قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ آیت: (71) سورت: سورۂ طٰہ
قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ فِي جُذُوعِ ٱلنَّخۡلِ وَلَتَعۡلَمُنَّ أَيُّنَآ أَشَدُّ عَذَابٗا وَأَبۡقَىٰ
Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa mga manggagaway sa pagsampalataya nila at habang nagbabanta: "Sumampalataya ba kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo niyon? Tunay na si Moises ay talagang ang pangulo ninyo, O mga manggagaway, na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako mula sa bawat isa sa inyo ng paa at kamay nang magkabilaan sa pagitan ng dalawang dako ng dalawang ito. Talagang magbibitin nga ako sa mga katawan ninyo sa mga puno ng datiles hanggang sa mamatay kayo at kayo ay maging aral sa iba pa sa inyo. Talagang makaaalam nga kayo sa sandaling iyon kung alin sa atin ang higit na malakas sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na namamalagi: ako o ang Panginoon ni Moises?"
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• لا يفوز ولا ينجو الساحر حيث أتى من الأرض أو حيث احتال، ولا يحصل مقصوده بالسحر خيرًا كان أو شرًّا.
Hindi nagtatagumpay at hindi naliligtas ang manggagaway saanman siya pumunta sa lupa o saanman siya nanggulang. Hindi siya nagtatamo ng pinapakay niya sa pamamagitan ng panggagaway, mabuti man o masama.

• الإيمان يصنع المعجزات؛ فقد كان إيمان السحرة أرسخ من الجبال، فهان عليهم عذاب الدنيا، ولم يبالوا بتهديد فرعون.
Ang pananampalataya ay gumagawa ng mga himala sapagkat ang pananampalataya ng mga manggagaway ay naging higit na matatag nga kaysa sa mga bundok kaya gumaan sa kanila ang pagdurusa sa Mundo at hindi sila umalintana sa pagbabanta ni Paraon.

• دأب الطغاة التهديد بالعذاب الشديد لأهل الحق والإمعان في ذلك للإذلال والإهانة.
Ang nakaugalian ng mga mapagmalabis ay ang pagbabanta ng matinding pagdurusa sa mga alagad ng katotohanan at ang pagsisikhay doon para mang-aba at manghamak.

 
معانی کا ترجمہ آیت: (71) سورت: سورۂ طٰہ
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ - ترجمے کی لسٹ

المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ، مرکز تفسیر للدراسات الاسلامیۃ کی جانب سے جاری۔

بند کریں