Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ سورت: فرقان   آیت:
۞ وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ نَرَىٰ رَبَّنَاۗ لَقَدِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ وَعَتَوۡ عُتُوّٗا كَبِيرٗا
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na hindi umaasa-asa ng pakikipagkita sa Amin at hindi natatakot sa pagdurusang dulot Namin: "Bakit kasi hindi nagpababa si Allāh sa amin ng mga anghel para magpabatid sa amin tungkol sa katapatan ni Muḥammad o makasaksi kami sa Panginoon namin sa mata para magpabatid Siya sa amin niyon?" Talaga ngang bumigat ang pagmamalaki sa mga sarili ng mga ito hanggang sa pumigil ito sa kanila sa pananampalataya at lumampas sila dahil sa sabi nila sa hangganang ito sa kawalang-pananampalataya at pagpapakalabis.
عربی تفاسیر:
يَوۡمَ يَرَوۡنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ لَا بُشۡرَىٰ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُجۡرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا
Sa Araw na mapagmamasdan ng mga tagatangging sumampalataya ang mga anghel sa sandali ng kamatayan nila, sa Barzakh, sa sandali ng pagbuhay sa kanila, kapag inihatid sila para sa pagtutuos, at kapag papasok sila sa Apoy ay walang balitang nakagagalak para sa kanila sa mga kalagayang iyon, na salungat sa mga mananampalataya, at magsasabi sa kanila ang mga anghel: "Bawal, ipinagbabawal sa inyo ang nakalulugod na balita mula kay Allāh!"
عربی تفاسیر:
وَقَدِمۡنَآ إِلَىٰ مَا عَمِلُواْ مِنۡ عَمَلٖ فَجَعَلۡنَٰهُ هَبَآءٗ مَّنثُورًا
Magsasadya Kami sa anumang ginawa ng mga tagatangging sumampalataya sa Mundo na gawain ng pagpapakabuti at kabutihan, saka magtatalaga Kami rito sa kawalang-saysay nito at kawalan ng pakinabang nito dahilan sa kawalang-pananampalataya nila tulad ng alikabok na kumakalat-kalat, na nakikita ng nakatingin sa sinag ng araw na pumapasok sa durungawan.
عربی تفاسیر:
أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ يَوۡمَئِذٍ خَيۡرٞ مُّسۡتَقَرّٗا وَأَحۡسَنُ مَقِيلٗا
Ang mga mananampalataya, na mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon, ay higit na mainam sa pananatilihan at higit na maganda sa lugar ng pahinga sa oras ng pantanghaling pag-idlip nila sa Mundo kaysa sa mga tagatangging sumampalataya na ito. Iyon ay dahil sa pananampalataya nila kay Allāh at gawa nilang maaayos.
عربی تفاسیر:
وَيَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلسَّمَآءُ بِٱلۡغَمَٰمِ وَنُزِّلَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ تَنزِيلًا
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit sa mga puting ulap na manipis at ibababa ang mga anghel tungo sa lupa ng Kalapan sa maraming pagbababa dahil sa dami nila.
عربی تفاسیر:
ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّ لِلرَّحۡمَٰنِۚ وَكَانَ يَوۡمًا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ عَسِيرٗا
Ang paghahari na paghaharing totoo na napagtibay sa Araw ng Pagbangon ay ukol sa Pinakamaawain – kaluwalhatian sa Kanya. Ang Araw na iyon sa mga tagatangging sumampalataya ay magiging mahirap, na salungat sa mga mananampalataya sapagkat iyon ay madali sa kanila.
عربی تفاسیر:
وَيَوۡمَ يَعَضُّ ٱلظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيۡهِ يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي ٱتَّخَذۡتُ مَعَ ٱلرَّسُولِ سَبِيلٗا
