قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ آیت: (5) سورت: سورۂ مائدہ
ٱلۡيَوۡمَ أُحِلَّ لَكُمُ ٱلطَّيِّبَٰتُۖ وَطَعَامُ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ حِلّٞ لَّكُمۡ وَطَعَامُكُمۡ حِلّٞ لَّهُمۡۖ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ وَٱلۡمُحۡصَنَٰتُ مِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِكُمۡ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ مُحۡصِنِينَ غَيۡرَ مُسَٰفِحِينَ وَلَا مُتَّخِذِيٓ أَخۡدَانٖۗ وَمَن يَكۡفُرۡ بِٱلۡإِيمَٰنِ فَقَدۡ حَبِطَ عَمَلُهُۥ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ
Sa araw na ito, nagpahintulot si Allāh para sa inyo ng pagkain ng mga minamasarap at pagkain ng mga kinatay ng mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Nagpahintulot Siya para sa kanila ng mga kinatay ninyo. Nagpahintulot Siya para sa inyo ng pag-aasawa ng mga malayang babaing malinis ang puri kabilang sa mga babaing mananampalataya at mga malayang babaing malinis ang puri kabilang sa mga nabigyan ng Kasulatan bago pa ninyo na mga Hudyo at mga Kristiyano, kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila, habang kayo naman ay mga nagpapakalinis ng puri laban sa paggawa ng kahalayan at hindi mga gumagawa ng mga kasintahang nakagagawa kayo ng pangangalunya sa mga iyon. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa isinabatas ni Allāh para sa mga lingkod Niya na mga patakaran ay nawalang-saysay nga ang gawa niya dahil sa pagkawala ng kundisyon nito, ang pananampalataya. Siya sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa mga lugi dahil sa pagpasok niya sa Apoy bilang mananatiling pananatiliin doon.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• تحريم ما مات دون ذكاة، والدم المسفوح، ولحم الخنزير، وما ذُكِرَ عليه اسْمٌ غير اسم الله عند الذبح، وكل ميت خنقًا، أو ضربًا، أو بسقوط من علو، أو نطحًا، أو افتراسًا من وحش، ويُستثنى من ذلك ما أُدرِكَ حيًّا وذُكّيَ بذبح شرعي.
Ang pagbabawal sa anumang namatay nang walang pagkakatay, sa dugo, sa laman ng baboy, sa anumang binanggitan ng pangalang hindi pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkakatay, sa bawat namatay sa pagbigti o sa palo o sa pagkalaglag mula sa mataas o sa suwag o sa paninila ng mabangis na hayop ngunit itinatangi roon ang anuman naabutang buhay pa at nakatay ayon sa pagkatay na isinasabatas sa Islām.

• حِلُّ ما صاد كل مدرَّبٍ ذي ناب أو ذي مخلب.
Ang pagkaipinahihintulot ng nahuli ng bawat sinanay na hayop na may pangil o ibong may kukong pandagit.

• إباحة ذبائح أهل الكتاب، وإباحة نكاح حرائرهم من العفيفات.
Ang pagpayag sa pagkain ng mga kinatay ng mga May Kasulatan at ang pagpayag sa pag-asawa sa mga babaing malaya nila kabilang sa mga malinis ang puri.

 
معانی کا ترجمہ آیت: (5) سورت: سورۂ مائدہ
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ - ترجمے کی لسٹ

المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلیپینو (تگالوگ) ترجمہ، مرکز تفسیر للدراسات الاسلامیۃ کی جانب سے جاری۔

بند کریں