Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ سورت: مائدہ   آیت:
وَحَسِبُوٓاْ أَلَّا تَكُونَ فِتۡنَةٞ فَعَمُواْ وَصَمُّواْ ثُمَّ تَابَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ ثُمَّ عَمُواْ وَصَمُّواْ كَثِيرٞ مِّنۡهُمۡۚ وَٱللَّهُ بَصِيرُۢ بِمَا يَعۡمَلُونَ
Nagpalagay sila na ang pagsira nila sa mga tipan at mga kasunduan, ang pagpapasinungaling nila, at ang pagpatay nila sa mga propeta ay hindi nagreresulta ng isang kapinsalaan sa kanila ngunit nagresulta ito ng hindi nila ipinagpalagay kaya nabulag sila sa katotohanan kaya hindi sila napatnubayan tungo rito at nabingi sila sa pagdinig nito ayon sa pagdinig ng pagtanggap. Pagkatapos tumanggap si Allāh sa kanila ng pagbabalik-loob dala ng isang pagmamabuting-loob mula sa Kanya. Pagkatapos nabulag sila matapos niyon sa katotohanan at nabingi sila sa pagdinig nito ayon sa pagdinig ng pagtanggap. Nangyari iyon sa marami sa kanila. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Gaganti Siya sa kanila roon.
عربی تفاسیر:
لَقَدۡ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ وَقَالَ ٱلۡمَسِيحُ يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمۡۖ إِنَّهُۥ مَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ حَرَّمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ ٱلۡجَنَّةَ وَمَأۡوَىٰهُ ٱلنَّارُۖ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ أَنصَارٖ
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga Kristiyanong nagsasabing si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria dahil sa pag-uugnay nila ng pagkadiyos sa iba pa kay Allāh gayong ang Kristo na anak ni Maria mismo ay nagsabi sa kanila: "O mga anak ni Israel, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat Siya ay Panginoon ko at Panginoon ninyo at tayo sa pagkaalipin sa Kanya ay magkapantay." Iyon ay dahil ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng iba pa sa Kanya, tunay na si Allāh ay nagkait nga sa kanya sa pagpasok sa Paraiso magpakailanman. Ang paglalagyan niya ay Apoy ng Impiyerno. Walang ukol sa kanya na tagapag-adya sa ganang kay Allāh ni tagatulong ni tagasagip na sasagip sa kanya mula sa naghihintay sa kanya na pagdurusa.
عربی تفاسیر:
لَّقَدۡ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ ثَالِثُ ثَلَٰثَةٖۘ وَمَا مِنۡ إِلَٰهٍ إِلَّآ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۚ وَإِن لَّمۡ يَنتَهُواْ عَمَّا يَقُولُونَ لَيَمَسَّنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga Kristiyanong nagsasabi: "Tunay na si Allāh ay binubuo ng tatlo: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo." Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa sabi nila ayon sa kataasang malaki. Si Allāh ay hindi marami. Siya ay nag-iisang Diyos lamang; walang katambal sa Kanya. Kung hindi sila titigil sa karumal-dumal na pinagsasabing ito ay talagang may aabot sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit.
عربی تفاسیر:
أَفَلَا يَتُوبُونَ إِلَى ٱللَّهِ وَيَسۡتَغۡفِرُونَهُۥۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Kaya hindi uurong ang mga ito sa pinagsasabi nilang ito habang mga nagbabalik-loob kay Allāh mula roon, at humihiling sa Kanya ng kapatawaran sa nagawa nila na pagtatambal sa Kanya? Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob mula sa anumang pagkakasalang nangyari kahit pa man ang pagkakasala ay ang kawalang-pananampalataya sa Kanya, Maawain sa mga mananampalataya.
عربی تفاسیر:
مَّا ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَ إِلَّا رَسُولٞ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِ ٱلرُّسُلُ وَأُمُّهُۥ صِدِّيقَةٞۖ كَانَا يَأۡكُلَانِ ٱلطَّعَامَۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُبَيِّنُ لَهُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ ثُمَّ ٱنظُرۡ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Walang iba ang Kristo Jesus na anak ni Maria kundi isang sugo kabilang sa mga sugo. Magaganap sa kanya ang anumang naganap sa kanila na kamatayan. Ang ina niyang si Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay marami sa katapatan at paniniwala. Silang dalawa ay kumakain ng pagkain dahil sa pangangailangan nila rito kaya papaanong sila ay naging mga diyos sa kabila ng pangangailangan nila sa pagkain? Kaya tumingin ka, O Sugo, ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano nililiwanag ni Allāh para sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya at sa kabulaanan ng taglay nilang pagpapalabis sa pag-uugnay ng pagkadiyos sa iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – habang sila sa kabila niyon ay nagkakaila sa mga tandang ito. Pagkatapos tumingin ka ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano silang nababaling palayo sa katotohanan sa isang pagbaling sa kabila nitong mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh.
عربی تفاسیر:
قُلۡ أَتَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗاۚ وَٱللَّهُ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Sabihin mo, O Sugo, habang nangangatwiran sa kanila kaugnay sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh: "Sumasamba ba kayo sa hindi nagdudulot sa inyo ng pakinabang at hindi nagtutulak palayo sa inyo ng pinsala sapagkat ito ay walang-kakayahan samantalang si Allāh ay malaya sa kawalang-kakayahan? Si Allāh lamang ay ang Madinigin sa mga sinasabi ninyo kaya naman walang nakalulusot sa Kanya sa mga ito na anuman, ang Maalam sa mga ginagawa ninyo kaya walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
عربی تفاسیر:
قُلۡ يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لَا تَغۡلُواْ فِي دِينِكُمۡ غَيۡرَ ٱلۡحَقِّ وَلَا تَتَّبِعُوٓاْ أَهۡوَآءَ قَوۡمٖ قَدۡ ضَلُّواْ مِن قَبۡلُ وَأَضَلُّواْ كَثِيرٗا وَضَلُّواْ عَن سَوَآءِ ٱلسَّبِيلِ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga Kristiyano: "Huwag kayong lumampas sa hangganan kaugnay sa ipinag-utos sa inyo na pagsunod sa katotohanan at huwag kayong magpalabis sa pagdakila sa sinumang ipinag-utos sa inyo ang pagdakila roon – tulad ng mga propeta – para maniwala kayo kaugnay sa kanila ng pagkadiyos gaya ng ginawa ninyo kay Jesus na anak ni Maria dahilan sa paggaya ninyo sa mga ninuno ninyo kabilang sa mga alagad ng pagkaligaw, na nagligaw sila sa marami sa mga tao at naligaw sila palayo sa daan ng katotohanan."
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• بيان كفر النصارى في زعمهم ألوهية المسيح عليه السلام، وبيان بطلانها، والدعوةُ للتوبة منها.
Ang paglilinaw sa kawalang-pananampalataya ng mga Kristiyano sa pag-aakala nila ng pagkadiyos ni Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang paglilinaw sa kabulaanan niyon, at ang pag-aanyaya sa pagbabalik-loob mula roon.

• من أدلة بشرية المسيح وأمه: أكلهما للطعام، وفعل ما يترتب عليه.
Kabilang sa mga patunay ng pagkatao ni Kristo at ng ina niya ang pagkain nila ng pagkain at ang paggawa ng inireresulta niyon.

• عدم القدرة على كف الضر وإيصال النفع من الأدلة الظاهرة على عدم استحقاق المعبودين من دون الله للألوهية؛ لكونهم عاجزين.
Ang kawalan ng kakayahan sa pagpigil sa pinsala at pagpapaabot ng pakinabang ay kabilang sa mga hayag na patunay sa hindi pagiging karapat-dapat ng mga sinasamba bukod pa kay Allāh sa pagkadiyos dahil sa pagiging mga walang-kakayahan nila.

• النهي عن الغلو وتجاوز الحد في معاملة الصالحين من خلق الله تعالى.
Ang pagsaway sa pagpapalabis at paglampas sa hangganan sa pakikitungo sa mga maayos kabilang sa mga nilikha ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
معانی کا ترجمہ سورت: مائدہ
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) - ترجمے کی لسٹ

مرکز تفسیر للدراسات القرآنیۃ سے شائع ہوا ہے۔

بند کریں