Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (12) Sure: Sûretu'l-Mumtehine
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ يُبَايِعۡنَكَ عَلَىٰٓ أَن لَّا يُشۡرِكۡنَ بِٱللَّهِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡرِقۡنَ وَلَا يَزۡنِينَ وَلَا يَقۡتُلۡنَ أَوۡلَٰدَهُنَّ وَلَا يَأۡتِينَ بِبُهۡتَٰنٖ يَفۡتَرِينَهُۥ بَيۡنَ أَيۡدِيهِنَّ وَأَرۡجُلِهِنَّ وَلَا يَعۡصِينَكَ فِي مَعۡرُوفٖ فَبَايِعۡهُنَّ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُنَّ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga kababaihang mananampalataya, na nangangako ng katapatan sa iyo – tulad ng nangyari sa pagsakop sa Makkah – na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman bagkus sasamba sila sa Kanya lamang, hindi sila magnanakaw, hindi sila mangangalunya, hindi sila papatay ng mga anak nila bilang pagsunod sa kaugalian ng mga kampon ng Kamangmangan, hindi sila mag-uugnay sa mga asawa nila ng mga anak nila mula sa pangangalunya, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti kabilang sa tulad ng pagsaway laban sa pananaghoy, pag-aahit ng buhok, at pagpunit ng damit [sa sandali ng dalamhati] ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humiling ka para sa kanila ng tawad mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila matapos ng pagpapahayag ng katapatan nila sa iyo. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• مشروعية مبايعة ولي الأمر على السمع والطاعة والتقوى.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapahayag ng katapatan sa tagatangkilik ng kapakanan sa pagdinig, pagtalima, at pangingilag sa pagkakasala.

• وجوب الصدق في الأفعال ومطابقتها للأقوال.
Ang pagkatungkulin ng katapatan sa mga gawain at ang pagsang-ayon ng mga ito sa mga sinasabi.

• بيَّن الله للعبد طريق الخير والشر، فإذا اختار العبد الزيغ والضلال ولم يتب فإن الله يعاقبه بزيادة زيغه وضلاله.
Nilinaw ni Allāh sa tao ang daan ng kabutihan at kasamaan, kaya kapag pinili ng tao ang kalikuan at ang pagkaligaw at hindi nagbalik-loob, tunay na si Allāh ay magpaparusa sa kanya sa pamamagitan ng pagdagdag sa kalikuan niya at pagkaligaw niya.

 
Anlam tercümesi Ayet: (12) Sure: Sûretu'l-Mumtehine
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an-ı Kerim muhtasar tefsirinin Filipince (Tagalogca) tercümesi, Tefsir merkezi tarafından yayınlanmıştır

Kapat