Check out the new design

قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە (تاگالۇگ) تەرجىمىسى - رۇۋۋاد تەرجىمە مەركىزى * - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: تەھرىم   ئايەت:

At-Tahrīm

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَآ أَحَلَّ ٱللَّهُ لَكَۖ تَبۡتَغِي مَرۡضَاتَ أَزۡوَٰجِكَۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
O Propeta, bakit ka nagbabawal [sa sarili mo] ng ipinahintulot ni Allāh para sa iyo, na naghahangad ng kaluguran ng mga maybahay mo? Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
قَدۡ فَرَضَ ٱللَّهُ لَكُمۡ تَحِلَّةَ أَيۡمَٰنِكُمۡۚ وَٱللَّهُ مَوۡلَىٰكُمۡۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagsatungkulin nga si Allāh para sa inyo ng pagkalas sa mga panunumpa ninyo. Si Allāh ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
وَإِذۡ أَسَرَّ ٱلنَّبِيُّ إِلَىٰ بَعۡضِ أَزۡوَٰجِهِۦ حَدِيثٗا فَلَمَّا نَبَّأَتۡ بِهِۦ وَأَظۡهَرَهُ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ عَرَّفَ بَعۡضَهُۥ وَأَعۡرَضَ عَنۢ بَعۡضٖۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِۦ قَالَتۡ مَنۡ أَنۢبَأَكَ هَٰذَاۖ قَالَ نَبَّأَنِيَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡخَبِيرُ
[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya [na si Ḥafṣah] ng isang napag-usapan, saka noong nagsabalita ito hinggil doon [kay`Ā’ishah] at naglantad naman niyon si Allāh sa kanya, nagbigay-alam siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala siya sa ibang bahagi. Kaya noong nagsabalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: “Sino ang nagbalita sa iyo nito?” Nagsabi siya: “Nagsabalita sa akin [si Allāh,] ang Maalam, ang Mapagbatid.”
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
إِن تَتُوبَآ إِلَى ٱللَّهِ فَقَدۡ صَغَتۡ قُلُوبُكُمَاۖ وَإِن تَظَٰهَرَا عَلَيۡهِ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ مَوۡلَىٰهُ وَجِبۡرِيلُ وَصَٰلِحُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ
[Tatanggapin] kung magbabalik-loob kayong dalawa[1] kay Allāh sapagkat kumiling nga ang mga puso ninyong dalawa.[2] Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya,[3] tunay na si Allāh ay Mapagtangkilik sa kanya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay mapagtaguyod [sa Kanya].
[1] Hafsah at `‘ishah
[2] sa kinasuklaman ng Sugo
[3] sa kinasusuklaman Niya.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
عَسَىٰ رَبُّهُۥٓ إِن طَلَّقَكُنَّ أَن يُبۡدِلَهُۥٓ أَزۡوَٰجًا خَيۡرٗا مِّنكُنَّ مُسۡلِمَٰتٖ مُّؤۡمِنَٰتٖ قَٰنِتَٰتٖ تَٰٓئِبَٰتٍ عَٰبِدَٰتٖ سَٰٓئِحَٰتٖ ثَيِّبَٰتٖ وَأَبۡكَارٗا
Marahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo – mga babaing tagapagpasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagapagbalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ قُوٓاْ أَنفُسَكُمۡ وَأَهۡلِيكُمۡ نَارٗا وَقُودُهَا ٱلنَّاسُ وَٱلۡحِجَارَةُ عَلَيۡهَا مَلَٰٓئِكَةٌ غِلَاظٞ شِدَادٞ لَّا يَعۡصُونَ ٱللَّهَ مَآ أَمَرَهُمۡ وَيَفۡعَلُونَ مَا يُؤۡمَرُونَ
O mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa isang apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay Allāh sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila.
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَا تَعۡتَذِرُواْ ٱلۡيَوۡمَۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
O mga tumangging sumampalataya, huwag kayong magdahi-dahilan sa Araw [na ito]; gagantihan lamang kayo sa dati ninyong ginagawa [na kasamaan].
ئەرەپچە تەپسىرلەر:
 
مەنالار تەرجىمىسى سۈرە: تەھرىم
سۈرە مۇندەرىجىسى بەت نومۇرى
 
قۇرئان كەرىم مەنىلىرىنىڭ تەرجىمىسى - پىلىپپىنچە (تاگالۇگ) تەرجىمىسى - رۇۋۋاد تەرجىمە مەركىزى - تەرجىمىلەر مۇندەرىجىسى

رۇۋاد تەرجىمە مەركىزىدىكى بىر گۇرۇپ ئالىملار رىبۋە دەۋەت جەمئىيىتى ۋە ئىسلامىي مەزمۇنلارنى تەمىنلەش جەمئىيىتى بىلەن ھەمكارلىشىپ تەرجىمە قىلغان.

تاقاش