Check out the new design

قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ * - ترجمے کی لسٹ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

معانی کا ترجمہ سورت: حِجر   آیت:
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَيۡهِ فَقَالُواْ سَلَٰمٗا قَالَ إِنَّا مِنكُمۡ وَجِلُونَ
[Banggitin] noong pumasok sila[7] sa kanya at nagsabi sila: “Kapayapaan” ay nagsabi siya: “Tunay na kami sa inyo ay mga nasisindak.”
[7] Ibig sabihin: ang mga anghel.
عربی تفاسیر:
قَالُواْ لَا تَوۡجَلۡ إِنَّا نُبَشِّرُكَ بِغُلَٰمٍ عَلِيمٖ
Nagsabi sila: “Huwag kang masindak; tunay na kami ay magbabalita ng nakagagalak sa iyo hinggil sa isang batang lalaking maalam.”
عربی تفاسیر:
قَالَ أَبَشَّرۡتُمُونِي عَلَىٰٓ أَن مَّسَّنِيَ ٱلۡكِبَرُ فَبِمَ تُبَشِّرُونَ
Nagsabi siya:[8] “Nagbalita ba kayo ng nakagagalak sa akin [hinggil sa isang anak] sa kabila na sumaling sa akin ang kagulangan? Kaya hinggil sa ano nagbabalita kayo ng nakagagalak sa akin?”
[8] Ibig sabihin: si Abraham.
عربی تفاسیر:
قَالُواْ بَشَّرۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ فَلَا تَكُن مِّنَ ٱلۡقَٰنِطِينَ
Nagsabi sila: “Nagbalita kami ng nakagagalak sa iyo hinggil sa katotohanan kaya huwag kang maging kabilang sa mga nasisiraan ng loob.”
عربی تفاسیر:
قَالَ وَمَن يَقۡنَطُ مِن رَّحۡمَةِ رَبِّهِۦٓ إِلَّا ٱلضَّآلُّونَ
Nagsabi siya: “Sino ang nasisiraan ng loob sa awa ng Panginoon niya maliban sa mga ligaw?”
عربی تفاسیر:
قَالَ فَمَا خَطۡبُكُمۡ أَيُّهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Nagsabi siya: “Kaya ano ang pakay ninyo, O mga isinugo?”
عربی تفاسیر:
قَالُوٓاْ إِنَّآ أُرۡسِلۡنَآ إِلَىٰ قَوۡمٖ مُّجۡرِمِينَ
Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin,
عربی تفاسیر:
إِلَّآ ءَالَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمۡ أَجۡمَعِينَ
maliban sa mag-anak ni Lot; tunay na kami ay mga magliligtas sa kanila nang magkakasama,
عربی تفاسیر:
إِلَّا ٱمۡرَأَتَهُۥ قَدَّرۡنَآ إِنَّهَا لَمِنَ ٱلۡغَٰبِرِينَ
maliban sa maybahay niya [sapagkat nagsabi si Allāh:] Nagtakda Kami na tunay na ito ay talagang kabilang sa mga magpapaiwan [para mapahamak].”
عربی تفاسیر:
فَلَمَّا جَآءَ ءَالَ لُوطٍ ٱلۡمُرۡسَلُونَ
Kaya noong dumating sa mag-anak ni Lot ang mga [anghel na] isinugo,
عربی تفاسیر:
قَالَ إِنَّكُمۡ قَوۡمٞ مُّنكَرُونَ
nagsabi siya: “Tunay na kayo ay mga taong di-kilala.”
عربی تفاسیر:
قَالُواْ بَلۡ جِئۡنَٰكَ بِمَا كَانُواْ فِيهِ يَمۡتَرُونَ
Nagsabi sila: “Bagkus naghatid kami sa iyo ng [pagdurusang] sila dati kaugnay rito ay nagtataltalan.
عربی تفاسیر:
وَأَتَيۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Nagdala kami sa iyo ng katotohanan at tunay na kami ay talagang mga tapat.
عربی تفاسیر:
فَأَسۡرِ بِأَهۡلِكَ بِقِطۡعٖ مِّنَ ٱلَّيۡلِ وَٱتَّبِعۡ أَدۡبَٰرَهُمۡ وَلَا يَلۡتَفِتۡ مِنكُمۡ أَحَدٞ وَٱمۡضُواْ حَيۡثُ تُؤۡمَرُونَ
Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi. Sumunod ka sa mga likuran nila at walang lilingon kabilang sa inyo na isa man. Tumuloy kayo sa kung saan kayo uutusan.”
عربی تفاسیر:
وَقَضَيۡنَآ إِلَيۡهِ ذَٰلِكَ ٱلۡأَمۡرَ أَنَّ دَابِرَ هَٰٓؤُلَآءِ مَقۡطُوعٞ مُّصۡبِحِينَ
Nagsiwalat Kami sa kanya ng bagay na iyon: na ang pinag-ugatan ng mga ito ay puputulin kapag inumaga.
عربی تفاسیر:
وَجَآءَ أَهۡلُ ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Dumating ang mga naninirahan sa lungsod na nagagalak.
عربی تفاسیر:
قَالَ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ ضَيۡفِي فَلَا تَفۡضَحُونِ
Nagsabi siya: “Ang mga ito ay mga panauhin ko kaya huwag kayong mag-iskandalo sa akin.
عربی تفاسیر:
وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلَا تُخۡزُونِ
Mangilag kayong magkasala kay Allāh at huwag kayong magpahiya sa akin.”
عربی تفاسیر:
قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ نَنۡهَكَ عَنِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Nagsabi sila: “Hindi ba sumaway kami sa iyo laban sa mga nilalang?”
عربی تفاسیر:
 
معانی کا ترجمہ سورت: حِجر
سورتوں کی لسٹ صفحہ نمبر
 
قرآن کریم کے معانی کا ترجمہ - فلپینی ترجمہ (تجالوج) - مرکز رواد الترجمہ - ترجمے کی لسٹ

مرکز رواد الترجمہ گروپ نے جمعیۃ الدعوۃ‘ ربوہ اور جمعیۃ خدمۃ المحتوى الاسلامی باللغات کے تعاون سے ترجمہ کیا۔

بند کریں