Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi * - Mealler fihristi


Anlam tercümesi Ayet: (187) Sure: Sûratu'l-A'râf
يَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلسَّاعَةِ أَيَّانَ مُرۡسَىٰهَاۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ رَبِّيۖ لَا يُجَلِّيهَا لِوَقۡتِهَآ إِلَّا هُوَۚ ثَقُلَتۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ لَا تَأۡتِيكُمۡ إِلَّا بَغۡتَةٗۗ يَسۡـَٔلُونَكَ كَأَنَّكَ حَفِيٌّ عَنۡهَاۖ قُلۡ إِنَّمَا عِلۡمُهَا عِندَ ٱللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagtatanong sa iyo ang mga tagapasinungaling na nanlilitu-lito tungkol sa [Araw ng] Pagbangon: sa aling oras magaganap ito at mapagtitibay ang kaalaman hinggil dito? Sabihin mo, O Muḥammad: "Ang kaalaman dito ay hindi sa ganang akin ni sa ganang iba pa sa akin. Tanging ang kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang. Walang maglalantad dito sa oras nitong itinakda para rito kundi si Allāh. Naikubli ang nauukol sa paglantad nito sa mga naninirahan sa mga langit at mga naninirahan sa lupa. Hindi ito pupunta sa inyo malibang biglaan." Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali na para bang ikaw ay masigasig sa pag-alam hinggil dito. Hindi nila nalaman na ikaw ay hindi tinatanong tungkol dito dahil sa kalubusan ng kaalaman mo sa Panginoon mo. Sabihin mo sa kanila, O Muḥammad: "Tanging ang kaalaman sa Huling Sandali ay nasa ganang Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon."
Arapça tefsirler:
Bu sayfadaki ayetlerin faydaları:
• خلق الله للبشر آلات الإدراك والعلم - القلوب والأعين والآذان - لتحصيل المنافع ودفع المضار.
Lumikha si Allāh para sa sangkatauhan ng mga kasangkapan ng pagtalos at pag-alam: ang mga puso, ang mga mata, at ang mga tainga para sa pagtamo ng mga pakinabang at pagtulak sa mga pinsala.

• الدعاء بأسماء الله الحسنى سبب في إجابة الدعاء، فيُدْعَى في كل مطلوب بما يناسب ذلك المطلوب، مثل: اللهمَّ تب عَلَيَّ يا تواب.
Ang panalangin sa pamamagitan ng mga pangalang pinakamagaganda ni Allāh ay isang kadahilanan sa pagsagot sa panalangin, kaya mananalangin sa bawat hiling ng nababagay sa hiling na iyon, tulad ng: "Allāhumma tub `alayya yā tawwāb (O Allāh, tanggapin mo ang pagbabalik-loob ko, O Palatanggap ng pagbabalik-loob)."

• التفكر في عظمة السماوات والأرض، والتوصل بهذا التفكر إلى أن الله تعالى هو المستحق للألوهية دون غيره؛ لأنه المنفرد بالصنع.
Ang pag-iisip-isip sa kadakilaan ng mga langit at lupa at ang pagkakahantong sa pag-iisip-isip na ito na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang karapat-dapat sa pagkadiyos sa halip ng iba pa sa Kanya dahil Siya ang namumukod-tangi sa paggawa.

 
Anlam tercümesi Ayet: (187) Sure: Sûratu'l-A'râf
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Muhtasar Kur'an-ı Kerim Tefsirinin Filipince (Tagalog) Tercümesi - Mealler fihristi

Kur'an-ı Kerim muhtasar tefsirinin Filipince (Tagalogca) tercümesi, Tefsir merkezi tarafından yayınlanmıştır

Kapat