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na dahilan sa pagtigil sa pagsunod sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya dahil sa tindi ng pagsisisi, na nagsasabi: "O kung sana ako ay sumunod sa Sugo sa inihatid niya mula sa ganang Panginoon niya at tumahak kasama sa kanya sa isang daan patungo sa kaligtasan.
عربی تفاسیر:
يَٰوَيۡلَتَىٰ لَيۡتَنِي لَمۡ أَتَّخِذۡ فُلَانًا خَلِيلٗا
Magsasabi siya dahil sa tindi ng panghihinayang habang dumadalangin ng kapighatian laban sa sarili niya: "O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa sa tagatangging sumampalataya na si Polano bilang kaibigan.
عربی تفاسیر:
لَّقَدۡ أَضَلَّنِي عَنِ ٱلذِّكۡرِ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَنِيۗ وَكَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لِلۡإِنسَٰنِ خَذُولٗا
Talaga ngang nagligaw sa akin itong kaibigang tagatangging sumampalataya palayo sa pag-alaala sa Qur'ān matapos na umaabot ito sa akin sa pamamaraan ng Sugo. Laging ang demonyo para sa tao ay madalas magkanulo." Kapag may bumabang mga ligalig sa tao ay nagtatatwa ang demonyo sa kanya.
عربی تفاسیر:
وَقَالَ ٱلرَّسُولُ يَٰرَبِّ إِنَّ قَوۡمِي ٱتَّخَذُواْ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ مَهۡجُورٗا
Nagsabi ang Sugo sa araw na iyon habang dumaraing sa kalagayan ng mga kababayan niya: "O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko na pinagpadalhan Mo sa akin ay nag-iwan sa Qur’ān na ito at umayaw rito."
عربی تفاسیر:
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوّٗا مِّنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيٗا وَنَصِيرٗا
Gaya ng dinanas mo, O Sugo, mula sa mga kababayan mo na pananakit at pagbalakid sa landas mo, nagtalaga Kami para sa bawat propeta kabilang sa mga propeta noong bago mo ng kaaway kabilang sa mga salarin ng mga kababayan niya. Nakasapat ang Panginoon mo bilang Tagapagpatnubay na nagpapatnubay tungo sa katotohanan at nakasapat Siya bilang Mapag-adyang nag-aadya sa iyo laban sa kaaway mo.
عربی تفاسیر:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلۡقُرۡءَانُ جُمۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِۦ فُؤَادَكَۖ وَرَتَّلۡنَٰهُ تَرۡتِيلٗا
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Bakit kasi hindi pinababa sa Sugo ang Qur’ān na ito nang iisang ulit at hindi na sana pinababa sa kanya nang magkahiwa-hiwalay?" Nagbaba Kami ng Qur’ān nang gayon, magkahiwa-hiwalay, para sa pagpapatatag sa puso mo, O Sugo, sa pamamagitan ng pagbaba nito nang isang ulit matapos ng isang ulit. Nagpababa Kami nito nang paunti-unti para sa pagpapadali sa pag-intindi nito at pagsasaulo nito.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• الكفر مانع من قبول الأعمال الصالحة.
Ang kawalang-pananampalataya ay tagapigil sa pagkatanggap sa mga gawang maayos.

• خطر قرناء السوء.
Ang panganib ng mga kapareha sa kasamaan.

• ضرر هجر القرآن.
Ang pinsala ng pagsasaisang-tabi sa Qur'ān.

• من حِكَمِ تنزيل القرآن مُفَرّقًا طمأنة النبي صلى الله عليه وسلم وتيسير فهمه وحفظه والعمل به.
Kabilang sa mga kasanhian ng pagbababa ng Qur'ān nang magkakahiwa-hiwalay ay ang pagpanatag sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang pagpapadali sa pag-intindi niya at pagsasaulo niya, at ang paggawa ayon dito.

 
معانی کا ترجمہ سورت: فرقان
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) - ترجمے کی لسٹ

مرکز تفسیر للدراسات القرآنیۃ سے شائع ہوا ہے۔

بند کریں