Check out the new design

قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە (تاگالۇگ) تەرجىمىسى - رۇۋۋاد تەرجىمە مەركىزى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: قەسەس   ئايەت:
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلۡغَرۡبِيِّ إِذۡ قَضَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَى ٱلۡأَمۡرَ وَمَا كُنتَ مِنَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Hindi ka noon nasa gilid ng kanluraning bahagi [ng bundok] noong nagtadhana Kami kay Moises ng utos at hindi ka noon kabilang sa mga saksi.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَلَٰكِنَّآ أَنشَأۡنَا قُرُونٗا فَتَطَاوَلَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡعُمُرُۚ وَمَا كُنتَ ثَاوِيٗا فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ تَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga salinlahi saka naghabaan sa kanila ang edad. Hindi ka noon nanunuluyan sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin [sa Qur’ān], subalit Kami noon ay tagapagsugo.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلطُّورِ إِذۡ نَادَيۡنَا وَلَٰكِن رَّحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٖ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Hindi ka noon nasa gilid ng bundok noong nanawagan Kami [kay Moises] subalit [isinugo ka] bilang awa mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala, bago mo pa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَلَوۡلَآ أَن تُصِيبَهُم مُّصِيبَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ فَيَقُولُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولٗا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ وَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kung hindi dahil na may tumama sa kanila na isang kasawian dahil sa ipinauna ng mga kamay nila para magsabi sila: “Panginoon Namin, bakit hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo at kami ay maging kabilang sa mga mananampalataya?”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ مِنۡ عِندِنَا قَالُواْ لَوۡلَآ أُوتِيَ مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ مُوسَىٰٓۚ أَوَلَمۡ يَكۡفُرُواْ بِمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ مِن قَبۡلُۖ قَالُواْ سِحۡرَانِ تَظَٰهَرَا وَقَالُوٓاْ إِنَّا بِكُلّٖ كَٰفِرُونَ
Ngunit noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: “Bakit hindi siya binigyan ng tulad sa ibinigay kay Moises?” Hindi ba sila tumangging sumampalataya sa ibinigay kay Moises bago pa niyan? Nagsabi sila: “[Ang Qur’ān at ang Torah ay] dalawang panggagaway na nagtataguyudan.” Nagsabi sila: “Tunay na kami sa bawat [isa] ay mga tagatangging sumampalataya.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قُلۡ فَأۡتُواْ بِكِتَٰبٖ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ هُوَ أَهۡدَىٰ مِنۡهُمَآ أَتَّبِعۡهُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Sabihin mo: “Kaya magbigay kayo ng isang kasulatan mula sa ganang kay Allāh na higit na mapaggabay kaysa sa dalawang ito, susunod ako roon kung kayo ay mga tapat.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
فَإِن لَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكَ فَٱعۡلَمۡ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّنِ ٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ بِغَيۡرِ هُدٗى مِّنَ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Ngunit kung hindi sila tumugon sa iyo ay alamin mo na sumusunod lamang sila sa mga pithaya nila. Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh? Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
 
مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: قەسەس
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە (تاگالۇگ) تەرجىمىسى - رۇۋۋاد تەرجىمە مەركىزى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

رۇۋاد تەرجىمە مەركىزىدىكى بىر گۇرۇپ ئالىملار رىبۋە دەۋەت جەمئىيىتى ۋە ئىسلامىي مەزمۇنلارنى تەمىنلەش جەمئىيىتى بىلەن ھەمكارلىشىپ تەرجىمە قىلغان.

تاقاش