للإطلاع على الموقع بحلته الجديدة

ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: مريم   آية:
يَٰيَحۡيَىٰ خُذِ ٱلۡكِتَٰبَ بِقُوَّةٖۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحُكۡمَ صَبِيّٗا
Kapa ipinanganak sa kanya si Juan. Saka noong umabot siya sa isang edad na makakausap siya ay nagsabi Kami sa kanya: "O Juan, kunin mo ang Torah nang may kasugiran at pagsisikap." Nagbigay Kami sa kanya ng pag-intindi, kasugiran, at pagtitika habang siya ay nasa edad ng pagkapaslit.
التفاسير العربية:
وَحَنَانٗا مِّن لَّدُنَّا وَزَكَوٰةٗۖ وَكَانَ تَقِيّٗا
Naawa Kami sa kanya sa isang pagkaawang mula sa ganang Amin. Nagdalisay Kami sa kanya mula sa mga pagkakasala. Siya noon ay isang mapangilag sa pagkakasala, na sumusunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya.
التفاسير العربية:
وَبَرَّۢا بِوَٰلِدَيۡهِ وَلَمۡ يَكُن جَبَّارًا عَصِيّٗا
Siya noon ay isang nagpapakabuti sa mga magulang niya, mabait sa kanilang dalawa, isang tagagawa ng maganda sa kanilang dalawa, hindi naging isang nagpapakamalaki laban sa pagtalima sa Panginoon niya ni sa pagtalima sa mga magulang, at hindi isang tagasuway sa Panginoon niya o sa mga magulang niya.
التفاسير العربية:
وَسَلَٰمٌ عَلَيۡهِ يَوۡمَ وُلِدَ وَيَوۡمَ يَمُوتُ وَيَوۡمَ يُبۡعَثُ حَيّٗا
Kapayapaan ay sumakanya mula kay Allāh at katiwasayan ay ukol sa kanya mula kay Allāh sa araw na ipinanganak siya, sa araw na mamamatay siya at lalabas sa buhay na ito, at sa araw na bubuhayin siyang isang buhay sa Araw ng Pagbangon. Ang tatlong yugtong ito ay ang pinakamapanglaw na pinagdadaanan ng tao. Kaya kapag natiwasay siya sa mga ito ay walang pangamba sa kanya sa anumang iba pa sa mga ito.
التفاسير العربية:
وَٱذۡكُرۡ فِي ٱلۡكِتَٰبِ مَرۡيَمَ إِذِ ٱنتَبَذَتۡ مِنۡ أَهۡلِهَا مَكَانٗا شَرۡقِيّٗا
Bumanggit ka, O Sugo, sa Qur'ān na pinababa sa iyo ang ulat kay Maria – sumakanya ang pangangalaga – noong lumayu-layo siya buhat sa mag-anak niya at bumukod siya sa isang pook sa dakong silangan mula sa kanila.
التفاسير العربية:
فَٱتَّخَذَتۡ مِن دُونِهِمۡ حِجَابٗا فَأَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهَا رُوحَنَا فَتَمَثَّلَ لَهَا بَشَرٗا سَوِيّٗا
Saka gumawa siya para sa sarili niya, mula sa pagbukod sa kanila, ng isang panakip na tatakip sa kanya upang hindi sila makakita sa kanya sa sandali ng pagsamba niya sa Panginoon niya, saka isinugo Namin sa kanya si Anghel Gabriel – sumakanya ang pangangalaga, saka nag-anyo ito sa kanya sa anyo ng isang taong lubos ang pagkalikha kaya nangamba siya na ito ay magnais sa kanya ng isang kasagwaan.
التفاسير العربية:
قَالَتۡ إِنِّيٓ أَعُوذُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ مِنكَ إِن كُنتَ تَقِيّٗا
Kaya noong nakita niya ito sa anyo ng isang taong lubos ang pagkalikha habang dumadako sa kanya ay nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakalinga sa Napakamaawain laban sa iyo na may umabot sa akin mula sa iyo na isang kasagwaan, O heto. Kung ikaw ay isang mapangilag sa pagkakasala, mangangamba ka kay Allah."
التفاسير العربية:
قَالَ إِنَّمَآ أَنَا۠ رَسُولُ رَبِّكِ لِأَهَبَ لَكِ غُلَٰمٗا زَكِيّٗا
Nagsabi si Anghel Gabriel – sumakanya ang pangangalaga: "Ako ay hindi isang tao. Ako ay isang sugo lamang mula sa Panginoon mo, na nagsugo sa akin sa iyo upang maghandog ako sa iyo ng isang kaaya-ayang lalaking anak na dalisay."
التفاسير العربية:
قَالَتۡ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَٰمٞ وَلَمۡ يَمۡسَسۡنِي بَشَرٞ وَلَمۡ أَكُ بَغِيّٗا
Nagsabi si Maria habang nagtataka: "Papaanong magkakaroon ako ng isang anak na lalaki samantalang walang nakalapit sa akin na isang asawa ni iba pa rito at hindi ako isang nangangalunya upang magkaroon ako ng isang anak?"
التفاسير العربية:
قَالَ كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ هُوَ عَلَيَّ هَيِّنٞۖ وَلِنَجۡعَلَهُۥٓ ءَايَةٗ لِّلنَّاسِ وَرَحۡمَةٗ مِّنَّاۚ وَكَانَ أَمۡرٗا مَّقۡضِيّٗا
Nagsabi sa kanya si Anghel Gabriel: "Ang usapin ay gaya ng nabanggit mo na ikaw ay hindi nasaling ng isang asawa ni ng iba pa rito at hindi naging isang mangangalunya, subalit ang Panginoon mo – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsabi: 'Ang paglikha sa isang batang lalaki nang walang ama ay magaan sa Akin,' at upang ang anak na ipagkakaloob sa iyo ay maging isang palatandaan para sa mga tao sa kakayahan ni Allāh at maging isang awa mula sa Kanya para sa iyo at para sa sinumang sumampalataya sa Kanya. Ang paglikha sa anak mong ito ay isang pagtatadhana mula kay Allāh na naitakda, na nakasulat sa Tablerong Pinag-iingatan."
التفاسير العربية:
۞ فَحَمَلَتۡهُ فَٱنتَبَذَتۡ بِهِۦ مَكَانٗا قَصِيّٗا
Kaya nagdalang-tao siya nito matapos ng pag-ihip ng anghel saka lumayu-layo siya kasama nito patungo sa isang pook na malayo sa mga tao.
التفاسير العربية:
فَأَجَآءَهَا ٱلۡمَخَاضُ إِلَىٰ جِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ قَالَتۡ يَٰلَيۡتَنِي مِتُّ قَبۡلَ هَٰذَا وَكُنتُ نَسۡيٗا مَّنسِيّٗا
Saka nagpasakit sa kanya ang sakit ng panganganak at nagpapunta ito sa kanya tungo sa katawan ng punong datiles. Nagsabi si Maria – sumakanya ang pangangalaga: "O sana ako ay namatay bago ng araw na ito at naging isang bagay na hindi nababanggit upang hindi magpalagay sa akin ng kasagwaan."
التفاسير العربية:
فَنَادَىٰهَا مِن تَحۡتِهَآ أَلَّا تَحۡزَنِي قَدۡ جَعَلَ رَبُّكِ تَحۡتَكِ سَرِيّٗا
Saka nanawagan sa kanya si Jesus mula sa ilalim ng mga paa niya: "Huwag kang malungkot; naglagay nga ang Panginoon mo sa ilalim mo ng isang sapa ng tubig na makaiinom ka mula rito.
التفاسير العربية:
وَهُزِّيٓ إِلَيۡكِ بِجِذۡعِ ٱلنَّخۡلَةِ تُسَٰقِطۡ عَلَيۡكِ رُطَبٗا جَنِيّٗا
Humawak ka sa katawan ng punong datiles at yugyugin mo ito, may maglalaglagan sa iyo na mga hinog na datiles na sariwa na napitas sa oras ng mga ito.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• الصبر على القيام بالتكاليف الشرعية مطلوب.
Ang pagtitiis sa pagsasagawa ng mga tungkuling pambatas ng Islām ay hinihiling.

• علو منزلة بر الوالدين ومكانتها عند الله، فالله قرنه بشكره.
Ang kataasan ng antas ng pagpapakabuti sa mga magulang at ang kalagayan nito sa ganang kay Allāh sapagkat si Allāh ay nag-ugnay nito sa pasasalamat sa Kanya.

• مع كمال قدرة الله في آياته الباهرة التي أظهرها لمريم، إلا أنه جعلها تعمل بالأسباب ليصلها ثمرة النخلة.
Sa kabila ng kalubusan ng kapangyarihan ni Allāh sa mga tanda Niyang maningning na pinalitaw Niya kay Maria, gayon pa man, Siya ay nagsanhi rito na gumawa ito ng mga kaparaanan upang umabot dito ang bunga ng punong datiles.

 
ترجمة معاني سورة: مريم
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

صادرة عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق