Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ سورت: واقعہ   آیت:
ثُمَّ إِنَّكُمۡ أَيُّهَا ٱلضَّآلُّونَ ٱلۡمُكَذِّبُونَ
Pagkatapos tunay na kayo, O mga nagpapasinungaling sa pagbubuhay, na mga naliligaw palayo sa landasing tuwid ay talagang mga kakain, sa Araw ng Pagbangon, mula sa mga puno ng Zaqqūm. Ito ay pinakamasama sa mga bunga at pinakakarima-rimarim.
عربی تفاسیر:
لَأٓكِلُونَ مِن شَجَرٖ مِّن زَقُّومٖ
Pagkatapos tunay na kayo, O mga nagpapasinungaling sa pagbubuhay, na mga naliligaw palayo sa landasing tuwid ay talagang mga kakain, sa Araw ng Pagbangon, mula sa mga puno ng Zaqqūm. Ito ay pinakamasama sa mga bunga at pinakakarima-rimarim.
عربی تفاسیر:
فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ
saka mga magpupuno mula sa mga mapait na punong iyon ng mga tiyan ninyong hungkag,
عربی تفاسیر:
فَشَٰرِبُونَ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡحَمِيمِ
saka mga iinom sa mga ito mula sa tubig na mainit na matindi ang init,
عربی تفاسیر:
فَشَٰرِبُونَ شُرۡبَ ٱلۡهِيمِ
saka mga magpaparami sa pag-inom gaya ng pagpaparami ng mga kamelyo sa pag-inom dahilan sa sakit na matinding pagkauhaw!"
عربی تفاسیر:
هَٰذَا نُزُلُهُمۡ يَوۡمَ ٱلدِّينِ
Ang nabanggit na ito na pagkaing mapait at tubig na mainit ay ang pagtanggap sa kanila na ipansasalubong sa kanila sa Araw ng Pagganti.
عربی تفاسیر:
نَحۡنُ خَلَقۡنَٰكُمۡ فَلَوۡلَا تُصَدِّقُونَ
Kami ay lumikha sa inyo, O mga tagapagpasinungaling, matapos na kayo dati ay wala, kaya bakit kaya hindi kayo naniwala na Kami ay magbubuhay sa inyo para maging mga buhay matapos ng kamatayan ninyo?
عربی تفاسیر:
أَفَرَءَيۡتُم مَّا تُمۡنُونَ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo, O mga tao, sa inilalabas ninyo na punlay sa mga sinapupunan ng mga maybahay ninyo?
عربی تفاسیر:
ءَأَنتُمۡ تَخۡلُقُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡخَٰلِقُونَ
Kayo ba ay lumilikha ng punlay na iyon o Kami ay ang lumilikha niyon?
عربی تفاسیر:
نَحۡنُ قَدَّرۡنَا بَيۡنَكُمُ ٱلۡمَوۡتَ وَمَا نَحۡنُ بِمَسۡبُوقِينَ
Kami ay nagtakda sa gitna ninyo ng kamatayan sapagkat bawat isa sa inyo ay may taning na hindi siya nakauuna rito ni nakahuhuli, at Kami ay hindi nawawalang-kakayahan
عربی تفاسیر:
عَلَىٰٓ أَن نُّبَدِّلَ أَمۡثَٰلَكُمۡ وَنُنشِئَكُمۡ فِي مَا لَا تَعۡلَمُونَ
na magpalit Kami ng anumang taglay ninyo na pagkakalikha at pagkakaanyo kabilang sa nalalaman ninyo, at magpaluwal Kami sa inyo sa hindi ninyo nalalaman na pagkakalikha at pagkakaanyo.
عربی تفاسیر:
وَلَقَدۡ عَلِمۡتُمُ ٱلنَّشۡأَةَ ٱلۡأُولَىٰ فَلَوۡلَا تَذَكَّرُونَ
Talaga ngang nalaman ninyo kung papaano Kaming lumikha sa inyo sa unang pagkakalikha, kaya hindi ba kayo nagsasaalang-alang at nakaaalam na ang lumikha sa inyo sa unang pagkakataon ay nakakakaya sa pagbuhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo?
عربی تفاسیر:
أَفَرَءَيۡتُم مَّا تَحۡرُثُونَ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa ipinupukol ninyo na binhi sa lupa?
عربی تفاسیر:
ءَأَنتُمۡ تَزۡرَعُونَهُۥٓ أَمۡ نَحۡنُ ٱلزَّٰرِعُونَ
Kayo ba ay ang nagpapatubo ng binhing iyon o Kami ay ang nagpapatubo niyon?
عربی تفاسیر:
لَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَٰهُ حُطَٰمٗا فَظَلۡتُمۡ تَفَكَّهُونَ
