Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ سورت: صافات   آیت:
يَقُولُ أَءِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُصَدِّقِينَ
na nagsasabi sa akin habang nagkakaila at nanunuya: "Ikaw kaya, O kaibigan, ay kabilang sa mga tagapatotoo sa pagkabuhay na muli ng mga patay?
عربی تفاسیر:
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَدِينُونَ
Kapag ba namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong nabukbok, tunay bang kami ay talagang mga bubuhaying muli at mga gagantihan sa mga gawa namin na ginawa namin sa Mundo?"
عربی تفاسیر:
قَالَ هَلۡ أَنتُم مُّطَّلِعُونَ
Magsasabi ang kapisan niyong mananampalataya sa mga kasamahan nito kabilang sa mga mamamayan ng Paraiso: "Tumingin kayo kasama sa akin upang makita natin ang kinahinatnan ng kapisang iyon na dating nagkakaila sa pagkabuhay na muli?"
عربی تفاسیر:
فَٱطَّلَعَ فَرَءَاهُ فِي سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ
Kaya titingin ito mismo at makikita nito ang kapisan nito sa gitna ng Impiyerno.
عربی تفاسیر:
قَالَ تَٱللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرۡدِينِ
Magsasabi ito: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nalapit ka, O kapisan, na magpapahamak sa akin sa pamamagitan ng pagpasok sa Apoy dahil sa pag-anyaya mo sa akin sa kawalang-pananampalataya at pagkakaila sa pagkabuhay na muli.
عربی تفاسیر:
وَلَوۡلَا نِعۡمَةُ رَبِّي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ
Kung hindi dahil sa pagbiyaya ni Allāh sa akin sa pamamagitan ng kapatnubayan sa pananampalataya at pagtutuon dito, talaga sanang ako ay naging kabilang na sa mga padadaluhin sa pagdurusa tulad mo.
عربی تفاسیر:
أَفَمَا نَحۡنُ بِمَيِّتِينَ
Kaya hindi tayo mismo, na mga naninirahan sa Paraiso, mga namatay,
عربی تفاسیر:
إِلَّا مَوۡتَتَنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ
bukod pa sa pagkamatay nating una sa buhay na pangmundo? Bagkus tayo ay mga mananatili sa Paraiso at tayo ay hindi mga pagdurusahin kung paanong pinagdurusa ang mga tagatangging sumampalataya."
عربی تفاسیر:
إِنَّ هَٰذَا لَهُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Tunay na itong iginanti sa atin ng Panginoon natin na pagpasok sa Hardin, pananatili rito, at kaligtasan mula sa Apoy ay talagang ang pagkakamit na sukdulan na walang pagkakamit na nakapapantay rito.
عربی تفاسیر:
لِمِثۡلِ هَٰذَا فَلۡيَعۡمَلِ ٱلۡعَٰمِلُونَ
Para sa tulad ng ganting sukdulang ito ay kinakailangan na gumawa ang mga tagagawa sapagkat tunay na ito ay ang pangangalakal na tumutubo.
عربی تفاسیر:
أَذَٰلِكَ خَيۡرٞ نُّزُلًا أَمۡ شَجَرَةُ ٱلزَّقُّومِ
Ang kaginhawahang nabanggit na iyon ba, na inihanda ni Allāh para sa mga lingkod Niya na itinangi Niya dahil sa pagtalima sa Kanya, ay higit na mabuti at higit na mainam bilang tinitigilan at bilang parangal o ang puno ng zaqqūm na isinumpa sa Qur'ān, na pagkain ng mga tagatangging sumampalataya, na hindi nakatataba ni nakasasapat para sa gutom?
عربی تفاسیر:
إِنَّا جَعَلۡنَٰهَا فِتۡنَةٗ لِّلظَّٰلِمِينَ
Tunay na Kami ay gumawa sa punong-kahoy na ito bilang pagsubok na ipansusubok sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway yayamang nagsabi sila: "Tunay na ang Apoy ay kakain sa mga punong-kahoy kaya hindi maaaring tumubo ang mga ito roon."
عربی تفاسیر:
إِنَّهَا شَجَرَةٞ تَخۡرُجُ فِيٓ أَصۡلِ ٱلۡجَحِيمِ
Tunay na ang punong-kahoy na zaqqūm ay isang punong-kahoy na karima-rimarim ang tinutubuan sapagkat ito ay isang punong-kahoy na lumalabas sa kailaliman ng Impiyerno.
عربی تفاسیر:
طَلۡعُهَا كَأَنَّهُۥ رُءُوسُ ٱلشَّيَٰطِينِ
Ang mga bunga nitong lumalabas mula rito ay kasuklam-suklam ang anyo, na para bang ang mga iyon ay mga ulo ng mga demonyo. Ang kapangitan ng anyo ay isang patunay sa kapangitan ng pinatutungkulan. Ito ay nangangahulugan na ang mga bunga nito ay karima-rimarim ang lasa.
عربی تفاسیر:
فَإِنَّهُمۡ لَأٓكِلُونَ مِنۡهَا فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ
Saka tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay talagang mga kakain mula sa mga bunga nitong mapait na pangit, at mga pupuno mula rito ng mga tiyan nilang hungkag.
عربی تفاسیر:
ثُمَّ إِنَّ لَهُمۡ عَلَيۡهَا لَشَوۡبٗا مِّنۡ حَمِيمٖ
Pagkatapos tunay na sila, matapos ng pagkain nila mula rito, ay may ukol sa kanila na isang inuming hinaluan, na pangit, na mainit.
عربی تفاسیر:
ثُمَّ إِنَّ مَرۡجِعَهُمۡ لَإِلَى ٱلۡجَحِيمِ
Pagkatapos tunay na ang pagbabalik nila matapos niyon ay talagang tungo sa pagdurusa sa Impiyerno sapagkat sila ay magpapalipat-lipat mula sa isang pagdurusa patungo sa isang pagdurusa.
عربی تفاسیر:
إِنَّهُمۡ أَلۡفَوۡاْ ءَابَآءَهُمۡ ضَآلِّينَ
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay nakatagpo sa mga magulang nila na mga naliligaw palayo sa daan ng kapatnubayan saka tumulad sila sa mga iyon bilang paggaya-gaya hindi ayon sa katwiran.
عربی تفاسیر:
فَهُمۡ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ يُهۡرَعُونَ
Kaya sila ay sumusunod sa mga bakas ng mga magulang nila sa kaligawan habang mga nagmamadali.
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ ضَلَّ قَبۡلَهُمۡ أَكۡثَرُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Talaga ngang naligaw bago nila ang higit na marami sa mga sinauna, kaya ang mga kababayan mo, O Sugo, ay hindi ang una sa mga naligaw na mga kalipunan.
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا فِيهِم مُّنذِرِينَ
Talaga ngang nagsugo sa gitna ng mga kalipunang sinaunang iyon ng mga sugong nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh ngunit tumanggi silang sumampalataya.
عربی تفاسیر:
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Kaya tumingin ka, O Sugo, kung papaano naging ang wakas ng mga taong binalaan ng mga sugo nila ngunit hindi sila tumugon sa mga iyon. Tunay na ang wakas nila ay ang pagpasok sa Apoy bilang mga mananatili roon dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila sa mga sugo nila,
عربی تفاسیر:
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga itinangi ni Allāh sa pananampalataya sa Kanya sapagkat tunay na sila ay mga maliligtas mula sa pagdurusa na siyang magiging wakas ng mga tagapagpasinungaling na mga tagatangging sumampalataya.
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ نَادَىٰنَا نُوحٞ فَلَنِعۡمَ ٱلۡمُجِيبُونَ
Talaga ngang dumalangin sa Amin ang propeta Naming si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang nag-anyaya siya sa mga kababayan niya na nagpasinungaling sa kanya, saka talagang kay inam Kami, ang Tagatugon, sapagkat nagdali-dali Kami sa pagsagot sa panalangin niya laban sa kanila.
عربی تفاسیر:
وَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ
Talagang nagpaligtas Kami sa kanya, sa mag-anak niya, at sa mga mananampalataya kasama sa kanya mula sa pananakit ng mga kababayan niya at mula sa pagkalunod sa gunaw na sukdulan, na ipinadala sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• الظفر بنعيم الجنان هو الفوز الأعظم، ولمثل هذا العطاء والفضل ينبغي أن يعمل العاملون.
Ang pagkatamo ng kaginhawahan sa mga Hardin ay ang pagkakamit na pinakasukdulan, at para sa tulad ng bigay at kabutihang-loob na ito nararapat na gumawa ang mga gumagawa.

• إن طعام أهل النار هو الزقّوم ذو الثمر المرّ الكريه الطعم والرائحة، العسير البلع، المؤلم الأكل.
Tunay na ang pagkain ng mga mamamayan ng Apoy ay ang zaqqūm na may mga bungang mapait na kasuklam-suklam ang lasa at ang amoy, na mahirap lunukin, na nakasasakit kainin.

• أجاب الله تعالى دعاء نوح عليه السلام بإهلاك قومه، والله نعم المقصود المجيب.
Sumagot si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa panalangin ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pagpapahamak sa mga kababayan nito. Si Allāh ay kay inam na pinagsasadyaan na tagasagot.

 
معانی کا ترجمہ سورت: صافات
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) - ترجمے کی لسٹ

مرکز تفسیر للدراسات القرآنیۃ سے شائع ہوا ہے۔

بند کریں