የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም አንቀጽ: (92) ምዕራፍ: ሱረቱ አል-አንዓም
وَهَٰذَا كِتَٰبٌ أَنزَلۡنَٰهُ مُبَارَكٞ مُّصَدِّقُ ٱلَّذِي بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَلِتُنذِرَ أُمَّ ٱلۡقُرَىٰ وَمَنۡ حَوۡلَهَاۚ وَٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ يُؤۡمِنُونَ بِهِۦۖ وَهُمۡ عَلَىٰ صَلَاتِهِمۡ يُحَافِظُونَ
Itong Qur'ān ay isang aklat na pinababa Namin sa iyo, O Propeta. Ito ay isang aklat na pinagpala, na tagapagpatotoo para sa nauna rito na mga kasulatang makalangit upang magbabala ka sa pamamagitan nito sa mga mamamayan ng Makkah at sa nalalabi sa mga tao sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito upang mapatnubayan sila. Ang mga sumasampalataya sa buhay na pangkabilang-buhay ay sumasampalataya sa Qur'ān na ito, gumagawa ayon sa nasaad dito, at nangangalaga sa pagdarasal nila sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga saligan nito, mga tungkulin dito, at mga itinuturing na kaibig-ibig dito sa mga oras nitong itinakda para rito ayon sa Batas [ng Islām].
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• إنزال الكتب على الأنبياء هو سُنَّة الله في المرسلين، والنبي عليه الصلاة والسلام واحد منهم.
Ang pagpapababa ng mga kasulatan sa mga propeta ay kalakaran ni Allāh sa mga isinugo, at si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isa sa kanila.

• أعظم الناس كذبًا وفرية هو الذي يكذب على الله تعالى، فينسب أو ينفي ويثبت في حق الله تعالى أمرًا ليس عليه دليل صحيح.
Ang pinakasukdulan sa mga tao sa kasinungalingan at paninirang-puri ay ang nagsisinungaling laban kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat nag-uugnay siya o nagkakaila siya o nagpapatibay siya sa panig ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ng isang bagay na wala ritong tumpak na patunay.

• كل أحد يبعث يوم القيامة فردًا متجردًا عن المناصب والألقاب، فقيرًا، ويحاسب وحده.
Ang bawat isa ay bubuhayin sa Araw ng Pagbangon na isang indibiduwal, na isang naalisan ng mga posisyon at mga titulo, na isang maralita, at tutuusin nang mag-isa.

 
የይዘት ትርጉም አንቀጽ: (92) ምዕራፍ: ሱረቱ አል-አንዓም
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

የሙኽተሰር ቁርአን ተፍሲር ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታግሎግ) ቋንቋ፡ ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት