قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ سورت: سورۂ مریم   آیت:

Maryam

سورہ کے بعض مقاصد:
إبطال عقيدة نسبة الولد لله من المشركين والنصارى، وبيان سعة رحمة الله بعباده.
Ang pagpapawalang-saysay sa paniniwala ng pag-uugnay ng anak kay Allāh ng mga tagapagtambal at mga Kristiyano at ang paglilinaw sa lawak ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya.

كٓهيعٓصٓ
Kāf, Hā, Yā, `Ayn, Ṣād. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
عربی تفاسیر:
ذِكۡرُ رَحۡمَتِ رَبِّكَ عَبۡدَهُۥ زَكَرِيَّآ
Ito ay ang pagbanggit ng awa ng Panginoon mo sa lingkod Niyang si Zacarias – sumakanya ang pangangalaga. Magsasalaysay Kami nito sa iyo para sa pagsasaalang-alang dito.
عربی تفاسیر:
إِذۡ نَادَىٰ رَبَّهُۥ نِدَآءً خَفِيّٗا
noong nanalangin siya sa Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang panalanging kubli upang ito ay maging higit na malapit sa pagtugon.
عربی تفاسیر:
قَالَ رَبِّ إِنِّي وَهَنَ ٱلۡعَظۡمُ مِنِّي وَٱشۡتَعَلَ ٱلرَّأۡسُ شَيۡبٗا وَلَمۡ أَكُنۢ بِدُعَآئِكَ رَبِّ شَقِيّٗا
Nagsabi siya: "O Panginoon ko, tunay na ako ay humina ang mga buto ko, dumami ang uban ng ulo ko, at hindi naging isang bigo sa pagdalangin ko sa Iyo, bagkus sa tuwing dumadalangin ako sa Iyo ay tumutugon Ka sa akin.
عربی تفاسیر:
وَإِنِّي خِفۡتُ ٱلۡمَوَٰلِيَ مِن وَرَآءِي وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِي عَاقِرٗا فَهَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ وَلِيّٗا
Tunay na ako ay nangamba sa mga kamag-anakan ko na hindi sila magsagawa matapos ng kamatayan ko ng karapatan ng relihiyon dahil sa pagkakaabala nila sa Mundo. Ang maybahay ko naman ay baog, hindi nanganganak. Kaya magbigay ka sa akin mula sa ganang Iyo ng isang anak na tutulong,
عربی تفاسیر:
يَرِثُنِي وَيَرِثُ مِنۡ ءَالِ يَعۡقُوبَۖ وَٱجۡعَلۡهُ رَبِّ رَضِيّٗا
na magmamana ng pagkapropeta buhat sa akin at magmamana nito mula sa angkan ni Jacob – sumakanya ang pangangalaga. Gawin Mo siya, O Panginoon ko, na isang kinalulugdan sa relihiyon niya, kaasalan niya, at kaalaman niya."
عربی تفاسیر:
يَٰزَكَرِيَّآ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ ٱسۡمُهُۥ يَحۡيَىٰ لَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ مِن قَبۡلُ سَمِيّٗا
Kaya tumugon si Allāh sa panalangin nito at nanawagan Siya rito: "O Zacarias, tunay na Kami ay nagpapabatid sa iyo ng magpapagalak sa iyo sapagkat tumugon Kami sa panalangin mo at nagbigay Kami sa iyo ng isang batang lalaking ang pangalan niya ay Juan. Hindi Kami nagtalaga para sa iba pa sa kanya bago pa niya ng pangalang ito."
عربی تفاسیر:
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَكَانَتِ ٱمۡرَأَتِي عَاقِرٗا وَقَدۡ بَلَغۡتُ مِنَ ٱلۡكِبَرِ عِتِيّٗا
Nagsabi [ang anghel]: "Gayon nagsabi ang Panginoon mo: Iyon sa Akin ay madali at lumikha nga Ako sa iyo bago pa niyan habang hindi ka pa naging isang bagay."
عربی تفاسیر:
قَالَ كَذَٰلِكَ قَالَ رَبُّكَ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞ وَقَدۡ خَلَقۡتُكَ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ تَكُ شَيۡـٔٗا
Nagsabi ang anghel: "Ang usapin ay gaya ng sinabi mo na ang maybahay mo ay hindi nanganganak at na ikaw ay umabot na sa wakas ng edad dahil sa katandaan at kahinaan ng mga buto, subalit ang Panginoon mo ay nagsabing ang paglikha ng Panginoon mo kay Juan mula sa isang inang baog at isang amang umabot sa wakas ng edad ay madali. Lumikha nga Siya sa iyo, O Zacarias, bago pa niyon habang hindi ka pa naging isang bagay nababanggit dahil ikaw noon ay wala pa."
عربی تفاسیر:
قَالَ رَبِّ ٱجۡعَل لِّيٓ ءَايَةٗۖ قَالَ ءَايَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ ٱلنَّاسَ ثَلَٰثَ لَيَالٖ سَوِيّٗا
Nagsabi si Zacarias – sumakanya ang pangangalaga: "O Panginoon ko, gumawa ka para sa akin ng isang palatandaang mapapanatag ako sa pamamagitan nito, na magpapatunay sa pangyayari ng ibinalita sa akin ng mga anghel." Nagsabi siya: "Ang palatandaan mo sa pangyayari ng ibinalita sa iyo ay na hindi mo makaya ang pakikipag-usap sa mga tao nang tatlong gabi nang walang karamdaman, bagkus ikaw ay malusog na walang-sakit."
عربی تفاسیر:
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنَ ٱلۡمِحۡرَابِ فَأَوۡحَىٰٓ إِلَيۡهِمۡ أَن سَبِّحُواْ بُكۡرَةٗ وَعَشِيّٗا
Kaya lumabas si Zacarias sa mga kalipi niya mula sa pinagdarasalan niya saka sumenyas siya sa kanila nang walang pagkikipag-usap: na magluwalhati sila kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa unang bahagi ng maghapon at sa huling bahagi nito.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• الضعف والعجز من أحب وسائل التوسل إلى الله؛ لأنه يدل على التَّبَرُّؤِ من الحول والقوة، وتعلق القلب بحول الله وقوته.
Ang kahinaan at ang kawalang-kakayahan ay kabilang sa pinakakaibig-ibig sa mga kaparaanan ng pagsusumamo kay Allāh dahil ito ay nagpapatunay sa kawalan ng pagtataglay ng kapangyarihan at lakas at pagkakahumaling ng puso sa kapangyarihan ni Allāh at lakas Niya.

• يستحب للمرء أن يذكر في دعائه نعم الله تعالى عليه، وما يليق بالخضوع.
Itinuturing na kaibig-ibig para sa tao na bumanggit siya sa panalangin niya ng mga biyaya ni Allāh – Napakataas Siya – sa kanya at ang naaangkop sa pagpapakumbaba.

• الحرص على مصلحة الدين وتقديمها على بقية المصالح.
Ang pagsisigasig sa kapakanan ng Islām at ang pag-uuna rito higit sa lahat ng mga kapakanan.

• تستحب الأسماء ذات المعاني الطيبة.
Itinuturing na kaibig-ibig ang mga pangalang may mga kahulugang kaaya-aya.