Kung sakaling niloloob Namin ang paggawa sa tanim na iyon na maging ipa ay talaga sanang ginawa Namin iyon na ipa matapos halos na mahinog at gumulang, saka kayo matapos niyon ay magtataka sa tumama roon.
عربی تفاسیر:
إِنَّا لَمُغۡرَمُونَ
Magsasabi kayo: "Tunay na kami ay talagang mga pagdurusahin dahil sa pagkalugi sa ginugol Namin;
عربی تفاسیر:
بَلۡ نَحۡنُ مَحۡرُومُونَ
bagkus kami ay mga pinagkaitan ng panustos!"
عربی تفاسیر:
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلۡمَآءَ ٱلَّذِي تَشۡرَبُونَ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa tubig na umiinom kayo mula rito kapag nauhaw kayo?
عربی تفاسیر:
ءَأَنتُمۡ أَنزَلۡتُمُوهُ مِنَ ٱلۡمُزۡنِ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنزِلُونَ
Kayo ba ay nagpababa niyon mula sa mga ulap sa langit, o Kami ay ang nagpababa niyon?
عربی تفاسیر:
لَوۡ نَشَآءُ جَعَلۡنَٰهُ أُجَاجٗا فَلَوۡلَا تَشۡكُرُونَ
Kung sakaling niloloob Namin ang paggawa sa tubig na iyon na maging matindi ang kaalatan, na hindi pakikinabangan sa pag-inom ni sa pagpapatubig, ay talaga sanang ginawa Namin iyon na maging matindi ang kaalatan. Kaya bakit kaya hindi kayo nagpapasalamat kay Allāh sa pagpapababa Niya nito bilang [tubig] tabang bilang awa sa inyo?
عربی تفاسیر:
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱلنَّارَ ٱلَّتِي تُورُونَ
Kaya nagsaalang-alang ba kayo sa apoy na pinaririkit ninyo para sa mga kapakinabangan ninyo?
عربی تفاسیر:
ءَأَنتُمۡ أَنشَأۡتُمۡ شَجَرَتَهَآ أَمۡ نَحۡنُ ٱلۡمُنشِـُٔونَ
Kayo ba ay ang nagpapaluwal ng punong-kahoy na nagpapaningas mula rito, o Kami ay ang nagpaluwal nito bilang kabaitan sa inyo?
عربی تفاسیر:
نَحۡنُ جَعَلۡنَٰهَا تَذۡكِرَةٗ وَمَتَٰعٗا لِّلۡمُقۡوِينَ
Kami ay gumawa ng apoy na ito bilang pagpapaalaala para sa inyo na magpapaalaala sa inyo ng Apoy ng Kabilang-buhay, at gumawa nito bilang pakinabang para sa mga tagapaglakbay kabilang sa inyo.
عربی تفاسیر:
فَسَبِّحۡ بِٱسۡمِ رَبِّكَ ٱلۡعَظِيمِ
Kaya magpawalang-kapintasan ka, O Sugo, sa Panginoon mo, ang Sukdulan, sa anumang hindi nababagay sa Kanya.
عربی تفاسیر:
۞ فَلَآ أُقۡسِمُ بِمَوَٰقِعِ ٱلنُّجُومِ
Kaya nanunumpa Ako kay Allāh sa mga lugar ng mga bituin at mga lubugan ng mga ito,
عربی تفاسیر:
وَإِنَّهُۥ لَقَسَمٞ لَّوۡ تَعۡلَمُونَ عَظِيمٌ
at tunay na ang panunumpa sa mga lubugang ito – kung sakaling nalalaman ninyo ang kasukdulan nito – ay talagang sukdulan dahil sa taglay nito na mga tanda at mga aral na hindi na natatakdaan.
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• دلالة الخلق الأول على سهولة البعث ظاهرة.
Ang katunayan ng unang paglikha sa kadalian ng pagbuhay ay hayag.

• إنزال الماء وإنبات الأرض والنار التي ينتفع بها الناس نعم تقتضي من الناس شكرها لله، فالله قادر على سلبها متى شاء.
Ang pagpapababa ng tubig, ang pagpapatubo ng lupa, at ang apoy na napakikinabangan ng mga tao ay mga biyayang humihiling sa mga tao ng pagpapasalamat sa mga ito kay Allāh sapagkat si Allāh ay nakakakaya sa pag-alis ng mga ito kapag niloob Niya.

• الاعتقاد بأن للكواكب أثرًا في نزول المطر كُفْرٌ، وهو من عادات الجاهلية.
Ang paniniwala na ang mga tala ay may epekto sa pagbaba ng ulan ay kawalang-pananampalataya. Ito ay kabilang sa mga kaugalian ng Kamangmangan.

 
معانی کا ترجمہ سورت: واقعہ
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) - ترجمے کی لسٹ

مرکز تفسیر للدراسات القرآنیۃ سے شائع ہوا ہے۔

بند کریں