo ay magiging tatlong uri sa araw na iyon.
Arapça tefsirler:
فَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ
Kaya ang mga kasamahan sa kanan na kukuha ng mga talaan nila sa pamamagitan ng mga kanang kamay nila, anong taas at anong dakila ang kalagayan nila!
Arapça tefsirler:
وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ مَآ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ
Ang mga kasamahan sa kaliwa na kukuha ng mga talaan nila sa pamamagitan ng mga kaliwang kamay nila, anong hamak at anong sagwa ang kalagayan nila!
Arapça tefsirler:
وَٱلسَّٰبِقُونَ ٱلسَّٰبِقُونَ
Ang mga tagapanguna sa paggawa ng mga kabutihan sa Mundo ay ang mga tagapanguna sa Kabilang-buhay sa pagpasok sa Paraiso.
Arapça tefsirler:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلۡمُقَرَّبُونَ
Ang mga iyon ay ang mga inilapit sa piling ni Allāh
Arapça tefsirler:
فِي جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ
sa mga hardin ng kaginhawahan habang nagpapakaginhawa sa mga uri ng kaginhawahan.
Arapça tefsirler:
ثُلَّةٞ مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Isang pangkat mula sa kalipunang ito at mula sa mga kalipunang nauna
Arapça tefsirler:
وَقَلِيلٞ مِّنَ ٱلۡأٓخِرِينَ
at kaunti mula sa mga tao sa kahuli-hulihan ng panahon ang kabilang sa mga nangungunang pinalapit [kay Allāh],
Arapça tefsirler:
عَلَىٰ سُرُرٖ مَّوۡضُونَةٖ
sa mga kamang hinabian ng ginto,
Arapça tefsirler:
مُّتَّكِـِٔينَ عَلَيۡهَا مُتَقَٰبِلِينَ
na mga nakasandal sa mga kamang ito habang mga naghaharapan ng mga mukha nila, nang hindi tumitingin ang isa sa kanila sa batok ng iba pa sa kanya.
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• دوام تذكر نعم الله وآياته سبحانه موجب لتعظيم الله وحسن طاعته.
Ang pamamalagi ng pagsasaalaala sa mga biyaya ni Allāh at mga tanda Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nag-oobliga ng pagdakila kay Allāh at kagandahan ng pagtalima sa Kanya.

• انقطاع تكذيب الكفار بمعاينة مشاهد القيامة.
Ang pagkaputol ng pagpapasinungaling ng mga tagatangging sumampalataya ay sa pagkakita ng mga masasaksihan sa [Araw ng] Pagbangon.

• تفاوت درجات أهل الجنة بتفاوت أعمالهم.
Ang pagkakaibahan ng mga antas ng mga maninirahan sa Paraiso ay ayon sa pagkakaibahan ng mga gawa nila.

 
Anlam tercümesi Sure: Sûretu'l-Vâkıa
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsiri Filipince (Tagalogca) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an Araştırmaları Tefsir Merkezi Tarafından Yayınlanmıştır.

Kapat