يَٰيَحۡيَىٰ خُذِ ٱلۡكِتَٰبَ بِقُوَّةٖۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحُكۡمَ صَبِيّٗا
Kapa ipinanganak sa kanya si Juan. Saka noong umabot siya sa isang edad na makakausap siya ay nagsabi Kami sa kanya: "O Juan, kunin mo ang Torah nang may kasugiran at pagsisikap." Nagbigay Kami sa kanya ng pag-intindi, kasugiran, at pagtitika habang siya ay nasa edad ng pagkapaslit.
عربی تفاسیر:
وَحَنَانٗا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَوٰةٗۖ وَكَانَ تَقِيّٗا
Naawa Kami sa kanya sa isang pagkaawang mula sa ganang Amin. Nagdalisay Kami sa kanya mula sa mga pagkakasala. Siya noon ay isang mapangilag sa pagkakasala, na sumusunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya.
عربی تفاسیر:
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَيۡهِ وَلَمۡ يَكُن جَبَّارًا عَصِيّٗا
Siya noon ay isang nagpapakabuti sa mga magulang niya, mabait sa kanilang dalawa, isang tagagawa ng maganda sa kanilang dalawa, hindi naging isang nagpapakamalaki laban sa pagtalima sa Panginoon niya ni sa pagtalima sa mga magulang, at hindi isang tagasuway sa Panginoon niya o sa mga magulang niya.
عربی تفاسیر:
وَسَلَٰمٌ عَلَيۡهِ يَوۡمَ وُلِدَ وَيَوۡمَ يَمُوتُ وَيَوۡمَ يُبۡعَثُ حَيّٗا
Kapayapaan ay sumakanya mula kay Allāh at katiwasayan ay ukol sa kanya mula kay Allāh sa araw na ipinanganak siya, sa araw na mamamatay siya at lalabas sa buhay na ito, at sa araw na bubuhayin siyang isang buhay sa Araw ng Pagbangon. Ang tatlong yugtong ito ay ang pinakamapanglaw na pinagdadaanan ng tao. Kaya kapag natiwasay siya sa mga ito ay walang pangamba sa kanya sa anumang iba pa sa mga ito.
عربی تفاسیر:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَرۡيَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتۡ مِنۡ أَهۡلِهَا مَكَانٗا شَرۡقِيّٗا
Bumanggit ka, O Sugo, sa Qur'ān na pinababa sa iyo ang ulat kay Maria – sumakanya ang pangangalaga – noong lumayu-layo siya buhat sa mag-anak niya at bumukod siya sa isang pook sa dakong silangan mula sa kanila.
عربی تفاسیر:
فَٱتَّخَذَتۡ مِن دُونِهِمۡ حِجَابٗا فَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرٗا سَوِيّٗا
Saka gumawa siya para sa sarili niya, mula sa pagbukod sa kanila, ng isang panakip na tatakip sa kanya upang hindi sila makakita sa kanya sa sandali ng pagsamba niya sa Panginoon niya, saka isinugo Namin sa kanya si Anghel Gabriel – sumakanya ang pangangalaga, saka nag-anyo ito sa kanya sa anyo ng isang taong lubos ang pagkalikha kaya nangamba siya na ito ay magnais sa kanya ng isang kasagwaan.
عربی تفاسیر:
قَالَتۡ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيّٗا
Kaya noong nakita niya ito sa anyo ng isang taong lubos ang pagkalikha habang dumadako sa kanya ay nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakalinga sa Napakamaawain laban sa iyo na may umabot sa akin mula sa iyo na isang kasagwaan, O heto. Kung ikaw ay isang mapangilag sa pagkakasala, mangangamba ka kay Allah."
عربی تفاسیر:
قَالَ إِنَّمَآ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَٰمٗا زَكِيّٗا
Nagsabi si Anghel Gabriel – sumakanya ang pangangalaga: "Ako ay hindi isang tao. Ako ay isang sugo lamang mula sa Panginoon mo, na nagsugo sa akin sa iyo upang maghandog ako sa iyo ng isang kaaya-ayang lalaking anak na dalisay."
عربی تفاسیر:
قَالَتۡ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞ وَلَمۡ أَكُ بَغِيّٗا
Nagsabi si Maria habang nagtataka: "Papaanong magkakaroon ako ng isang anak na lalaki samantalang walang nakalapit sa akin na isang asawa ni iba pa rito at hindi ako isang nangangalunya upang magkaroon ako ng isang anak?"
عربی تفاسیر:
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞۖ وَلِنَجۡعَلَهُۥٓ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِ وَرَحۡمَةٗ مِّنَّاۚ وَكَانَ أَمۡرٗا مَّقۡضِيّٗا
Nagsabi sa kanya si Anghel Gabriel: "Ang usapin ay gaya ng nabanggit mo na ikaw ay hindi nasaling ng isang asawa ni ng iba pa rito at hindi naging isang mangangalunya, subalit ang Panginoon mo – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsabi: 'Ang paglikha sa isang batang lalaki nang walang ama ay magaan sa Akin,' at upang ang anak na ipagkakaloob sa iyo ay maging isang palatandaan para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh at maging isang awa mula sa Kanya para sa iyo at para sa sinumang sumampalataya sa Kanya. Ang paglikha sa anak mong ito ay isang pagtatadhana mula kay Allāh na naitakda, na nakasulat sa Tablerong Pinag-iingatan."
عربی تفاسیر:
۞ فَحَمَلَتۡهُ فَٱنتَبَذَتۡ بِهِۦ مَكَانٗا قَصِيّٗا
Kaya nagdalang-tao siya nito matapos ng pag-ihip ng anghel saka lumayu-layo siya kasama nito patungo sa isang pook na malayo sa mga tao.
عربی تفاسیر:
فَأَجَآءَهَا ٱلۡمَخَاضُ إِلَىٰ جِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ قَالَتۡ يَٰلَيۡتَنِي مِتُّ قَبۡلَ هَٰذَا وَكُنتُ نَسۡيٗا مَّنسِيّٗا
Saka nagpasakit sa kanya ang sakit ng panganganak at nagpapunta ito sa kanya tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi si Maria – sumakanya ang pangangalaga: "O sana ako ay namatay bago ng araw na ito at naging isang bagay na hindi nababanggit upang hindi magpalagay sa akin ng kasagwaan."
عربی تفاسیر:
فَنَادَىٰهَا مِن تَحۡتِهَآ أَلَّا تَحۡزَنِي قَدۡ جَعَلَ رَبُّكِ تَحۡتَكِ سَرِيّٗا
Saka nanawagan sa kanya si Jesus mula sa ilalim ng mga paa niya: "Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang sapa ng tubig na makaiinom ka mula rito.
عربی تفاسیر:
وَهُزِّيٓ إِلَيۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَٰقِطۡ عَلَيۡكِ رُطَبٗا جَنِيّٗا
Humawak ka sa katawan ng punong datiles at yugyugin mo ito, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa na napitas sa oras ng mga ito.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• الصبر على القيام بالتكاليف الشرعية مطلوب.
Ang pagtitiis sa pagsasagawa ng mga tungkuling pambatas ng Islām ay hinihiling.

• علو منزلة بر الوالدين ومكانتها عند الله، فالله قرنه بشكره.
Ang kataasan ng antas ng pagpapakabuti sa mga magulang at ang kalagayan nito sa ganang kay Allāh sapagkat si Allāh ay nag-ugnay nito sa pasasalamat sa Kanya.

• مع كمال قدرة الله في آياته الباهرة التي أظهرها لمريم، إلا أنه جعلها تعمل بالأسباب ليصلها ثمرة النخلة.
Sa kabila ng kalubusan ng kapangyarihan ni Allāh sa mga tanda Niyang maningning na pinalitaw Niya kay Maria, gayon pa man, Siya ay nagsanhi rito na gumawa ito ng mga kaparaanan upang umabot dito ang bunga ng punong datiles.

