Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ سورت: نجم   آیت:
إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ لَيُسَمُّونَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ تَسۡمِيَةَ ٱلۡأُنثَىٰ
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa pagbubuhay sa tahanang pangkabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae dahil sa paniniwala nila na ang mga ito ay mga babaing anak ni Allāh. Pagkataas-taas si Allāh higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki.
عربی تفاسیر:
وَمَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّۖ وَإِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغۡنِي مِنَ ٱلۡحَقِّ شَيۡـٔٗا
Walang ukol sa kanila dahil sa pagpapangalan sa mga ito bilang mga babae na anumang kaalamang masasandalan nila. Wala silang sinusunod doon kundi ang pagbubulaan at ang paghahaka. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman para tumayo sa matatayuan nito.
عربی تفاسیر:
فَأَعۡرِضۡ عَن مَّن تَوَلَّىٰ عَن ذِكۡرِنَا وَلَمۡ يُرِدۡ إِلَّا ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Kaya umayaw ka, O Sugo, sa sinumang tumalikod sa pag-alaala kay Allāh, hindi nagbibigay-pansin sa Kanya, at hindi nagnanais kundi ng buhay na pangmundo sapagkat hindi siya gumagawa para sa Kabilang-buhay niya dahil siya ay hindi sumasampalataya roon.
عربی تفاسیر:
ذَٰلِكَ مَبۡلَغُهُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَن ضَلَّ عَن سَبِيلِهِۦ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱهۡتَدَىٰ
Ang sinasabing iyon ng mga tagapagtambal na ito, na pagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae, ay ang hangganan nila na nararating nila mula sa kaalaman dahil sila ay mga mangmang. Hindi sila nakarating sa katiyakan. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa sinumang lumihis palayo sa landas Niya at higit na maalam sa sinumang napatnubayan tungo sa daan Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
عربی تفاسیر:
وَلِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَسَٰٓـُٔواْ بِمَا عَمِلُواْ وَيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ أَحۡسَنُواْ بِٱلۡحُسۡنَى
Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at sa Kanya ang anumang nasa lupa sa paghahari, paglikha, at pangangasiwa upang gumanti Siya sa mga nagpasagwa sa mga gawain nila sa Mundo ng anumang magiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa, at gumanti Siya ng Paraiso sa mga mananampalataya na nagpaganda sa mga gawa nila.
عربی تفاسیر:
ٱلَّذِينَ يَجۡتَنِبُونَ كَبَٰٓئِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡفَوَٰحِشَ إِلَّا ٱللَّمَمَۚ إِنَّ رَبَّكَ وَٰسِعُ ٱلۡمَغۡفِرَةِۚ هُوَ أَعۡلَمُ بِكُمۡ إِذۡ أَنشَأَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ وَإِذۡ أَنتُمۡ أَجِنَّةٞ فِي بُطُونِ أُمَّهَٰتِكُمۡۖ فَلَا تُزَكُّوٓاْ أَنفُسَكُمۡۖ هُوَ أَعۡلَمُ بِمَنِ ٱتَّقَىٰٓ
Ang mga lumalayo sa mga malaki sa mga pagkakasala at mga pangit sa mga pagsuway maliban sa mga maliit sa mga pagkakasala – sapagkat ang mga ito ay pinatatawad sa pamamagitan ng pagtigil sa mga malaking kasalanan at pagpaparami ng mga pagtalima – tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay malawak ang pagpapatawad: nagpapatawad Siya ng mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila mula sa mga iyon. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay higit na maalam sa mga kalagayan ninyo at mga pumapatungkol sa inyo nang lumikha Siya sa ama ninyong si Adan mula sa alabok at nang kayo dati ay mga dinadala sa mga tiyan ng mga ina ninyo habang nililikha kayo sa isang paglikha matapos ng isang pagkakalikha. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Kaya huwag kayong magmapuri sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagbubunyi sa mga ito ng pagtataglay ng pangingilag sa pagkakasala (taqwā) sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
عربی تفاسیر:
أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي تَوَلَّىٰ
Kaya nakita mo ba ang kapangitan ng kalagayan ng umayaw sa Islām matapos ng pagkalapit niya rito,
عربی تفاسیر:
وَأَعۡطَىٰ قَلِيلٗا وَأَكۡدَىٰٓ
at nagbibigay ng kaunting salapi, pagkatapos nagkait dahil ang karamutan ay kalikasan niya at sa kabila niyon ay nagmamalinis siya ng sarili niya?
عربی تفاسیر:
أَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلۡغَيۡبِ فَهُوَ يَرَىٰٓ
Taglay ba niya ang kaalaman sa Lingid kaya siya ay nakakikita at nagsasalaysay hinggil sa Lingid?
عربی تفاسیر:
أَمۡ لَمۡ يُنَبَّأۡ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ
O siya ay gumagawa-gawa ng kasinungalingan laban kay Allāh? O hindi ipinabatid sa kanya ang sinabi-sabing ito hinggil kay Allāh sa nasa mga sinaunang kalatas na pinababa ni Allāh kay Moises
عربی تفاسیر:
وَإِبۡرَٰهِيمَ ٱلَّذِي وَفَّىٰٓ
at sa mga kalatas ni Abraham na gumanap sa bawat iniatang sa kanya ng Panginoon niya at lumubos niyon,
عربی تفاسیر:
أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٞ وِزۡرَ أُخۡرَىٰ
na hindi magdadala ang isang tao ng kasalanan ng iba pa sa kanya,
عربی تفاسیر:
وَأَن لَّيۡسَ لِلۡإِنسَٰنِ إِلَّا مَا سَعَىٰ
na walang ukol sa tao kundi ang gantimpala ng gawa niya na ginawa niya,
عربی تفاسیر:
وَأَنَّ سَعۡيَهُۥ سَوۡفَ يُرَىٰ
at na ang gawa niya ay makikita sa Araw ng Pagbangon sa mga mata.
عربی تفاسیر:
ثُمَّ يُجۡزَىٰهُ ٱلۡجَزَآءَ ٱلۡأَوۡفَىٰ
Pagkatapos bibigyan siya ng ganti sa gawa niya nang lubusan na hindi kinulangan.
عربی تفاسیر:
وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ ٱلۡمُنتَهَىٰ
Na tungo sa Panginoon mo, O Sugo, ang babalikan ng mga tao at ang kahahantungan nila matapos ng kamatayan nila.
عربی تفاسیر:
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَضۡحَكَ وَأَبۡكَىٰ
Na Siya ay nagpatuwa sa sinumang niloloob Niya kaya nagpatawa rito at nagpalungkot sa sinumang niloloob Niya kaya nagpaiyak dito.
عربی تفاسیر:
وَأَنَّهُۥ هُوَ أَمَاتَ وَأَحۡيَا
Na Siya ay nagbigay-kamatayan sa mga buhay sa Mundo at nagbigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng pagbubuhay na muli.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• انقسام الذنوب إلى كبائر وصغائر.
Ang pagkakahati ng mga pagkakasala sa mga malaki at mga maliit.

• خطورة التقوُّل على الله بغير علم.
Ang panganib ng pagsasabi-sabi laban kay Allāh nang wala sa kaalaman.

• النهي عن تزكية النفس.
Ang pagsaway sa pagmamalinis ng sarili.

 
معانی کا ترجمہ سورت: نجم
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) - ترجمے کی لسٹ

مرکز تفسیر للدراسات القرآنیۃ سے شائع ہوا ہے۔

بند کریں