Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) * - ترجمے کی لسٹ


معانی کا ترجمہ سورت: مُدثِّر   آیت:
فَقُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Kaya sumapain nawa siya at pagdusahin nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
عربی تفاسیر:
ثُمَّ قُتِلَ كَيۡفَ قَدَّرَ
Pagkatapos sumpain nawa siya at pagdusahin nawa siya kung papaano siyang nagtakda!
عربی تفاسیر:
ثُمَّ نَظَرَ
Pagkatapos umulit siya ng pagmamasid at paglilimi sa anumang sasabihin niya.
عربی تفاسیر:
ثُمَّ عَبَسَ وَبَسَرَ
Pagkatapos umasim ang mukha niya at umismid siya nang hindi siya nakatagpo ng maipaninira niya sa Qur'ān.
عربی تفاسیر:
ثُمَّ أَدۡبَرَ وَٱسۡتَكۡبَرَ
Pagkatapos tumalikod siya sa pananampalataya at nagmalaki siya sa pagtanggi sa pagsunod sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
عربی تفاسیر:
فَقَالَ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ يُؤۡثَرُ
Kaya nagsabi siya: "Itong inihatid ni Muḥammad ay hindi Pananalita ni Allāh, bagkus ito ay isang panggagaway na isinasaysay niya buhat sa iba sa kanya.
عربی تفاسیر:
إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا قَوۡلُ ٱلۡبَشَرِ
Ito ay hindi Pananalita ni Allāh; bagkus ito ay pananalita ng tao."
عربی تفاسیر:
سَأُصۡلِيهِ سَقَرَ
Magpapasok Ako sa tagatangging sumampalataya na ito sa isa sa mga palapag ng Impiyerno. Iyon ay ang Saqar, na magdurusa siya sa init niyon.
عربی تفاسیر:
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا سَقَرُ
Ano ang nagpaalam sa iyo, o Muḥammad, kung ano ang Saqar?
عربی تفاسیر:
لَا تُبۡقِي وَلَا تَذَرُ
Hindi ito nagtitira ng anuman mula sa pinagdurusa roon malibang pupunta ito roon at hindi ito mag-iiwan doon. Pagkatapos manunumbalik iyon gaya ng dati. Pagkatapos pupunta ito roon. Ganoon ng ganoon.
عربی تفاسیر:
لَوَّاحَةٞ لِّلۡبَشَرِ
Matindi ang pagsusunog at ang pagpapalit sa mga balat,
عربی تفاسیر:
عَلَيۡهَا تِسۡعَةَ عَشَرَ
sa ibabaw nito ay may labingsiyam na anghel. Sila ay ang mga tanod nito.
عربی تفاسیر:
وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ
Hindi gumawa bilang mga tagatanod ng Apoy malibang mga anghel sapagkat walang kakayahan para sa sangkatauhan sa kanila at hindi gumawa sa bilang nilang ito malibang bilang pagsusulit para sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh upang magsabi ang mga ito ng sinabi sinabi ng mga ito para mag-ibayo sa mga ito ang pagdurusa, upang magpakatiyak ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kapag bumaba ang Qur'ān bilang tagapagpatotoo sa nasa mga Kasulatan nila, upang madagdagan ang mga mananampalataya ng pananampalataya kapag sumang-ayon sa kanila ang mga May Kasulatan at hindi mag-alinlangan ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga nag-aatubili sa pananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya: "May aling bagay na ninais ni Allāh sa kataka-takang bilang na ito?" Tulad ng pagliligaw sa tagapagkaila ng bilang na ito at kapatnubayan ng tagapagpatotoo nito, nagliligaw si Allāh sa sinumang niloob Niya na iligaw at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloob Niya na patnubayan. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo sa dami ng mga ito kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang iba ang Apoy kundi isang pagpapaalaala para sa Sangkatauhan, na malalaman nila dahil doon ang kadakilaan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
عربی تفاسیر:
كَلَّا وَٱلۡقَمَرِ