فَكُلِي وَٱشۡرَبِي وَقَرِّي عَيۡنٗاۖ فَإِمَّا تَرَيِنَّ مِنَ ٱلۡبَشَرِ أَحَدٗا فَقُولِيٓ إِنِّي نَذَرۡتُ لِلرَّحۡمَٰنِ صَوۡمٗا فَلَنۡ أُكَلِّمَ ٱلۡيَوۡمَ إِنسِيّٗا
Kaya kumain ka mula sa mga sariwang datiles, uminom ka mula sa tubig, magpagalak ka ng sarili sa ipinanganak mo, at huwag kang malungkot. Saka kung makakikita ka kabilang sa mga tao ng isa man at nagtanong ito sa iyo tungkol sa lagay ng ipinanganak ay sabihin mo sa kanya: Tunay na Ako ay nagsatungkulin sa sarili ko para sa Panginoon ko ng isang pananahimik sa pagsasalita kaya hindi ako mangungusap ngayong araw sa isa man kabilang sa mga tao."
عربی تفاسیر:
فَأَتَتۡ بِهِۦ قَوۡمَهَا تَحۡمِلُهُۥۖ قَالُواْ يَٰمَرۡيَمُ لَقَدۡ جِئۡتِ شَيۡـٔٗا فَرِيّٗا
Kaya naghatid si Maria ng anak niya sa mga kalipi niya habang kinakarga ito. Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya habang mga nagmamasama: "O Maria, talaga ngang naghatid ka ng isang bagay na sukdulang tagapanirang-puri yayamang nagdala ka ng isang batang lalaking walang ama!
عربی تفاسیر:
يَٰٓأُخۡتَ هَٰرُونَ مَا كَانَ أَبُوكِ ٱمۡرَأَ سَوۡءٖ وَمَا كَانَتۡ أُمُّكِ بَغِيّٗا
O kawangis ni Aaron sa pagsamba (na isang lalaking maayos), ang ama mo ay hindi naging isang lalaking tagapangalunya at ang ina mo ay hindi naging isang babaing tagapangalunya at ikaw ay kabilang sa isang bahay na dalisay na kilala sa kaayusan. Kaya papaanong nagdala ka ng isang batang lalaking walang ama?"
عربی تفاسیر:
فَأَشَارَتۡ إِلَيۡهِۖ قَالُواْ كَيۡفَ نُكَلِّمُ مَن كَانَ فِي ٱلۡمَهۡدِ صَبِيّٗا
Kaya tumuro siya sa anak niyang si Jesus – sumakanya ang pangangalaga – habang ito ay nasa lampin kaya nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya habang mga nagtataka: "Papaano kami mangungusap sa isang paslit samantalang ito ay nasa lampin?"
عربی تفاسیر:
قَالَ إِنِّي عَبۡدُ ٱللَّهِ ءَاتَىٰنِيَ ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلَنِي نَبِيّٗا
Nagsabi si Jesus – sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na ako ay alipin ni Allāh. Nagbigay Siya sa akin ng Ebanghelyo at gumawa Siya sa akin bilang propeta kabilang sa mga propeta Niya.
عربی تفاسیر:
وَجَعَلَنِي مُبَارَكًا أَيۡنَ مَا كُنتُ وَأَوۡصَٰنِي بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ مَا دُمۡتُ حَيّٗا
Gumawa Siya sa akin bilang maraming pakinabang para sa mga tao saan man ako naroon at nag-utos Siya sa akin ng pagsasagawa ng dasal at pagbibigay ng kawanggawa sa buong buhay ko.
عربی تفاسیر:
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَتِي وَلَمۡ يَجۡعَلۡنِي جَبَّارٗا شَقِيّٗا
Gumawa Siya sa akin bilang nagpapakabuti sa ina ko at hindi Siya gumawa sa akin bilang nagpapakamalaki laban sa pagtalima sa [Kanya na] Panginoon ko ni tagasuway sa Kanya.
عربی تفاسیر:
وَٱلسَّلَٰمُ عَلَيَّ يَوۡمَ وُلِدتُّ وَيَوۡمَ أَمُوتُ وَيَوۡمَ أُبۡعَثُ حَيّٗا
Ang katiwasayan laban sa demonyo at mga katulong nito ay sumaakin sa araw ng kapanganakan ko, sa araw ng kamatayan ko, at sa araw ng pagbuhay sa akin bilang buhay sa Araw ng Pagbangon sapagkat hindi nambulabog sa akin ang demonyo sa tatlong kalagayang nagpapapanglaw na ito."
عربی تفاسیر:
ذَٰلِكَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ قَوۡلَ ٱلۡحَقِّ ٱلَّذِي فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Ang nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay si Jesus na anak ni Maria. Ang pananalitang ito ay pagsasabi ng katotohanan hinggil sa kanya, hindi ang sinasabi ng mga naliligaw na nagdududa sa lagay niya at nagkakaiba-iba.
عربی تفاسیر:
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٖۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Hindi nararapat para kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kabanal-banalan Siya para roon at nagpawalang-kaugnayan Siya. Kapag nagpasya Siya ng isang bagay ay makasasapat lamang sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na magsabi Siya sa bagay na iyon na mangyari saka mangyayari iyon nang walang pasubali. Kaya ang sinumang ganyan, Siya ay napawawalang-kaugnayan sa anak.
عربی تفاسیر:
وَإِنَّ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
[Nagsabi si Jesus:] "Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Panginoon ko at Panginoon ninyo sa kalahatan kaya magpakawagas kayo sa Kanya sa pagsamba – tanging sa Kanya. Itong nabanggit ko sa inyo ay ang landasing tuwid na nagpaparating sa kaluguran ni Allāh."
عربی تفاسیر:
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن مَّشۡهَدِ يَوۡمٍ عَظِيمٍ
Ngunit nagkaiba-iba ang mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol kay Jesus – sumakanya ang pangangalaga – kaya sila ay naging mga lapiang nagkahati-hati kabilang sa mga kababayan niya sapagkat sumampalataya sa kanya ang iba sa kanila at nagsabi: "Siya ay isang sugo" at tumangging sumampalataya sa kanya ang mga iba pa gaya ng mga Hudyo. Nagpakalabis-labis naman hinggil sa kanya ang mga pangkatin. sapagkat nagsabi ang iba sa kanila: "Siya ay si Allāh" samantalang nagsabi naman ang mga iba pa: "Siya ay anak ni Allāh." Pagkataas-taas si Allāh para roon. Kaya kapighatian ay ukol sa mga nagkakaiba-iba hinggil sa pumapatungkol sa kanya na mga saksi sa sukdulang Araw ng Pagbangon dahil sa naroon na mga masasaksihan, pagtutuos, at parusa.
عربی تفاسیر:
أَسۡمِعۡ بِهِمۡ وَأَبۡصِرۡ يَوۡمَ يَأۡتُونَنَا لَٰكِنِ ٱلظَّٰلِمُونَ ٱلۡيَوۡمَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Anong husay ng pagkarinig nila sa Araw na iyon at anong husay ng pagkakita nila. Nakarinig sila nang hindi nagpakinabang sa kanila ang pagdinig at nakakita sila nang hindi nagpakinabang sa kanila ang pagkakita. Subalit ang mga tagalabag sa katarungan sa buhay na pangmundo ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa landasing tuwid sapagkat hindi sila naghahanda para sa Kabilang-buhay hanggang sa dumating ito sa kanila nang biglaan samantalang sila ay nasa paglabag nila sa katarungan.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• في أمر مريم بالسكوت عن الكلام دليل على فضيلة الصمت في بعض المواطن .
Sa pag-uutos kay Maria ng pananahimik sa pagsasalita ay may patunay sa kalamangan ng pananahimik sa ilan sa mga kalagayan.

