Check out the new design

قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە (تاگالۇگ) تەرجىمىسى - رۇۋۋاد تەرجىمە مەركىزى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: يۇنۇس   ئايەت:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَاتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا ٱئۡتِ بِقُرۡءَانٍ غَيۡرِ هَٰذَآ أَوۡ بَدِّلۡهُۚ قُلۡ مَا يَكُونُ لِيٓ أَنۡ أُبَدِّلَهُۥ مِن تِلۡقَآيِٕ نَفۡسِيٓۖ إِنۡ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰٓ إِلَيَّۖ إِنِّيٓ أَخَافُ إِنۡ عَصَيۡتُ رَبِّي عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٖ
Kapag binibigkas sa kanila ang mga talata Namin [sa Qur’ān] bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: “Magdala ka ng isang Qur’ān na iba rito o magpalit ka nito.” Sabihin mo: “Hindi nagiging ukol sa akin na magpalit ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin. Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قُل لَّوۡ شَآءَ ٱللَّهُ مَا تَلَوۡتُهُۥ عَلَيۡكُمۡ وَلَآ أَدۡرَىٰكُم بِهِۦۖ فَقَدۡ لَبِثۡتُ فِيكُمۡ عُمُرٗا مِّن قَبۡلِهِۦٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Sabihin mo: “Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana ako bumigkas nito sa inyo at hindi sana Siya nagpaalam nito sa inyo sapagkat namalagi nga ako sa inyo nang tanang-buhay bago pa nito. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبًا أَوۡ كَذَّبَ بِـَٔايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga salarin.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمۡ وَلَا يَنفَعُهُمۡ وَيَقُولُونَ هَٰٓؤُلَآءِ شُفَعَٰٓؤُنَا عِندَ ٱللَّهِۚ قُلۡ أَتُنَبِّـُٔونَ ٱللَّهَ بِمَا لَا يَعۡلَمُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Sumasamba sila bukod pa kay Allāh sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: “Ang mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay Allāh.” Sabihin mo: “Nagbabalita ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa [na may katambal Siya]? Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَمَا كَانَ ٱلنَّاسُ إِلَّآ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ فَٱخۡتَلَفُواْۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡ فِيمَا فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ
Walang iba dati ang mga tao kundi nag-iisang kalipunan [sa isang paniniwala], saka nagkaiba-iba sila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila hinggil sa anumang kaugnay roon ay nagkakaiba-iba sila.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَيَقُولُونَ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦۖ فَقُلۡ إِنَّمَا ٱلۡغَيۡبُ لِلَّهِ فَٱنتَظِرُوٓاْ إِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُنتَظِرِينَ
Nagsasabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Kaya sabihin mo: “Ang nakalingid ay ukol kay Allāh lamang kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
 
مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: يۇنۇس
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە (تاگالۇگ) تەرجىمىسى - رۇۋۋاد تەرجىمە مەركىزى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

رۇۋاد تەرجىمە مەركىزىدىكى بىر گۇرۇپ ئالىملار رىبۋە دەۋەت جەمئىيىتى ۋە ئىسلامىي مەزمۇنلارنى تەمىنلەش جەمئىيىتى بىلەن ھەمكارلىشىپ تەرجىمە قىلغان.

تاقاش