Check out the new design

قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە (تاگالۇگ) تەرجىمىسى - رۇۋۋاد تەرجىمە مەركىزى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: مائىدە   ئايەت:
قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ ٱللَّهُمَّ رَبَّنَآ أَنزِلۡ عَلَيۡنَا مَآئِدَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ تَكُونُ لَنَا عِيدٗا لِّأَوَّلِنَا وَءَاخِرِنَا وَءَايَةٗ مِّنكَۖ وَٱرۡزُقۡنَا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ
Nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O Allāh, Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag mula sa langit, na para sa amin ay magiging isang pagdiriwang para sa una sa amin at huli sa amin at isang tanda mula sa Iyo. Magtustos Ka sa amin, at Ikaw ay pinakamainam sa mga tagatustos.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيۡكُمۡۖ فَمَن يَكۡفُرۡ بَعۡدُ مِنكُمۡ فَإِنِّيٓ أُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا لَّآ أُعَذِّبُهُۥٓ أَحَدٗا مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi si Allāh: “Tunay na Ako ay magbababa nito sa inyo; kaya ang sinumang tatangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo, tunay na Ako ay magpaparusa sa kanya ng isang pagdurusang hindi Ako nagpaparusa nito sa isa kabilang sa mga nilalang.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَإِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ءَأَنتَ قُلۡتَ لِلنَّاسِ ٱتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيۡنِ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالَ سُبۡحَٰنَكَ مَا يَكُونُ لِيٓ أَنۡ أَقُولَ مَا لَيۡسَ لِي بِحَقٍّۚ إِن كُنتُ قُلۡتُهُۥ فَقَدۡ عَلِمۡتَهُۥۚ تَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِي وَلَآ أَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِكَۚ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ
[Banggitin] kapag magsasabi si Allāh: “O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay Allāh?” Magsasabi ito: “Kaluwalhatian sa Iyo! Hindi nagiging ukol sa akin na magsabi ako ng anumang ukol sa akin ay hindi isang karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay nakaalam Ka nga niyon. Nakaaalam Ka ng nasa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
مَا قُلۡتُ لَهُمۡ إِلَّا مَآ أَمَرۡتَنِي بِهِۦٓ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمۡۚ وَكُنتُ عَلَيۡهِمۡ شَهِيدٗا مَّا دُمۡتُ فِيهِمۡۖ فَلَمَّا تَوَفَّيۡتَنِي كُنتَ أَنتَ ٱلرَّقِيبَ عَلَيۡهِمۡۚ وَأَنتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ
Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay Allāh na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِن تُعَذِّبۡهُمۡ فَإِنَّهُمۡ عِبَادُكَۖ وَإِن تَغۡفِرۡ لَهُمۡ فَإِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Kung magpaparusa Ka sa kanila, tunay na sila ay mga lingkod Mo; at kung magpapatawad Ka sa kanila, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قَالَ ٱللَّهُ هَٰذَا يَوۡمُ يَنفَعُ ٱلصَّٰدِقِينَ صِدۡقُهُمۡۚ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Magsasabi si Allāh: “Ito ay Araw na magpapakinabang sa mga tapat ang katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman.” Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod naman sila sa Kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
لِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا فِيهِنَّۚ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرُۢ
Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa mga ito. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
 
مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: مائىدە
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە (تاگالۇگ) تەرجىمىسى - رۇۋۋاد تەرجىمە مەركىزى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

رۇۋاد تەرجىمە مەركىزىدىكى بىر گۇرۇپ ئالىملار رىبۋە دەۋەت جەمئىيىتى ۋە ئىسلامىي مەزمۇنلارنى تەمىنلەش جەمئىيىتى بىلەن ھەمكارلىشىپ تەرجىمە قىلغان.

تاقاش