Ang masasabi ay hindi gaya ng inaakala ng isa sa mga tagapagtambal na makakasapat ang mga kasamahan niya laban sa mga tagatanod ng Impiyerno para maitaboy nila ang mga ito palayo roon! Sumumpa si Allāh sa buwan.
عربی تفاسیر:
وَٱلَّيۡلِ إِذۡ أَدۡبَرَ
Sumumpa si Allāh sa gabi kapag lumisan ito.
عربی تفاسیر:
وَٱلصُّبۡحِ إِذَآ أَسۡفَرَ
Sumumpa Siya sa madaling-araw kapag tumanglaw ito.
عربی تفاسیر:
إِنَّهَا لَإِحۡدَى ٱلۡكُبَرِ
Tunay na ang Apoy ng Impiyerno ay isa sa mga kasawiang mabigat.
عربی تفاسیر:
نَذِيرٗا لِّلۡبَشَرِ
bilang pagpapasindak at pagpapangamba para sa mga tao,
عربی تفاسیر:
لِمَن شَآءَ مِنكُمۡ أَن يَتَقَدَّمَ أَوۡ يَتَأَخَّرَ
para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo, O mga tao, na magpakauna sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh at gawang maayos o magpakahuli sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
عربی تفاسیر:
كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ رَهِينَةٌ
Bawat kaluluwa sa nakamit nito na mga gawa ay kukunin, kaya alin sa dalawa: magsasawi sa kanya ang mga gawa niya o magliligtas sa kanya ang mga ito at sasagip sa kanya ang mga ito mula sa kapahamakan.
عربی تفاسیر:
إِلَّآ أَصۡحَٰبَ ٱلۡيَمِينِ
Maliban sa mga mananampalataya sapagkat tunay na sila ay hindi kukunin dahil sa mga pagkakasala nila; bagkus lalampas sa mga ito dahil sa taglay nila na gawang maayos.
عربی تفاسیر:
فِي جَنَّٰتٖ يَتَسَآءَلُونَ
Sila sa Araw ng Pagbangon ay nasa mga Hardin, na magtatanong ang isa't isa sa kanila
عربی تفاسیر:
عَنِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
tungkol sa mga tagatangging sumampalataya na nagpahamak sa mga sarili nila dahil sa ginawa nila na mga pagsuway:
عربی تفاسیر:
مَا سَلَكَكُمۡ فِي سَقَرَ
Magsasabi sila sa mga ito: "Ano ang nagpapasok sa inyo sa Impiyerno?"
عربی تفاسیر:
قَالُواْ لَمۡ نَكُ مِنَ ٱلۡمُصَلِّينَ
Kaya sasagot sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya, habang mga nagsasabi: "Hindi kami dati kabilang sa mga nagsasagawa ng pagdarasal na isinatungkulin sa buhay na pangmundo.
عربی تفاسیر:
وَلَمۡ نَكُ نُطۡعِمُ ٱلۡمِسۡكِينَ
Hindi kami dati nagpapakain sa maralita mula sa ibinigay sa amin ni Allāh.
عربی تفاسیر:
وَكُنَّا نَخُوضُ مَعَ ٱلۡخَآئِضِينَ
Kami dati ay kasama sa mga kampon ng kabulaanan, na umiikot kami kasama sa kanila saan man umikot sila. Nagsasalita kami kasama sa mga kampon ng pagkaligaw at kalisyaan.
عربی تفاسیر:
وَكُنَّا نُكَذِّبُ بِيَوۡمِ ٱلدِّينِ
Kami dati ay nagpapabula sa Araw ng Pagganti.
عربی تفاسیر:
حَتَّىٰٓ أَتَىٰنَا ٱلۡيَقِينُ
Nagpakalabis kami sa pagpapasinungaling sa kanya hanggang sa dumating sa amin ang kamatayan, kaya nakahadlang ito sa pagitan namin at ng pagbabalik-loob."
عربی تفاسیر:
حالیہ صفحہ میں آیات کے فوائد:
• خطورة الكبر حيث صرف الوليد بن المغيرة عن الإيمان بعدما تبين له الحق.
Ang panganib ng pagkamapagmalaki yayamang lumihis si Al-Walīd bin Al-Mughīrah sa pagsampalataya matapos na luminaw para sa kanya ang katotohanan.

• مسؤولية الإنسان عن أعماله في الدنيا والآخرة.
Ang pananagutan ng tao sa mga gawain niya sa Mundo at Kabilang-buhay.

• عدم إطعام المحتاج سبب من أسباب دخول النار.
Ang hindi pagpapakain sa nangangailangan ay isa sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Apoy.

 
معانی کا ترجمہ سورت: مُدثِّر
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - المختصر فی تفسیر القرآن الکریم کا فلپینی ترجمہ (تجالوج) - ترجمے کی لسٹ

مرکز تفسیر للدراسات القرآنیۃ سے شائع ہوا ہے۔

بند کریں