Check out the new design

قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى


مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: ياسىن   ئايەت:

Yā-Sīn

سۈرىنىڭ مەقسەتلىرىدىن:
إثبات الرسالة والبعث ودلائلهما.
Ang pagpapatibay sa pasugo at pagkabuhay na muli at ang mga katunayan ng mga ito.

يسٓ
Yā. Sīn. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡحَكِيمِ
Sumusumpa si Allāh sa Qur’ān na tinahas ang mga talata nito, na hindi nakapupunta rito ang kabulaanan sa harapan nito ni sa likuran nito.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Tunay na ikaw, O Sugo, ay talagang kabilang sa mga sugo na isinugo ni Allāh sa mga lingkod Niya upang mag-utos sa kanila ng paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
4. – 5. Batay sa isang pamamaraang tuwid at batas na matuwid. Itong pamamaraang tuwid at batas na matuwid ay pinababa mula sa Panginoon mo, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
تَنزِيلَ ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ
4. – 5. Batay sa isang pamamaraang tuwid at batas na matuwid. Itong pamamaraang tuwid at batas na matuwid ay pinababa mula sa Panginoon mo, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أُنذِرَ ءَابَآؤُهُمۡ فَهُمۡ غَٰفِلُونَ
Nagpababa Kami sa iyo niyon upang magpangamba ka sa mga tao at magbabala ka sa kanila. Sila ay ang mga Arabe na walang nakapunta sa kanila na isang sugong nagbababala sa kanila kaya sila ay mga pabaya sa pananampalataya at paniniwala sa kaisahan ng Diyos. Gayon din ang lagay ng bawat kalipunang naputol dito ang pagbabala: nangangailangan ito ng magpapaalaala rito na mga sugo.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
لَقَدۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَىٰٓ أَكۡثَرِهِمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Talaga ngang kinailangan ang pagdurusa mula kay Allāh para sa higit na marami sa mga ito matapos na umabot sa kanila ang katotohanan mula kay Allāh ayon sa dila ng Sugo Niya, kaya hindi sila sumampalataya sa Kanya at nanatili sila sa kawalang-pananampalataya nila. Kaya sila ay hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Sugo Niya at hindi gumagawa ayon sa inihatid nito sa kanila na katotohanan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِنَّا جَعَلۡنَا فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ أَغۡلَٰلٗا فَهِيَ إِلَى ٱلۡأَذۡقَانِ فَهُم مُّقۡمَحُونَ
Ang tulad nila roon ay tulad ng nilagyan ng mga posas sa mga leeg nila at pinagsama ang mga kamay nila kasama sa mga leeg nila sa ilalim ng mga pinagtitipunan ng mga balbas nila kaya napilitan sila na mag-angat ng mga ulo nila sa langit saka hindi nila nakakayang magyuko ng mga ulo. Ang mga ito ay mga nakagapos palayo sa pananampalataya kay Allāh kaya hindi sila nagpapasakop sa Kanya at hindi sila nagbaba ng mga ulo nila alang-alang sa Kanya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَجَعَلۡنَا مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ سَدّٗا وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ سَدّٗا فَأَغۡشَيۡنَٰهُمۡ فَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ
Naglagay Kami sa harapan nila ng isang harang sa katotohanan at sa likuran nila ng isang harang. Bumalot Kami sa mga paningin nila palayo sa katotohanan kaya sila ay hindi nakakikita ayon sa pagkakitang makikinabang sila. Nangyari iyon sa kanila matapos na lumitaw ang pagmamatigas nila at ang pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَسَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Magkapantay sa ganang mga tagatangging sumampalataya na nagmamatigas na ito sa katotohanan na nagpangamba ka man sa kanila, O Muḥammad, o hindi ka nagpangamba sa kanila, sila ay hindi sumasampalataya sa inihatid mula sa ganang kay Allāh.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِنَّمَا تُنذِرُ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلذِّكۡرَ وَخَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِۖ فَبَشِّرۡهُ بِمَغۡفِرَةٖ وَأَجۡرٖ كَرِيمٍ
Tunay na ang nakikinabang nang totohanan sa pagbabala mo ay ang sinumang nagpatotoo sa Qur'ān na ito, sumunod sa nasaad dito, at nangamba sa Panginoon niya sa pag-iisa kung saan hindi nakakikita sa kanya ang iba pa sa kanya. Kaya magbalita ka sa sinumang ito ang mga katangian niya ng magpapatuwa sa kanya na pagbura ni Allāh sa mga pagkakasala niya at kapatawaran Niya sa mga ito. Kabilang sa gantimpalang sukdulan na naghihintay sa kanya sa Kabilang-buhay ay ang pagpasok sa Paraiso.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَنَكۡتُبُ مَا قَدَّمُواْ وَءَاثَٰرَهُمۡۚ وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ فِيٓ إِمَامٖ مُّبِينٖ
Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay nila para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon, nagtatala ng anumang ipinauna nila sa buhay nilang pangmundo na mga gawaing maayos at masagwa, at nagtatala ng anumang mayroon sila na bakas na natitira matapos ng pagkamatay nila, na maayos gaya ng kawanggawang nagpapatuloy o masagwa gaya ng kawalang-pananampalataya. Nag-isa-isa nga Kami sa bawat bagay sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinangangalagaan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
بۇ بەتتىكى ئايەتلەردىن ئېلىنغان مەزمۇنلار:
• العناد مانع من الهداية إلى الحق.
Ang pagmamatigas ay tagahadlang sa kapatnubayan sa katotohanan.

• العمل بالقرآن وخشية الله من أسباب دخول الجنة.
Ang paggawa ayon sa Qur'ān at ang pagkatakot kay Allāh ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa paraiso.

• فضل الولد الصالح والصدقة الجارية وما شابههما على العبد المؤمن.
Ang kalamangan ng anak na maayos, kawanggawang nagpapatuloy, at anumang nakawawangis ng dalawang ito sa taong mananampalataya.

 
مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: ياسىن
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە تەرجىمىسى (تجالۇچ ) قۇرئان كەرىم قىسقىچە تەپسىرى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

قۇرئان تەتقىقاتى تەپسىر مەركىزى چىقارغان.

تاقاش