قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى


مەنالار تەرجىمىسى ئايەت: (9) سۈرە: سۈرە سەبەئ
أَفَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَىٰ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِن نَّشَأۡ نَخۡسِفۡ بِهِمُ ٱلۡأَرۡضَ أَوۡ نُسۡقِطۡ عَلَيۡهِمۡ كِسَفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّكُلِّ عَبۡدٖ مُّنِيبٖ
Kaya hindi ba nakakikita ang mga tagapasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila na lupa at anumang nasa likuran nila na langit? Kung loloobin Namin ang pagpapalamon [sa kanila] sa lupa mula sa ilalim ng mga paa nila ay magpapalamon Kami sa kanila mula sa ilalim nila. Kung loloobin Namin na magpabagsak Kami sa kanila ng mga piraso mula sa langit ay talaga sanang nagpabagsak Kami ng mga ito sa kanila. Tunay na sa gayon ay talagang may palatandaang tiyakan para sa bawat lingkod na madalas ang pagbabalik sa pagtalima sa Panginoon niya, na ipinapampatunay iyon sa kakayahan ni Allāh sapagkat ang nakakakaya roon ay nakakakaya sa pagbubuhay na muli sa inyo matapos ng kamatayan ninyo at paggugutay-gutay ng mga katawan ninyo.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• تكريم الله لنبيه داود بالنبوة والملك، وبتسخير الجبال والطير يسبحن بتسبيحه، وإلانة الحديد له.
Ang pagpaparangal ni Allāh sa propeta Niyang si David – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng pagkapropeta at paghahari, ng pagpapasilbi sa mga bundok, mga ibon na nagluluwalhati ng pagluluwalhati sa Kanya, at ng pagpapalambot ng bakal para rito.

• تكريم الله لنبيه سليمان عليه السلام بالنبوة والملك.
Ang pagpaparangal ni Allāh sa propeta Niyang si Solomon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng pagkapropeta at paghahari.

• اقتضاء النعم لشكر الله عليها.
Ang paghiling ng mga biyaya para magpasalamat kay Allāh dahil sa mga ito.

• اختصاص الله بعلم الغيب، فلا أساس لما يُدَّعى من أن للجن أو غيرهم اطلاعًا على الغيب.
Ang pagkatangi ni Allāh sa kaalaman sa Lingid kaya walang batayan para sa pinagsasabi na ang mga jinn at ang iba pa sa kanila ay may pagkabatid sa Lingid.

 
مەنالار تەرجىمىسى ئايەت: (9) سۈرە: سۈرە سەبەئ
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرىنىڭ پىلىپپىنچە تەرجىمىسىنى تەپسىر مەركىزى چىقارغان،

تاقاش