• نذر الصمت كان جائزًا في شرع من قبلنا، أما في شرعنا فقد دلت السنة على منعه.
Ang pamamanata ng pananahimik ay pinapayagan noon sa batas ng mga bago natin. Hinggil naman sa batas natin, nagpahiwatig ang Sunnah sa pagbabawal niyon.

• أن ما أخبر به القرآن عن كيفية خلق عيسى هو الحق القاطع الذي لا شك فيه، وكل ما عداه من تقولات باطل لا يليق بالرسل.
Na ang ipinabatid ng Qur'ān tungkol sa pamamaraan ng paglikha kay Jesus ay ang katotohanang tiyakan na walang pagdududa hinggil dito. Ang lahat ng iba pa rito na mga pinagsasabi-sabi ay kabulaanang hindi naaangkop sa mga sugo.

• في الدنيا يكون الكافر أصم وأعمى عن الحق، ولكنه سيبصر ويسمع في الآخرة إذا رأى العذاب، ولن ينفعه ذلك.
Sa Mundo, ang tagatangging sumampalataya ay nagiging bingi at bulag sa katotohanan subalit siya ay makakikita at makaririnig sa Kabilang-buhay kapag nakita niya ang pagdurusa at hindi magpapakinabang sa kanya iyon.

وَأَنذِرۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡحَسۡرَةِ إِذۡ قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ وَهُمۡ فِي غَفۡلَةٖ وَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Magbabala ka, O Sugo, sa mga tao ng araw ng pagsisisi kapag magsisisi ang tagagawa ng masagwa dahil sa paggawa niya ng masagwa at ang tagagawa ng maganda dahil sa hindi niya pagpaparami ng pagtalima, kapag natiklop na ang mga kalatas ng mga tao, nakatapos sa pagtutuos sa kanila, at pumunta ang bawat isa sa gawang ipinauna niya. Sila, sa buhay nilang makamundo, ay mga nalinlang dito, mga nalilibang palayo sa Kabilang-buhay, habang sila ay hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon.
عربی تفاسیر:
إِنَّا نَحۡنُ نَرِثُ ٱلۡأَرۡضَ وَمَنۡ عَلَيۡهَا وَإِلَيۡنَا يُرۡجَعُونَ
Tunay na Kami ay ang mananatili matapos ng pagkalipol ng mga nilikha. Magmamana Kami ng lupa at magmamana Kami ng sinumang nasa ibabaw nito dahil sa pagkalipol nila at pananatili Namin matapos nila. Naghari Kami sa kanila at gumawa Kami sa kanila ng anumang niloloob Namin. Tungo sa Amin – tanging sa Amin – sila pababalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
عربی تفاسیر:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِبۡرَٰهِيمَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقٗا نَّبِيًّا
Banggitin mo, O Sugo, sa Qur'ān na ibinaba sa iyo, ang ulat kay Abraham – sumakanya ang pangangalaga. Tunay na siya noon ay puspos ng katapatan at paniniwala sa mga tanda ni Allāh at naging isang propeta sa ganang kay Allāh.
عربی تفاسیر:
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ يَٰٓأَبَتِ لِمَ تَعۡبُدُ مَا لَا يَسۡمَعُ وَلَا يُبۡصِرُ وَلَا يُغۡنِي عَنكَ شَيۡـٔٗا
[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niyang si Āzar: "O ama ko, bakit ka sumasamba sa iba pa kay Allāh, sa isang diyus-diyusang hindi nakaririnig sa panalangin mo kung dumalangin ka roon, hindi nakakikita sa pagsamba mo kung sumamba ka roon, hindi tumutulak palayo sa iyo ng isang pinsala, at hindi humahatak para sa iyo ng isang pakinabang?
عربی تفاسیر:
يَٰٓأَبَتِ إِنِّي قَدۡ جَآءَنِي مِنَ ٱلۡعِلۡمِ مَا لَمۡ يَأۡتِكَ فَٱتَّبِعۡنِيٓ أَهۡدِكَ صِرَٰطٗا سَوِيّٗا
O ama ko, tunay na ako ay dinatnan nga ng kaalaman sa pamamagitan ng pagkasi na hindi dumating sa iyo; kaya sumunod ka sa akin, gagabay ako sa iyo sa isang daang tuwid.
عربی تفاسیر:
يَٰٓأَبَتِ لَا تَعۡبُدِ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّ ٱلشَّيۡطَٰنَ كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ عَصِيّٗا
O ama ko, huwag kang sumamba sa demonyo sa pamamagitan ng pagtalima mo sa kanya. Tunay na ang demonyo laging para sa Napakamaawain ay isang tagasuway yayamang nag-utos Siya rito ng pagpapatirapa kay Adan ngunit hindi ito nagpatirapa.
عربی تفاسیر:
يَٰٓأَبَتِ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يَمَسَّكَ عَذَابٞ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ فَتَكُونَ لِلشَّيۡطَٰنِ وَلِيّٗا
O ama ko, tunay na ako ay nangangamba na may dumapo sa iyo na isang pagdurusa mula sa Napakamaawain kung namatay ka sa kawalang-pananampalataya mo para ikaw ay maging isang kabakas para sa demonyo sa pagdurusa dahil sa pakikipagtangkilikan mo sa kanya.
عربی تفاسیر:
قَالَ أَرَاغِبٌ أَنتَ عَنۡ ءَالِهَتِي يَٰٓإِبۡرَٰهِيمُۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهِ لَأَرۡجُمَنَّكَۖ وَٱهۡجُرۡنِي مَلِيّٗا
Nagsabi si Āzar sa anak niyang si Abraham – sumakanya ang pangangalaga: "Umaayaw ka ba sa mga anito ko na sinasamba ko, O Abraham? Talagang kung hindi ka magpipigil sa pangungutya sa mga anito ko ay talagang pupukol nga ako sa iyo ng bato. Humiwalay ka sa akin sa mahabang panahon kaya huwag kang magsalita sa akin at huwag kang makipagtagpo sa akin!"
عربی تفاسیر:
قَالَ سَلَٰمٌ عَلَيۡكَۖ سَأَسۡتَغۡفِرُ لَكَ رَبِّيٓۖ إِنَّهُۥ كَانَ بِي حَفِيّٗا
Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pangangalaga – sa ama niya: "Kapayapaan ay sumaiyo mula sa akin! Hindi magdudulot sa iyo ang kinasusuklaman mo mula sa akin. Hihiling ako para sa iyo ng kapatawaran at kapatnubayan mula sa Panginoon ko. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay laging puspos ng kabaitan sa akin.
عربی تفاسیر:
وَأَعۡتَزِلُكُمۡ وَمَا تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَأَدۡعُواْ رَبِّي عَسَىٰٓ أَلَّآ أَكُونَ بِدُعَآءِ رَبِّي شَقِيّٗا
Makikipaghiwalay ako sa inyo at makikipaghiwalay ako sa mga sinasamba ninyong sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Dadalangin ako sa Panginoon ko – tanging sa Kanya – nang hindi ako nagtatambal sa Kanya ng anuman. Marahil hindi Siya magkakait sa akin kapag dumalangin ako sa Kanya para ako, sa pagdalangin sa Kanya, ay hindi maging isang malumbay."
عربی تفاسیر:
فَلَمَّا ٱعۡتَزَلَهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَهَبۡنَا لَهُۥٓ إِسۡحَٰقَ وَيَعۡقُوبَۖ وَكُلّٗا جَعَلۡنَا نَبِيّٗا
Kaya noong umiwan siya sa kanila at umiwan siya sa mga diyos nila na sinasamba nila bukod pa kay Allāh, tinumbasan siya sa pagkawala ng mag-anak niya. Ipinagkaloob para sa kanya ang anak niyang si Isaac at ipinagkaloob para sa kanya ang apo niyang si Jacob. Bawat isa sa dalawang ito ay ginawang propeta.
عربی تفاسیر:
وَوَهَبۡنَا لَهُم مِّن رَّحۡمَتِنَا وَجَعَلۡنَا لَهُمۡ لِسَانَ صِدۡقٍ عَلِيّٗا
Nagbigay Kami sa kanila mula sa awa Namin kasama ng pagkapropeta ng kabutihang marami. Gumawa Kami para sa kanila ng isang magandang pagbubunying nagpapatuloy sa mga dila ng mga tao.
عربی تفاسیر:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مُوسَىٰٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ مُخۡلَصٗا وَكَانَ رَسُولٗا نَّبِيّٗا
Banggitin mo, O Sugo, sa Qur'ān na ibinaba sa iyo ang ulat kay Moises – sumakanya ang pangangalaga. Tunay na siya noon ay isang piniling itinangi at naging isang sugong propeta.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• لما كان اعتزال إبراهيم لقومه مشتركًا فيه مع سارة، ناسب أن يذكر هبتهما المشتركة وحفيدهما، ثم جاء ذكر إسماعيل مستقلًّا مع أن الله وهبه إياه قبل إسحاق.
Yayamang ang paghiwalay ni Abraham sa mga kababayan niya ay kasalo si Sarah, nababagay na banggitin ang magkasalong kaloob sa kanilang dalawa at ang apo nilang dalawa. Pagkatapos nasaad ang pagbanggit kay Ismael nang hiwalay gayong si Allāh ay nagkaloob nito sa kanya bago ni Isaac.

• التأدب واللطف والرفق في محاورة الوالدين واختيار أفضل الأسماء في مناداتهما.
Ang paggalang, ang kabaitan, at ang kabanayaran sa pakikipag-usap sa mga magulang at ang pagpili ng pinakamainam sa mga pangalan sa pagtawag sa kanilang dalawa.

• المعاصي تمنع العبد من رحمة الله، وتغلق عليه أبوابها، كما أن الطاعة أكبر الأسباب لنيل رحمته.
Ang mga pagsuway ay nakahahadlang sa tao sa awa ni Allāh at nagsasara sa kanya ng mga pintuan nito kung paanong ang pagtalima ay ang pinakamalaki sa mga kadahilanan ng pagtamo ng awa Niya.

• وعد الله كل محسن أن ينشر له ثناءً صادقًا بحسب إحسانه، وإبراهيم عليه السلام وذريته من أئمة المحسنين.
Nangako si Allāh sa bawat tagagawa ng maganda na magpapalaganap Siya para rito ng isang pagbubunying tapat ayon sa paggawa nito ng maganda. Si Abraham – sumakanya ang pangangalaga – at ang mga supling niya ay kabilang sa mga pinuno ng mga tagagawa ng maganda.

وَنَٰدَيۡنَٰهُ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ ٱلۡأَيۡمَنِ وَقَرَّبۡنَٰهُ نَجِيّٗا
Nanawagan kay Moises mula sa gilid ng bundok sa kanan kaugnay sa kinaroroonan niya – sumakanya ang pangangalaga – at nagpalapit sa kanya upang makipagtapatan sa kung saan nagparinig sa kanya si Allāh ng salita Niya.
عربی تفاسیر:
وَوَهَبۡنَا لَهُۥ مِن رَّحۡمَتِنَآ أَخَاهُ هَٰرُونَ نَبِيّٗا
Nagkaloob Kami sa kanya – mula sa awa Namin at pagbibiyaya Namin sa kanya – ng kapatid niyang si Aaron – sumakanya ang pangangalaga – bilang propeta bilang pagtugon sa panalangin niya nang humiling siya sa Panginoon niya niyon.
عربی تفاسیر:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِسۡمَٰعِيلَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صَادِقَ ٱلۡوَعۡدِ وَكَانَ رَسُولٗا نَّبِيّٗا
Banggitin mo, O Sugo, sa Qur'ān na ibinaba sa iyo ang ulat kay Ismael – sumakanya ang pangangalaga. Tunay na siya noon ay tapat sa pangako – hindi siya nangangako ng isang pangako malibang tinutupad niya ito – at naging isang sugong propeta.
عربی تفاسیر:
وَكَانَ يَأۡمُرُ أَهۡلَهُۥ بِٱلصَّلَوٰةِ وَٱلزَّكَوٰةِ وَكَانَ عِندَ رَبِّهِۦ مَرۡضِيّٗا
Siya noon ay nag-uutos sa mag-anak niya ng pagpapanatili sa pagdarasal at pagbibigay ng kawanggawa at siya noon sa ganang Panginoon niya ay isang kinalulugdan.
عربی تفاسیر:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ إِدۡرِيسَۚ إِنَّهُۥ كَانَ صِدِّيقٗا نَّبِيّٗا
Banggitin mo, O Sugo, sa Qur'ān na ibinaba sa iyo, ang ulat kay Enoc – sumakanya ang pangangalaga. Tunay na siya noon ay puspos ng katapatan at paniniwala sa mga tanda ng Panginoon niya at naging isang propeta kabilang sa mga propeta ni Allāh.
عربی تفاسیر:
وَرَفَعۡنَٰهُ مَكَانًا عَلِيًّا
Nag-angat Kami sa reputasyon niya dahil sa ibinigay Namin sa kanya na pagkapropeta kaya siya noon ay mataas ang kalagayan.
عربی تفاسیر:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِن ذُرِّيَّةِ ءَادَمَ وَمِمَّنۡ حَمَلۡنَا مَعَ نُوحٖ وَمِن ذُرِّيَّةِ إِبۡرَٰهِيمَ وَإِسۡرَٰٓءِيلَ وَمِمَّنۡ هَدَيۡنَا وَٱجۡتَبَيۡنَآۚ إِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُ ٱلرَّحۡمَٰنِ خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَبُكِيّٗا۩
Ang mga nabanggit na iyon sa kabanatang ito sa pagsisimula kay Zacarias at pagwawakas kay Enoc – sumakanilang dalawa ang pangangalaga – ay ang mga nagbibiyaya si Allāh sa kanila ng pagkapropeta kabilang sa mga anak ni Adan – sumakanya ang pangangalaga – kabilang sa mga anak ng mga dinala ni Allāh sa daong kasama ni Noe – sumakanya ang pangangalaga – kabilang sa mga anak ni Abraham at mga anak ni Jacob – sumakanilang dalawa ang pangangalaga – at kabilang sa itinuon Namin sa kapatnubayan tungo sa Islām, hinirang Namin, at itinalaga Namin bilang mga propeta. Sila noon, kapag nakarinig sa mga tanda ni Allāh na binibigkas, ay nagpapatirapa kay Allāh habang mga umiiyak dala ng takot sa Kanya.
عربی تفاسیر:
۞ فَخَلَفَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ خَلۡفٌ أَضَاعُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَٱتَّبَعُواْ ٱلشَّهَوَٰتِۖ فَسَوۡفَ يَلۡقَوۡنَ غَيًّا
Saka may dumating, nang matapos ng mga propetang hinirang na ito, na mga tagasunod ng kasagwaan at pagkaligaw. Nagsayang sila ng pagdarasal sapagkat hindi sila nagsagawa nito ayon sa hinihiling na paraan at nagsagawa sila ng mga ninanasa ng mga sarili nila na mga pagsuway gaya ng pangangalunya kaya magkikita sila ng isang kasamaan sa Impiyerno at isang kabiguan,
عربی تفاسیر:
إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ وَلَا يُظۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا
maliban sa sinumang nagbalik-loob mula sa pagkukulang niya at pagpapabaya niya, sumampalataya kay Allāh, at gumawa ng gawang maayos sapagkat ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang ito ay papasok sa Paraiso at hindi sila babawasan ng anuman mula sa mga pabuya sa mga gawa nila kahit kaunti man.
عربی تفاسیر:
جَنَّٰتِ عَدۡنٍ ٱلَّتِي وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ عِبَادَهُۥ بِٱلۡغَيۡبِۚ إِنَّهُۥ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَأۡتِيّٗا
[Papasok sila] sa mga hardin ng pananatili at pagtigil na ipinangako ng Napakamaawain sa mga lingkod Niyang mga maayos sa Lingid, na magpapasok Siya sa kanila sa mga iyon, gayong sila ay hindi nakakita sa mga iyon ngunit sumampalataya sila sa mga iyon sapagkat ang pangako ni Allāh ng paraiso – kahit pa man lingid [sa pandama] – ay darating nang walang pasubali.
عربی تفاسیر:
لَّا يَسۡمَعُونَ فِيهَا لَغۡوًا إِلَّا سَلَٰمٗاۖ وَلَهُمۡ رِزۡقُهُمۡ فِيهَا بُكۡرَةٗ وَعَشِيّٗا
Hindi sila makaririnig sa mga iyon ng pag-uusisa ni pananalitang mahalay, bagkus makaririnig sila ng pagbati ng iba sa kanila sa iba pa at ng pagbati ng mga anghel sa kanila. Pupunta sa kanila ang ninanasa nilang pagkain sa mga iyon sa umaga at sa hapon.
عربی تفاسیر:
تِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِي نُورِثُ مِنۡ عِبَادِنَا مَن كَانَ تَقِيّٗا
Itong Paraisong nailarawan sa mga katangiang ito ay ang ipamamana Namin sa kabilang sa mga lingkod Namin na naging tagasunod sa mga ipinag-uutos at tagaiwas sa mga sinasaway.
عربی تفاسیر:
وَمَا نَتَنَزَّلُ إِلَّا بِأَمۡرِ رَبِّكَۖ لَهُۥ مَا بَيۡنَ أَيۡدِينَا وَمَا خَلۡفَنَا وَمَا بَيۡنَ ذَٰلِكَۚ وَمَا كَانَ رَبُّكَ نَسِيّٗا
Sabihin mo, O Gabriel, kay Muḥammad – ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya: "Tunay na ang mga anghel ay hindi nagbababaan ayon sa pagkukusa ng mga sarili nila; nagbababaan lamang sila ayon sa utos ni Allāh. Sa kay Allāh ang kahaharapin namin kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay, ang maiiwan namin kabilang nauukol sa Mundo, at ang anumang nasa pagitan ng Mundo at Kabilang-buhay. Laging ang Panginoon mo, O Sugo, ay hindi lumilimot sa anuman.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• حاجة الداعية دومًا إلى أنصار يساعدونه في دعوته.
Ang pangangailangan ng tagapag-anyaya sa Islām palagi sa mga tagapag-adyang aalalay sa kanya sa pag-aanyaya niya.

