Check out the new design

የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል * - የትርጉሞች ማዉጫ

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: ጋፊር   አንቀጽ:
وَلَقَدۡ جَآءَكُمۡ يُوسُفُ مِن قَبۡلُ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا زِلۡتُمۡ فِي شَكّٖ مِّمَّا جَآءَكُم بِهِۦۖ حَتَّىٰٓ إِذَا هَلَكَ قُلۡتُمۡ لَن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ مِنۢ بَعۡدِهِۦ رَسُولٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَنۡ هُوَ مُسۡرِفٞ مُّرۡتَابٌ
Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose bago pa niyan ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi kayo natigil sa isang pagdududa hinggil sa inihatid niya sa inyo; hanggang sa nang namatay siya ay nagsabi kayo: “Hindi magpapadala si Allāh nang matapos niya ng isang sugo.” Gayon nagliligaw si Allāh sa sinumang siya ay nagpapakalabis na nag-aalinlangan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ سُلۡطَٰنٍ أَتَىٰهُمۡۖ كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ وَعِندَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ كَذَٰلِكَ يَطۡبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلۡبِ مُتَكَبِّرٖ جَبَّارٖ
Ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh nang walang katunayang pumunta sa kanila ay malaki sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya. Gayon nagpipinid si Allāh sa bawat pusong nagpapakamalaking palasupil.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ يَٰهَٰمَٰنُ ٱبۡنِ لِي صَرۡحٗا لَّعَلِّيٓ أَبۡلُغُ ٱلۡأَسۡبَٰبَ
Nagsabi si Paraon: “O Hāmān, magpatayo ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay aabot sa mga daanan:
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
أَسۡبَٰبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰٓ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُۥ كَٰذِبٗاۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرۡعَوۡنَ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَصُدَّ عَنِ ٱلسَّبِيلِۚ وَمَا كَيۡدُ فِرۡعَوۡنَ إِلَّا فِي تَبَابٖ
mga daanan tungo sa mga langit para makatingin ako sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay isang sinungaling.” Gayon ipinang-akit para kay Paraon ang kasagwaan ng gawain niya at hinadlangan siya sa landas. Walang [kahahantungan] ang panlalansi ni Paraon kundi sa isang pagkawasak.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
وَقَالَ ٱلَّذِيٓ ءَامَنَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُونِ أَهۡدِكُمۡ سَبِيلَ ٱلرَّشَادِ
Nagsabi ang sumampalataya: “O mga kababayan ko, sumunod kayo sa akin, magpapatnubay ako sa inyo sa landas ng kagabayan.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا مَتَٰعٞ وَإِنَّ ٱلۡأٓخِرَةَ هِيَ دَارُ ٱلۡقَرَارِ
O mga kalipi ko, ang buhay na ito sa Mundo ay isang natatamasa lamang at tunay na ang Kabilang-buhay ay ang tahanan ng pamamalagian.
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
مَنۡ عَمِلَ سَيِّئَةٗ فَلَا يُجۡزَىٰٓ إِلَّا مِثۡلَهَاۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ يُرۡزَقُونَ فِيهَا بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito.[8] Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin, na tutustusan doon nang walang pagtutuos.
[8] na pagdurusa sa kasalukuyang buhay at darating na buhay
የአረብኛ ቁርኣን ማብራሪያ:
 
የይዘት ትርጉም ምዕራፍ: ጋፊር
የምዕራፎች ማውጫ የገፅ ቁጥር
 
የቅዱስ ቁርዓን ይዘት ትርጉም - ፊሊፒንኛ (ታጋሎግ) ትርጉም - ሩዋድ የትርጉም ማዕከል - የትርጉሞች ማዉጫ

ሩዋድ የትርጉም ማዕከል ከ ረቦዋ የዳዋ ማህበር እና ከ እስላማዊ ይዘት አገልግሎት ማህበር ጋር በመተባበር የተረጎመ።

መዝጋት