Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል * - የትርጉሞች ማዉጫ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል-በቀራህ   አንቀጽ:
۞ سَيَقُولُ ٱلسُّفَهَآءُ مِنَ ٱلنَّاسِ مَا وَلَّىٰهُمۡ عَن قِبۡلَتِهِمُ ٱلَّتِي كَانُواْ عَلَيۡهَاۚ قُل لِّلَّهِ ٱلۡمَشۡرِقُ وَٱلۡمَغۡرِبُۚ يَهۡدِي مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Magsasabi ang mga hunghang[25] kabilang sa mga tao: “Ano ang nagpatalikod sa kanila palayo sa qiblah[26] nila na sila dati ay nakabatay roon?” Sabihin mo: “Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran. Nagpapatnubay siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid.”
[25] Ang tinutukoy rito ay ang mga Hudyo at ang mga tagapagtambal sa panahon ng Propeta (s).
[26] Ang qiblah ay ang dakong kinaroroonan ng Ka`bah, na hinaharapan ng mga Muslim sa pagdarasal.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَٰكُمۡ أُمَّةٗ وَسَطٗا لِّتَكُونُواْ شُهَدَآءَ عَلَى ٱلنَّاسِ وَيَكُونَ ٱلرَّسُولُ عَلَيۡكُمۡ شَهِيدٗاۗ وَمَا جَعَلۡنَا ٱلۡقِبۡلَةَ ٱلَّتِي كُنتَ عَلَيۡهَآ إِلَّا لِنَعۡلَمَ مَن يَتَّبِعُ ٱلرَّسُولَ مِمَّن يَنقَلِبُ عَلَىٰ عَقِبَيۡهِۚ وَإِن كَانَتۡ لَكَبِيرَةً إِلَّا عَلَى ٱلَّذِينَ هَدَى ٱللَّهُۗ وَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيُضِيعَ إِيمَٰنَكُمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ بِٱلنَّاسِ لَرَءُوفٞ رَّحِيمٞ
Gayon Kami gumawa sa inyo [O mga Muslim] bilang kalipunang[27] makakatamtaman[28] upang kayo ay maging mga saksi sa mga tao at ang Sugo sa inyo ay maging saksi. Hindi Kami gumawa sa qiblah na ikaw dati ay nakabatay roon kundi upang magpaalam Kami sa sinumang susunod sa Sugo sa sinumang tatalikod sa mga sakong niya. Tunay na ito ay naging talagang mabigat, maliban sa mga pinatnubayan ni Allāh. Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na magsayang ng pananampalataya[29] ninyo. Tunay na si Allāh sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain.
[27] mabuti at makatarunga.
[28] sa lahat ng mga kalipunan.
[29] ma kabilang dito ang pagdarasal ninyo dati nang nakaharap sa Jerusalem.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
قَدۡ نَرَىٰ تَقَلُّبَ وَجۡهِكَ فِي ٱلسَّمَآءِۖ فَلَنُوَلِّيَنَّكَ قِبۡلَةٗ تَرۡضَىٰهَاۚ فَوَلِّ وَجۡهَكَ شَطۡرَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَحَيۡثُ مَا كُنتُمۡ فَوَلُّواْ وُجُوهَكُمۡ شَطۡرَهُۥۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ لَيَعۡلَمُونَ أَنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّهِمۡۗ وَمَا ٱللَّهُ بِغَٰفِلٍ عَمَّا يَعۡمَلُونَ
Nakakikita nga Kami sa pagtuon ng mukha mo sa langit, kaya magbabaling nga Kami sa iyo [O Propeta Muḥammad] sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah]. Saan man kayo ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon. Tunay na ang mga binigyan ng Kasulatan[30] ay talagang nakaaalam na iyon ay ang totoo mula sa Panginoon nila. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa nila.
[30] Ang “mga binigyan ng Kasulatan” ay ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano, na tinatawg ding “mga May Kasulatan.”
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَلَئِنۡ أَتَيۡتَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ بِكُلِّ ءَايَةٖ مَّا تَبِعُواْ قِبۡلَتَكَۚ وَمَآ أَنتَ بِتَابِعٖ قِبۡلَتَهُمۡۚ وَمَا بَعۡضُهُم بِتَابِعٖ قِبۡلَةَ بَعۡضٖۚ وَلَئِنِ ٱتَّبَعۡتَ أَهۡوَآءَهُم مِّنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَكَ مِنَ ٱلۡعِلۡمِ إِنَّكَ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Talagang kung naghatid ka sa mga binigyan ng Kasulatan ng bawat tanda ay hindi sila susunod sa qiblah mo. Ikaw ay hindi susunod sa qiblah nila, at ang iba sa kanila ay hindi susunod sa qiblah ng iba pa. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, tunay na ikaw samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል-በቀራህ
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል - የትርጉሞች ማዉጫ

ሩዋድ የትርጉም ማዕከል ከ ረቦዋ የዳዋ ማህበር እና ከ እስላማዊ ይዘት አገልግሎት ማህበር ጋር በመተባበር የተረጎመ።

መዝጋት