ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني آية: (70) سورة: الإسراء
۞ وَلَقَدۡ كَرَّمۡنَا بَنِيٓ ءَادَمَ وَحَمَلۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّمَّنۡ خَلَقۡنَا تَفۡضِيلٗا
Talaga ngang nagparangal Kami sa mga supling ni Adan dahil sa [pagkakaroon ng] isip, pagpapatirapa sa mga Anghel sa ama nila, at iba pa. Pinagsilbi Namin para sa kanila ang nagdadala sa kanila sa katihan na mga hayop at mga sasakyan at ang nagdadala sa kanila sa karagatan na mga daong. Tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-aya sa mga pagkain, mga inumin, mga mapangangasawa, at iba pa. Nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa mga nilikha Namin ayon sa pagtatanging dakila. Kaya kailangan sa kanila na magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanila.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• الإنسان كفور للنعم إلا من هدى الله.
Ang tao ay palatangging magpasalamat sa mga biyaya maliban sa sinumang pinatnubayan ni Allāh.

• كل أمة تُدْعَى إلى دينها وكتابها، هل عملت به أو لا؟ والله لا يعذب أحدًا إلا بعد قيام الحجة عليه ومخالفته لها.
Ang bawat kalipunan ay aanyayahan sa relihiyon nito at talaan nito kung gumawa ba iyon ayon dito o hindi. Si Allāh ay hindi nagpaparusa sa isa man malibang matapos ng paglalahad ng katwiran doon at paglabag niyon dito.

• عداوة المجرمين والمكذبين للرسل وورثتهم ظاهرة بسبب الحق الذي يحملونه، وليس لذواتهم.
Ang pagkamuhi ng mga salaring tagapagpasinungaling sa mga sugo at mga tagapagmana ng mga ito ay nakalitaw dahilan sa katotohanang dinadala ng mga ito at hindi dahil sa pagkatao ng mga ito.

• الله تعالى عصم النبي من أسباب الشر ومن البشر، فثبته وهداه الصراط المستقيم، ولورثته مثل ذلك على حسب اتباعهم له.
Si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay nagsanggalang sa Propeta laban sa mga kadahilanan ng kasamaan at laban sa mga tao sapagkat nagpatatag Siya rito at nagpatnubay Siya rito sa landasing tuwid. Ukol sa mga tagapagmana nito ang tulad niyon alinsunod sa pagsunod nila roon.

 
ترجمة معاني آية: (70) سورة: الإسراء
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق