Check out the new design

Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Filipince (Tagalogca) Tercüme - Rowad Tercüme Merkezi * - Mealler fihristi

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Anlam tercümesi Sure: Sûratu'l-Bakarah   Ayet:
وَلَن تَرۡضَىٰ عَنكَ ٱلۡيَهُودُ وَلَا ٱلنَّصَٰرَىٰ حَتَّىٰ تَتَّبِعَ مِلَّتَهُمۡۗ قُلۡ إِنَّ هُدَى ٱللَّهِ هُوَ ٱلۡهُدَىٰۗ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم بَعۡدَ ٱلَّذِي جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ
Hindi malulugod sa iyo [O Muslim] ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano hanggang sa sumunod ka sa kapaniwalaan nila. Sabihin mo: “Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay.” Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo laban kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya.
Arapça tefsirler:
ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ يَتۡلُونَهُۥ حَقَّ تِلَاوَتِهِۦٓ أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡخَٰسِرُونَ
Ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng Kasulatan ay bumibigkas nito nang totoong pagbigkas. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito [sa Qur’ān]. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito, ang mga iyon ay ang mga lugi.
Arapça tefsirler:
يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتِيَ ٱلَّتِيٓ أَنۡعَمۡتُ عَلَيۡكُمۡ وَأَنِّي فَضَّلۡتُكُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ
O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Kong ibiniyaya Ko sa inyo at na Ako ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang [sa pagkapropeta].
Arapça tefsirler:
وَٱتَّقُواْ يَوۡمٗا لَّا تَجۡزِي نَفۡسٌ عَن نَّفۡسٖ شَيۡـٔٗا وَلَا يُقۡبَلُ مِنۡهَا عَدۡلٞ وَلَا تَنفَعُهَا شَفَٰعَةٞ وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ
Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang panumbas, ni magpapakinabang sa kanya ang isang pamamagitan, ni sila ay iaadya.
Arapça tefsirler:
۞ وَإِذِ ٱبۡتَلَىٰٓ إِبۡرَٰهِـۧمَ رَبُّهُۥ بِكَلِمَٰتٖ فَأَتَمَّهُنَّۖ قَالَ إِنِّي جَاعِلُكَ لِلنَّاسِ إِمَامٗاۖ قَالَ وَمِن ذُرِّيَّتِيۖ قَالَ لَا يَنَالُ عَهۡدِي ٱلظَّٰلِمِينَ
[Banggitin] noong sumubok kay Abraham ang Panginoon niya sa pamamagitan ng mga salita saka tumupad ito sa mga iyon. Nagsabi Siya: “Tunay na Ako ay gagawa sa iyo para sa mga tao bilang pinuno.” Nagsabi ito: “Mayroon sa mga supling ko?” Nagsabi Siya: “Hindi sumasaklaw ang kasunduan sa Akin sa mga tagalabag sa katarungan.”
Arapça tefsirler:
وَإِذۡ جَعَلۡنَا ٱلۡبَيۡتَ مَثَابَةٗ لِّلنَّاسِ وَأَمۡنٗا وَٱتَّخِذُواْ مِن مَّقَامِ إِبۡرَٰهِـۧمَ مُصَلّٗىۖ وَعَهِدۡنَآ إِلَىٰٓ إِبۡرَٰهِـۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ أَن طَهِّرَا بَيۡتِيَ لِلطَّآئِفِينَ وَٱلۡعَٰكِفِينَ وَٱلرُّكَّعِ ٱلسُّجُودِ
[Banggitin] noong gumawa Kami sa Bahay[22] bilang balikan para sa mga tao at bilang katiwasayan. Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan. Naghabilin Kami kina Abraham at Ismael na magdalisay silang dalawa ng Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga yumuyukod na nagpapatirapa.
[22] Ang “Bahay” na nagsisimula sa malaking titik B ay tumutukoy sa Ka`bah sa Makkah.
Arapça tefsirler:
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِـۧمُ رَبِّ ٱجۡعَلۡ هَٰذَا بَلَدًا ءَامِنٗا وَٱرۡزُقۡ أَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ مَنۡ ءَامَنَ مِنۡهُم بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ قَالَ وَمَن كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُۥ قَلِيلٗا ثُمَّ أَضۡطَرُّهُۥٓ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلنَّارِۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, gawin Mo [ang Makkah] ito na isang bayang matiwasay at tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga bunga – ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw.” Nagsabi Siya: “Ang sinumang tumangging sumampalataya ay pagtatamasain Ko nang kaunti, pagkatapos ipagpipilitan Ko siya sa pagdurusa sa Apoy. Kay saklap ang kahahantungan!”
Arapça tefsirler:
 
Anlam tercümesi Sure: Sûratu'l-Bakarah
Surelerin fihristi Sayfa numarası
 
Kur'an-ı Kerim meal tercümesi - Filipince (Tagalogca) Tercüme - Rowad Tercüme Merkezi - Mealler fihristi

Rowad Tercüme Merkezi Ekibi tarafından Rabvede'ki Tebliğ, İrşat ve Toplum Bilinçlendirme Derneği ve Dünya dillerinde İslami içerik ve hizmet cemiyeti işbirliğiyle tercüme edilmiştir.

Kapat