• إثبات صفة الكلام لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa katangian ng pagsasalita para kay Allāh – Napakataas Siya.

• صدق الوعد محمود، وهو من خلق النبيين والمرسلين، وضده وهو الخُلْف مذموم.
Ang katapatan sa pangako ay pinapupurihan. Ito ay bahagi ng kaasalan ng mga propeta at mga isinugo. Ang kasalungat nito, ang pagsira [sa pangako], ay pinupulaan.

• إن الملائكة رسل الله بالوحي لا تنزل على أحد من الأنبياء والرسل من البشر إلا بأمر الله.
Tunay na ang mga anghel ay mga sugo ni Allāh sa pagkakasi. Hindi sila bumababa sa isa sa mga propeta at mga sugo kabilang sa mga tao malibang ayon sa utos ni Allāh.

رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا فَٱعۡبُدۡهُ وَٱصۡطَبِرۡ لِعِبَٰدَتِهِۦۚ هَلۡ تَعۡلَمُ لَهُۥ سَمِيّٗا
Ang Tagalikha ng mga langit, ang Tagalikha ng lupa, ang Tagapagmay-ari ng mga ito, ang Tagapangasiwa sa nauukol sa mga ito, ang Tagalikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito, ang Tagapagmay-ari ng mga ito, at ang Tagapangasiwa ng mga ito, kaya sumamba ka sa Kanya – tanging sa Kanya – sapagkat Siya ang karapat-dapat sa pagsamba at magpakatatag ka sa pagsamba sa Kanya sapagkat wala Siyang katulad ni katapat na nakikilahok sa Kanya sa pagsamba.
عربی تفاسیر:
وَيَقُولُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَءِذَا مَا مِتُّ لَسَوۡفَ أُخۡرَجُ حَيًّا
Magsasabi ang tagatangging sumampalatayang tagapagkaila sa pagkabuhay bilang pangungutya: "Kapag namatay ba ako, tunay na ako ay ilalabas na buhay mula sa libingan ko sa ikalawang buhay? Tunay na ito ay talagang imposible."
عربی تفاسیر:
أَوَلَا يَذۡكُرُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ يَكُ شَيۡـٔٗا
Hindi ba nagsasaalaala ang tagapagkailang ito sa pagkabuhay na Kami ay lumikha sa kanya bago pa niyan samantalang hindi siya dati isang bagay? Saka ipinampatunay niya ang unang paglikha sa ikalawang paglikha gayong ang ikalawang paglikha ay higit na madali at higit na magaan.
عربی تفاسیر:
فَوَرَبِّكَ لَنَحۡشُرَنَّهُمۡ وَٱلشَّيَٰطِينَ ثُمَّ لَنُحۡضِرَنَّهُمۡ حَوۡلَ جَهَنَّمَ جِثِيّٗا
Kaya sumpa man sa Panginoon mo, O Sugo, talagang magpapalabas nga Kami sa kanila mula sa mga libingan nila patungo sa Kalapan, na mga sasamahan ng mga demonyo nilang nagpaligaw sa kanila. Pagkatapos talagang maghahatid nga Kami sa kanila tungo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga aba na mga nakaluhod sa mga tuhod nila.
عربی تفاسیر:
ثُمَّ لَنَنزِعَنَّ مِن كُلِّ شِيعَةٍ أَيُّهُمۡ أَشَدُّ عَلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ عِتِيّٗا
Pagkatapos talagang hahatak nga Kami nang may katindihan at karahasan mula sa bawat pangkatin kabilang sa mga pangkatin ng pagkaligaw ng pinakamatindi sa kanila sa pagsuway. Ang mga iyon ay ang mga pinuno nila.
عربی تفاسیر:
ثُمَّ لَنَحۡنُ أَعۡلَمُ بِٱلَّذِينَ هُمۡ أَوۡلَىٰ بِهَا صِلِيّٗا
Pagkatapos talagang Kami ay higit na maalam sa mga higit na karapat-dapat sa pagpasok sa Apoy at pagdanas sa init niyon at pasakit doon.
عربی تفاسیر:
وَإِن مِّنكُمۡ إِلَّا وَارِدُهَاۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتۡمٗا مَّقۡضِيّٗا
Walang kabilang sa inyo, O mga tao, na isa man malibang tatawid sa ibabaw ng landasing itinukod sa ibabaw ng Impiyerno. Ang pagtawid na ito ay naging isang pagtatadhanang pinagtibay na itinadhana ni Allāh kaya walang makapagtutulak sa pagtatadhana Niya.
عربی تفاسیر:
ثُمَّ نُنَجِّي ٱلَّذِينَ ٱتَّقَواْ وَّنَذَرُ ٱلظَّٰلِمِينَ فِيهَا جِثِيّٗا
Pagkatapos matapos ng pagtawid na ito sa landasin ay magliligtas Kami sa mga nangilag magkasala sa Panginoon nila dahil sa pagsunod nila sa mga ipinag-utos Niya at pag-iwas sa mga sinaway Niya, at mag-iiwan Kami sa mga tagalabag sa katarungan na mga nakaluhod sa mga tuhod nila, na hindi sila makakakaya sa pagtakas mula roon.
عربی تفاسیر:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَيُّ ٱلۡفَرِيقَيۡنِ خَيۡرٞ مَّقَامٗا وَأَحۡسَنُ نَدِيّٗا
Kapag binibigkas sa mga tao ang mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin nang maliliwanag ay nagsasabi ang mga tagatangging sumampalataya sa mga mananampalataya: "Alin sa dalawang pangkat natin ang higit na mabuti sa paninirahan at tahanan at higit na maganda sa pagtitipon at tagpuan: ang pangkat namin o ang pangkat ninyo?"
عربی تفاسیر:
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَحۡسَنُ أَثَٰثٗا وَرِءۡيٗا
Anong dami ang mga kalipunang ipinahamak Namin bago ng mga tagatangging sumampalataya na ito na nagmamayabang ng taglay nilang kahigitang materyal. [Ang kalipunang] iyon ay higit na maganda kaysa sa kanila sa mga yaman at higit na maganda sa panlabas na anyo dahil sa kamahalan ng mga kasuutan nila at pagpapakaginhawa ng mga katawan nila.
عربی تفاسیر:
قُلۡ مَن كَانَ فِي ٱلضَّلَٰلَةِ فَلۡيَمۡدُدۡ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَدًّاۚ حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ إِمَّا ٱلۡعَذَابَ وَإِمَّا ٱلسَّاعَةَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ هُوَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضۡعَفُ جُندٗا
Sabihin mo, O Sugo: "Ang mga natutuliro sa pagkaligaw nila ay magpapalugit sa kanila ang Napakamaawain hanggang sa madagdagan sila ng pagkaligaw hanggang sa kapag napagmasdan nila ang ipinangangako sa kanila noon na pagdurusang minadali sa Mundo o ipinagpaliban sa Araw ng Pagbangon ay malalaman nila sa sandaling iyon kung sino ang higit na masama sa katayuan at ang higit na kaunti sa tagapag-adya: kung ito ba ay ang pangkat nila o ang pangkat ng mga mananampalataya?"
عربی تفاسیر:
وَيَزِيدُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ٱهۡتَدَوۡاْ هُدٗىۗ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٞ مَّرَدًّا
Katapat ng pagpapalugit para sa mga iyon upang madagdagan sila ng pagkaligaw, nagdaragdag si Allāh sa mga napatnubayan ng pananampalataya at pagtalima. Ang mga gawang maayos na nagpapahantong sa kaligayahang mananatili ay higit na kapaki-pakinabang sa ganang Panginoon mo, O Sugo, sa ganti at higit na mabuti sa kahihinatnan.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• على المؤمنين الاشتغال بما أمروا به والاستمرار عليه في حدود المستطاع.
Kailangan sa mga mananampalataya ang pagpapakaabala sa ipinag-utos sa kanila at ang pagpapatuloy rito ayon sa mga abot ng makakaya.

