Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል * - የትርጉሞች ማዉጫ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል አሕዛብ   አንቀጽ:

Al-Ahzāb

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ ٱتَّقِ ٱللَّهَ وَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَٱلۡمُنَٰفِقِينَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
O Propeta [Muḥammad], mangilag kang magkasala kay Allāh at huwag kang tumalima sa [ninanasa ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَٱتَّبِعۡ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيۡكَ مِن رَّبِّكَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٗا
Sumunod ka sa ikinakasi sa iyo mula sa Panginoon mo. Tunay na si Allāh laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِۚ وَكَفَىٰ بِٱللَّهِ وَكِيلٗا
Manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
مَّا جَعَلَ ٱللَّهُ لِرَجُلٖ مِّن قَلۡبَيۡنِ فِي جَوۡفِهِۦۚ وَمَا جَعَلَ أَزۡوَٰجَكُمُ ٱلَّٰٓـِٔي تُظَٰهِرُونَ مِنۡهُنَّ أُمَّهَٰتِكُمۡۚ وَمَا جَعَلَ أَدۡعِيَآءَكُمۡ أَبۡنَآءَكُمۡۚ ذَٰلِكُمۡ قَوۡلُكُم بِأَفۡوَٰهِكُمۡۖ وَٱللَّهُ يَقُولُ ٱلۡحَقَّ وَهُوَ يَهۡدِي ٱلسَّبِيلَ
Hindi gumawa si Allāh para sa isang lalaki ng dalawang puso sa kaloob-looban nito. Hindi Siya gumawa sa mga maybahay ninyo na nagtutulad kayo sa kanila sa likod [ng mga ina ninyo] bilang mga ina ninyo. Hindi Siya gumawa sa mga ampon ninyo bilang mga anak ninyo. Iyon ay ang sabi ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo. Si Allāh ay nagsasabi ng totoo at Siya ay nagpapatnubay sa landas.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ٱدۡعُوهُمۡ لِأٓبَآئِهِمۡ هُوَ أَقۡسَطُ عِندَ ٱللَّهِۚ فَإِن لَّمۡ تَعۡلَمُوٓاْ ءَابَآءَهُمۡ فَإِخۡوَٰنُكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَمَوَٰلِيكُمۡۚ وَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحٞ فِيمَآ أَخۡطَأۡتُم بِهِۦ وَلَٰكِن مَّا تَعَمَّدَتۡ قُلُوبُكُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمًا
Tumawag kayo sa kanila [na mga ampon ninyo] sa [pangalan ng] mga ama nila; ito ay higit na makatarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam sa mga ama nila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga nagpapatangkilik sa inyo. Wala sa inyong isang paninisi sa anumang nagkamali kayo subalit [mayroon kasalanan] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ٱلنَّبِيُّ أَوۡلَىٰ بِٱلۡمُؤۡمِنِينَ مِنۡ أَنفُسِهِمۡۖ وَأَزۡوَٰجُهُۥٓ أُمَّهَٰتُهُمۡۗ وَأُوْلُواْ ٱلۡأَرۡحَامِ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلَىٰ بِبَعۡضٖ فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُهَٰجِرِينَ إِلَّآ أَن تَفۡعَلُوٓاْ إِلَىٰٓ أَوۡلِيَآئِكُم مَّعۡرُوفٗاۚ كَانَ ذَٰلِكَ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَسۡطُورٗا
Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila. Ang mga may mga pagkakaanak [sa kaangkanan at dugo], ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] ayon sa Kautusan ni Allāh kaysa sa mga mananampalataya at mga lumikas [alang-alang kay Allāh], maliban na gumawa kayo sa mga katangkilik ninyo ng isang nakabubuti [sa pamamagitan ng isang habilin]. Noon pa, iyon sa Talaan [na Tablerong Iniingatan] ay nakatitik na.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: አል አሕዛብ
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል - የትርጉሞች ማዉጫ

ሩዋድ የትርጉም ማዕከል ከ ረብዋ የዳዕዋ ማህበር እና ከ የእስልምና ይዘት በተለያዩ ቋንቋዎች አገልግሎት ማህበር ጋር በመተባበር የተተረጎመ

መዝጋት