قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى


مەنالار تەرجىمىسى ئايەت: (220) سۈرە: سۈرە بەقەرە
فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِۗ وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡيَتَٰمَىٰۖ قُلۡ إِصۡلَاحٞ لَّهُمۡ خَيۡرٞۖ وَإِن تُخَالِطُوهُمۡ فَإِخۡوَٰنُكُمۡۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ ٱلۡمُفۡسِدَ مِنَ ٱلۡمُصۡلِحِۚ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَأَعۡنَتَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Nagsabatas Siya niyon upang mag-isip-isip kayo hinggil sa nagpapakinabang sa inyo sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagtatanong sa iyo ang mga Kasamahan mo, O Propeta, tungkol sa pagsasagawa ng pagtangkilik sa mga ulila: kung papaano ang gagawin nila sa pakikitungo sa mga ito. Ihahalo ba nila ang mga ari-arian nila sa mga ito sa paggugol, pagpapakain, at pagpapabahay? Sabihin mo habang sumasagot sa kanila: "Ang pagmamabuting-loob ninyo sa kanila sa pamamagitan ng pagpapabuti sa mga ari-arian nila nang walang kapalit o paghahalo sa mga ari-arian nila ay higit na mabuti para sa inyo sa ganang kay Allāh at higit na mabigat sa gantimpala. Ito ay higit na mabuti para sa kanila sa mga ari-arian nila dahil sa dulot nito na pangangalaga sa mga ari-arian nila para sa kanila. Kung makikilahok kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagsasama ng ari-arian nila sa ari-arian ninyo sa kabuhayan, tirahan, at tulad niyon, walang pagkaasiwa roon sapagkat sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon. Ang magkakapatid ay tumutulong sa isa't isa sa kanila at nagtataguyod sa mga kapakanan ng isa't isa sa kanila. Si Allāh ay nakaaalam sa [kaibahan ng] sinumang nagnanais ng panggugulo kabilang sa mga tagatangkilik sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga ulila sa mga ari-arian nila kaysa sa sinumang nagnanais ng pagpapabuti. Kung sakaling niloob ni Allāh na magpahirap sa inyo kaugnay sa nauukol sa mga ulila, talaga sanang nagpahirap Siya sa inyo, subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagpadali para sa inyo ng paraan ng pakikitungo sa kanila dahil ang Batas Niya ay nakabatay sa kadalian. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang nakadadaig sa Kanya na anuman, Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at pagbabatas Niya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• تحريم النكاح بين المسلمين والمشركين، وذلك لبُعد ما بين الشرك والإيمان.
Ang pagbabawal sa pagpapakasal sa pagitan ng mga Muslim at mga Mushrik. Iyon ay dahil sa layo ng nasa pagitan ng shirk at pananampalataya.

• دلت الآية على اشتراط الولي عند عقد النكاح؛ لأن الله تعالى خاطب الأولياء لمّا نهى عن تزويج المشركين.
Nagpatunay ang talata ng Qur'ān sa pagsasakundisyon ng pagkakaroon ng walī (tagatangkilik ng babae) sa sandali ng pagdaraos ng kasalan dahil si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay kumausap sa mga tagatangkilik ng mga babae noong nagbawal Siya ng pagpapakasal sa mga Mushrik.

• حث الشريعة على الطهارة الحسية من النجاسات والأقذار، والطهارة المعنوية من الشرك والمعاصي.
Ang paghimok ng Batas ng Islām sa pisikal na kadalisayan mula sa mga minamarumi at mga karumihan at sa espirituwal na kadalisayan mula sa shirk at mga pagsuway.

• ترغيب المؤمن في أن يكون نظره في أعماله - حتى ما يتعلق بالملذات - إلى الدار الآخرة، فيقدم لنفسه ما ينفعه فيها.
Ang pag-uudyok sa mananampalataya upang ang pagtingin niya sa mga gawa niya, pati ang nauugnay sa mga minamasarap, ay maging tungo sa tahanan sa Kabilang-buhay kaya uunahin niya para sa sarili niya ang magpapakinabang sa kanya roon.

 
مەنالار تەرجىمىسى ئايەت: (220) سۈرە: سۈرە بەقەرە
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرىنىڭ پىلىپپىنچە تەرجىمىسىنى تەپسىر مەركىزى چىقارغان،

تاقاش