• وُرُود جميع الخلائق على النار - أي: المرور على الصراط، لا الدخول في النار - أمر واقع لا محالة.
Ang pagpunta ng lahat ng mga nilikha sa ibabaw ng Apoy – ang pagdaan sa ibabaw ng landasin, hindi ang pagpasok sa Apoy – ay isang bagay na magaganap nang walang mapasusubalian.

• أن معايير الدين ومفاهيمه الصحيحة تختلف عن تصورات الجهلة والعوام.
Na ang mga sukatan ng relihiyon at ang mga konsepto nitong tumpak ay naiiba sa mga pagkakatalos ng mga mangmang at mga madlang tao.

• من كان غارقًا في الضلالة متأصلًا في الكفر يتركه الله في طغيان جهله وكفره، حتى يطول اغتراره، فيكون ذلك أشد لعقابه.
Ang sinumang nalulunod sa kaligawan at nag-uugat sa kawalang-pananampalataya ay iiwan ni Allāh sa pagmamalabis ng kamangmangan niya at kawalang-pananampalataya niya hanggang sa magtagal ang pagkalinlang niya kaya iyon ay magiging higit na matindi para sa parusa sa kanya.

• يثبّت الله المؤمنين على الهدى، ويزيدهم توفيقًا ونصرة، وينزل من الآيات ما يكون سببًا لزيادة اليقين مجازاةً لهم.
Nagpapatatag si Allāh sa mga mananampalataya sa patnubay, nagdaragdag Siya sa kanila ng pagtutuon at pag-aadya, at nagbaba Siya ng mga tanda na nagiging isang kadahilanan ng pagkadagdag ng katiyakan bilang pagganti sa kanila.

أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي كَفَرَ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالٗا وَوَلَدًا
Saka nakita mo ba, O Sugo, ang tumangging sumampalataya sa mga katwiran Namin at nagkaila sa banta Namin? Nagsabi siya: "Kung mamamatay ako at bubuhayin ako ay talagang magbibigay nga sa akin ng maraming yaman at mga anak."
عربی تفاسیر:
أَطَّلَعَ ٱلۡغَيۡبَ أَمِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Nakaalam ba siya sa Lingid kaya nagsabi siya ng sinabi niya ayon sa patunay? O gumawa siya sa ganang Panginoon niya ng isang kasunduan na talagang papasukin nga siya sa Paraiso at bibigyan nga siya ng yaman at mga anak?
عربی تفاسیر:
كَلَّاۚ سَنَكۡتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُۥ مِنَ ٱلۡعَذَابِ مَدّٗا
Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin niya! Magsusulat Kami ng sinasabi niya at ginagawa niya, at magdaragdag Kami sa kanya ng pagdurusa sa ibabaw ng pagdurusa niya dahil sa pag-aangkin niya ng kabulaanan.
عربی تفاسیر:
وَنَرِثُهُۥ مَا يَقُولُ وَيَأۡتِينَا فَرۡدٗا
Magmamana Kami sa kanya ng naiwan niya na yaman at anak matapos ng pagpahamak Namin sa kanya. Darating siya sa Amin sa Araw ng Pagbangon nang bukod, na inalis mula sa kanya ang dati niyang tinatamasa mula sa yaman at mula sa reputasyon.
عربی تفاسیر:
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لِّيَكُونُواْ لَهُمۡ عِزّٗا
Gumawa ang mga tagapagtambal para sa kanila ng mga sinasamba bukod pa kay Allāh upang magkaroon sila ng tagapagtaguyod at tagatulong na maiaadya sila sa pamamagitan ng mga ito.
عربی تفاسیر:
كَلَّاۚ سَيَكۡفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمۡ وَيَكُونُونَ عَلَيۡهِمۡ ضِدًّا
Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin nila sapagkat ang mga sinasambang ito na sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay magtatatwa sa pagsamba ng mga tagapagtambal sa mga ito sa Araw ng Pagbangon, magpapawalang-kaugnayan sa kanila, at magiging mga kaaway para sa kanila.
عربی تفاسیر:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّآ أَرۡسَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ تَؤُزُّهُمۡ أَزّٗا
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, na Kami ay nagpadala sa mga demonyo at nagpangibabaw sa mga ito sa mga tagatangging sumampalataya, na nagbubuyo sa kanila sa paggawa ng mga pagsuway at pagbalakid sa Islām sa isang pagbubuyo?
عربی تفاسیر:
فَلَا تَعۡجَلۡ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمۡ عَدّٗا
Kaya huwag kang magmabilis, O Sugo, sa paghiling kay Allāh na madaliin Niya ang kapahamakan nila. Binibilang lamang ang mga edad nila sa isang pagbilang hanggang sa kapag nagwakas ang oras ng pagpapalugit sa kanila ay magpaparusa sa kanila ng naging karapat-dapat sa kanila.
عربی تفاسیر:
يَوۡمَ نَحۡشُرُ ٱلۡمُتَّقِينَ إِلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ وَفۡدٗا
Banggitin mo, O Sugo, ang Araw Pagbangon, na isang araw na titipunin ang mga tagapangilag sa pagkakasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya patungo sa Panginoon nila sa isang delegasyon bilang mga pinararangalan na mga iginagalang.
عربی تفاسیر:
وَنَسُوقُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرۡدٗا
Maghahatid Kami sa mga tagatanging sumampalataya tungo sa Impiyerno habang mga uhaw.
عربی تفاسیر:
لَّا يَمۡلِكُونَ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَنِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Hindi makapagdudulot ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng Pamamagitan para sa iba sa kanila maliban sa sinumang gumawa sa ganang kay Allāh sa Mundo ng isang tipan ng pagsampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya.
عربی تفاسیر:
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗا
Nagsabi ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang iba sa mga tagapagtambal: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak."
عربی تفاسیر:
لَّقَدۡ جِئۡتُمۡ شَيۡـًٔا إِدّٗا
Talaga ngang nakagawa kayo, O mga tagapagsabi nito, ng isang bagay na mabigat.
عربی تفاسیر:
تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِنۡهُ وَتَنشَقُّ ٱلۡأَرۡضُ وَتَخِرُّ ٱلۡجِبَالُ هَدًّا
Halos ang mga langit ay nagkakabiyak-biyak dahil sa nakasasamang sabing ito, halos ang lupa ay nagkalamat-lamat, at halos ang mga bundok ay bumagsak na naguho.
عربی تفاسیر:
أَن دَعَوۡاْ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٗا
Lahat ng iyon ay dahil nag-ugnay sila para sa Napakamaawain ng anak. Pagkataas-taas si Allāh para roon ayon sa isang kataasang malaki.
عربی تفاسیر:
وَمَا يَنۢبَغِي لِلرَّحۡمَٰنِ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا
Hindi nagiging matuwid na gumawa ang Napakamaawain ng anak dahil sa pagkakawalang-kaugnayan Niya roon.
عربی تفاسیر:
إِن كُلُّ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّآ ءَاتِي ٱلرَّحۡمَٰنِ عَبۡدٗا
Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit kabilang sa mga anghel, tao, at jinn kundi pupunta sa Panginoon niya sa Araw ng Pagbangon bilang tagapagpasakop.
عربی تفاسیر:
لَّقَدۡ أَحۡصَىٰهُمۡ وَعَدَّهُمۡ عَدّٗا
Talaga ngang nakasaklaw Siya sa kanila sa kaalaman at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang kaya walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman.
عربی تفاسیر:
وَكُلُّهُمۡ ءَاتِيهِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَرۡدًا
Bawat isa sa kanila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang namumukod-tangi na walang tagapag-adya para sa kanya ni yaman.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• تدل الآيات على سخف الكافر وسَذَاجة تفكيره، وتَمَنِّيه الأماني المعسولة، وهو سيجد نقيضها تمامًا في عالم الآخرة.
Nagpapatunay ang mga talata ng Qur'ān sa katangahan ng tagatangging sumampalataya, kawalang-muwang ng pag-iisip niya, at pagmimithi niya ng mga mithiing pinatamis gayong siya ay makatatagpo ng kasalungat nito sa kalubusan sa daigdig ng Kabilang-buhay.

• سلَّط الله الشياطين على الكافرين بالإغواء والإغراء بالشر، والإخراج من الطاعة إلى المعصية.
Nagpangibabaw si Allāh sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng paglilisya, pagbubuyo sa kasamaan, at pagpapalabas sa pagtalima tungo sa pagsuway.

• أهل الفضل والعلم والصلاح يشفعون بإذن الله يوم القيامة.
Ang mga may kalamangan, kaalaman, at kaayusan ay mamamagitan ayon sa pahintulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon.

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَيَجۡعَلُ لَهُمُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وُدّٗا
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos na kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay magtatalaga Siya para sa kanila ng pag-ibig sa pamamagitan ng pagkaibig Niya sa kanila at pagpapaibig sa kanila sa mga lingkod Niya.
عربی تفاسیر:
فَإِنَّمَا يَسَّرۡنَٰهُ بِلِسَانِكَ لِتُبَشِّرَ بِهِ ٱلۡمُتَّقِينَ وَتُنذِرَ بِهِۦ قَوۡمٗا لُّدّٗا
Kaya nagpadali lamang Kami ng Qur'ān na ito sa pamamagitan ng pagpapababa nito sa wika mo, O Sugo, upang magbalita ka ng nakagagalak hinggil dito sa mga tagapangilag magkasala na sumusunod sa mga ipinag-uutos Ko at umiiwas sa mga sinasaway Ko at [upang] magpangamba ka sa pamamagitan nito sa mga taong matitindi sa alitan at pakikipagmalakihan laban sa pagpapasailalim sa katotohanan.
عربی تفاسیر:
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هَلۡ تُحِسُّ مِنۡهُم مِّنۡ أَحَدٍ أَوۡ تَسۡمَعُ لَهُمۡ رِكۡزَۢا
Anong dami ang mga kalipunang ipinahamak Namin bago pa ng mga kababayan mo! Kaya nakararamdam ka kaya ngayong araw sa isa sa mga kalipunang iyon? Nakaririnig ka kaya sa kanila ng isang tinig na kubli sapagkat ang dumapo sa kanila ay maaaring dumapo sa iba pa sa kanila kapag nagpahintulot si Allāh?
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• ليس إنزال القرآن العظيم لإتعاب النفس في العبادة، وإذاقتها المشقة الفادحة، وإنما هو كتاب تذكرة ينتفع به الذين يخشون ربهم.
Ang pagpapababa ng Dakilang Qur'ān ay hindi para sa pagpagod sa sarili sa pagsamba at pagpapalasap dito ng pahirap na nakabibigat. Ito lamang ay isang aklat ng pagpapaalaalang nakikinabang dito ang mga natatakot sa Panginoon nila.

• قَرَن الله بين الخلق والأمر، فكما أن الخلق لا يخرج عن الحكمة؛ فكذلك لا يأمر ولا ينهى إلا بما هو عدل وحكمة.
Nag-ugnay si Allāh sa pagitan ng paglikha at pag-uutos sapagkat kung paanong ang paglikha ay hindi nakalalabas sa kasanhian gayon din naman hindi Siya nag-uutos ni sumasaway malibang ayon sa katarungan at karunungan.

• على الزوج واجب الإنفاق على الأهل (المرأة) من غذاء وكساء ومسكن ووسائل تدفئة وقت البرد.
Nasa asawa ang tungkulin ng paggugol sa maybahay gaya ng pagkain, pananamit, tirahan, at mga kaparaanan ng pagpapainit sa oras ng taglamig.

 
معانی کا ترجمہ سورت: سورۂ مریم
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ - ترجمے کی لسٹ

المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ، مرکز تفسیر للدراسات الاسلامیۃ کی جانب سے جاری۔

بند کریں