Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ * - የትርጉሞች ማዉጫ


የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል ፈጅር   አንቀጽ:
وَجِاْيٓءَ يَوۡمَئِذِۭ بِجَهَنَّمَۚ يَوۡمَئِذٖ يَتَذَكَّرُ ٱلۡإِنسَٰنُ وَأَنَّىٰ لَهُ ٱلذِّكۡرَىٰ
at ihahatid sa Araw na iyon ang Impiyerno na may pitumpung libong panghatak, na kasama ng bawat panghatak ay pitumpung libong anghel na hihila niyon. Sa Araw na iyon ay magsasaalaala ang tao sa anumang nagpabaya siya sa nauugnay kay Allāh, at paano ukol sa kanya na magpakinabang sa kanya ang pagsasaalaala sa Araw na iyon dahil iyon ay araw ng pagganti, hindi araw ng paggawa?
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي قَدَّمۡتُ لِحَيَاتِي
Magsasabi siya dala ng tindi ng pagsisisi: "O kung sana ako ay nagpauna ng mga gawang maayos para sa buhay ko na pangkabilang-buhay na siyang buhay na tunay."
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُعَذِّبُ عَذَابَهُۥٓ أَحَدٞ
Kaya sa araw na iyon ay walang isang magpaparusa tulad ng pagdurusang dulot ni Allāh dahil ang pagdurusang dulot ni Allāh ay pinakamatindi at pinakanananatili,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَلَا يُوثِقُ وَثَاقَهُۥٓ أَحَدٞ
at walang isang gagapos sa mga tanikala tulad ng paggapos Niya roon sa mga tagatangging sumampalataya.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
يَٰٓأَيَّتُهَا ٱلنَّفۡسُ ٱلۡمُطۡمَئِنَّةُ
Tungkol naman sa kaluluwa ng mananampalataya, sasabihin sa kanya sa sandali ng kamatayan at sa Araw ng Pagbangon: "O kaluluwang napapanatag sa pananampalataya at gawang maayos,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ٱرۡجِعِيٓ إِلَىٰ رَبِّكِ رَاضِيَةٗ مَّرۡضِيَّةٗ
bumalik ka sa Panginoon mo nang nalulugod sa Kanya dahil sa makakamit mo na gantimpalang masagana, na kinalulugdan sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – dahil sa taglay mo na gawang maayos,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
فَٱدۡخُلِي فِي عِبَٰدِي
saka pumasok ka sa kabuuan ng mga lingkod Kong maaayos,
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَٱدۡخُلِي جَنَّتِي
at pumasok ka kasama sa kanila sa Paraiso Ko na inihanda Ko para sa kanila."
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ከአንቀጾቹ የምንማራቸዉ ቁም ነገሮች:
• عتق الرقاب، وإطعام المحتاجين في وقت الشدة، والإيمان بالله، والتواصي بالصبر والرحمة: من أسباب دخول الجنة.
Ang pagpapalaya sa mga alipin, ang pagpapakain sa mga nangangailangan sa oras ng kagipitan, ang pananampalataya kay Allāh, at ang pagtatagubilinan ng pagtitiis at pagkaawa ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.

• من دلائل النبوة إخباره أن مكة ستكون حلالًا له ساعة من نهار.
Kabilang sa mga patunay ng pagkapropeta ang pagpapabatid sa kanya na ang Makkah ay magiging ipinahihintulot para sa kanya sa anumang oras ng maghapon.

• لما ضيق الله طرق الرق وسع طرق العتق، فجعل الإعتاق من القربات والكفارات.
Noong nagpasikip si Allāh ng mga daan ng pang-aalipin, nagpaluwang naman Siya ng mga daan ng pagpapalaya sapagkat ginawa niya ang pagpapalaya na kabilang sa mga pampalapit-loob [sa Kanya] at mga panakip-sala.

 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል ፈጅር
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - የቁርኣን አጭር ማብራርያ ትርጉም በፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ቋንቋ - የትርጉሞች ማዉጫ

ከቁርአን ተፍሲር ጥናት ማዕከል የተገኘ

መዝጋት