የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም አንቀጽ: (6) ምዕራፍ: ሱረቱ አል-ማኢዳህ
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا قُمۡتُمۡ إِلَى ٱلصَّلَوٰةِ فَٱغۡسِلُواْ وُجُوهَكُمۡ وَأَيۡدِيَكُمۡ إِلَى ٱلۡمَرَافِقِ وَٱمۡسَحُواْ بِرُءُوسِكُمۡ وَأَرۡجُلَكُمۡ إِلَى ٱلۡكَعۡبَيۡنِۚ وَإِن كُنتُمۡ جُنُبٗا فَٱطَّهَّرُواْۚ وَإِن كُنتُم مَّرۡضَىٰٓ أَوۡ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوۡ جَآءَ أَحَدٞ مِّنكُم مِّنَ ٱلۡغَآئِطِ أَوۡ لَٰمَسۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَلَمۡ تَجِدُواْ مَآءٗ فَتَيَمَّمُواْ صَعِيدٗا طَيِّبٗا فَٱمۡسَحُواْ بِوُجُوهِكُمۡ وَأَيۡدِيكُم مِّنۡهُۚ مَا يُرِيدُ ٱللَّهُ لِيَجۡعَلَ عَلَيۡكُم مِّنۡ حَرَجٖ وَلَٰكِن يُرِيدُ لِيُطَهِّرَكُمۡ وَلِيُتِمَّ نِعۡمَتَهُۥ عَلَيۡكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
O mga sumampalataya, kapag nagnais kayo na tumayo para sa pagsasagawa ng pagdarasal, habang kayo ay mga nawalan ng kadalisayang na maliit, magsagawa kayo ng wuḍū sa pamamagitan ng paghuhugas ninyo ng mga mukha ninyo, paghuhugas ninyo ng mga kamay ninyo kasama ng mga siko ng mga ito, paghahaplos ninyo sa mga ulo ninyo, at paghuhugas ninyo ng mga paa ninyo kasama ng mga bukungbukong na mga nakausli sa kasukasuan ng binti. Kung kayo ay nawalan ng kadalisayang malaki, maligo kayo. Kung kayo ay mga may-sakit, na nangangamba kayo ng paglala ng sakit o pagkaantala ng paggaling nito, o kayo ay mga naglalakbay habang nasa kalagayan ng kalusugan, o kayo ay mga nawalan ng kadalisayang maliit dahil sa pagtugon sa tawag ng kalikasan, halimbawa, O mga nawalan ng kadalisayang malaki dahil sa pakikipagtalik sa mga maybahay at hindi kayo nakatagpo ng tubig matapos ng paghahanap nito upang ipandalisay ninyo, magsadya kayo sa lupa, pumalo kayo rito ng mga kamay ninyo, magpunas kayo sa mga mukha ninyo, at magpunas kayo sa mga kamay ninyo mula rito. Hindi nagnanais si Allāh na gumawa sa inyo ng hirap sa mga patakaran Niya sa pamamagitan ng pag-oobliga sa inyo sa paggamit ng tubig na hahantong sa kapinsalaan ninyo sapagkat nagsabatas Siya para sa inyo ng isang pamalit doon sa sandali ng kaimposiblehan [ng paggamit ng tubig] dahil sa sakit o kawalan ng tubig, bilang paglulubos sa biyaya Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa biyaya Niya sa inyo at hindi kayo tatangging kumilala rito.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• الأصل في الطهارة هو استعمال الماء بالوضوء من الحدث الأصغر، والغسل من الحدث الأكبر.
Ang batayang panuntunan sa pagdadalisay ay ang paggamit ng tubig sa pamamagitan ng wuḍū' mula sa kawalan ng kadalisayang maliit at ng paligo mula sa kawalan ng kadalisayang malaki.

• في حال تعذر الحصول على الماء، أو تعذّر استعماله لمرض مانع أو برد قارس، يشرع التيمم (بالتراب) لرفع حكم الحدث (الأصغر أو الأكبر).
Sa kalagayan ng pagkaimposible ng pagkamit ng tubig o pagkaimposible ng paggamit nito dahil sa sakit na humahadlang o matinding lamig, isinasabatas ang pagsasagawa ng tayammum sa pamamagitan ng alabok para sa pag-alis ng kawalan ng kadalisayang (maliit o malaki).

• الأمر بتوخي العدل واجتناب الجور حتى في معاملة المخالفين.
Ang pag-uutos sa paglalayon ng katarungan at pag-iwas sa pang-aapi sa pakikitungo sa mga sumasalungat.

 
የይዘት ትርጉም አንቀጽ: (6) ምዕራፍ: ሱረቱ አል-ማኢዳህ
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ፡ ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት