የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም አንቀጽ: (28) ምዕራፍ: ሱረቱ ኣሊ-ኢምራን
لَّا يَتَّخِذِ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡكَٰفِرِينَ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۖ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ فَلَيۡسَ مِنَ ٱللَّهِ فِي شَيۡءٍ إِلَّآ أَن تَتَّقُواْ مِنۡهُمۡ تُقَىٰةٗۗ وَيُحَذِّرُكُمُ ٱللَّهُ نَفۡسَهُۥۗ وَإِلَى ٱللَّهِ ٱلۡمَصِيرُ
Huwag kayong gumawa, O mga mananampalataya, sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik na iibigin ninyo at iaadya ninyo bukod pa sa mga mananampalataya. Ang sinumang gagawa niyon ay nagpawalang-kaugnayan nga kay Allāh at nagpawalang-kaugnayan si Allāh sa kanya, maliban na kayo ay maging nasa ilalim ng kapamahalaan nila para mangamba kayo sa kanila para sa mga sarili ninyo, at wala namang pagkaasiwa na mangilag kayo sa pananakit nila sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabanayaran sa pananalita at kabaitan sa mga gawa kalakip ng pagkukubli ng pagkamuhi sa kanila. Nagbibigay-babala sa inyo si Allāh sa sarili Niya kaya mangamba kayo sa Kanya at huwag kayong lumantad sa galit Niya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway. Tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ng mga tao sa Araw ng Pagbangon para sa pagganti sa kanila sa mga gawain nila.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• أن التوفيق والهداية من الله تعالى، والعلم - وإن كثر وبلغ صاحبه أعلى المراتب - إن لم يصاحبه توفيق الله لم ينتفع به المرء.
Na ang pagtutuon at ang kapatnubayan ay mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Ang kaalaman – kahit pa dumami ito at umabot ang nagtataglay nito sa pinakamataas sa mga antas – kung hindi lumakip dito ang pagtutuon ni Allāh, hindi makikinabang dito ang tao.

• أن الملك لله تعالى، فهو المعطي المانع، المعز المذل، بيده الخير كله، وإليه يرجع الأمر كله، فلا يُسأل أحد سواه.
Na ang paghahari ay sa kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat Siya ay ang Tagapagbigay, ang Tagapagkait, ang Tagapagparangal, at ang Tagapag-aba. Nasa kamay Niya ang kabutihan sa kabuuan nito at sa Kanya babalik ang usapin sa kabuuan nito kaya walang hihilingang isa mang iba sa Kanya.

• خطورة تولي الكافرين، حيث توعَّد الله فاعله بالبراءة منه وبالحساب يوم القيامة.
Ang panganib ng pagpapatangkilik sa mga tagatangging sumampalataya yayamang nagbanta si Allāh sa gumagawa nito ng kawalang-kaugnayan sa Kanya at ng pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.

 
የይዘት ትርጉም አንቀጽ: (28) ምዕራፍ: ሱረቱ ኣሊ-ኢምራን
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ፡ ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት