ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني آية: (100) سورة: البقرة
أَوَكُلَّمَا عَٰهَدُواْ عَهۡدٗا نَّبَذَهُۥ فَرِيقٞ مِّنۡهُمۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Bahagi ng kasagwaan ng kalagayan ng mga Hudyo ay na sila, sa tuwing tumatanggap sila para sa mga sarili nila ng isang kasunduan – na bahagi ng kabuuan nito ay ang pananampalataya sa ipinahiwatig ng Torah na pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may kumakalas na isang pangkat kabilang sa kanila. Bagkus ang higit na marami sa mga Hudyong ito ay hindi totoong sumasampalataya sa pinababa ni Allāh – pagkataas-taas Siya – dahil ang pananampalataya ay gumaganyak sa pagtupad sa kasunduan.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• المؤمن الحق يرجو ما عند الله من النعيم المقيم، ولهذا يفرح بلقاء الله ولا يخشى الموت.
Ang mananampalatayang totoo ay umaasa sa anumang nasa piling ni Allāh na kaginhawahang mananatili. Dahil dito, natutuwa siya sa pakikipagtagpo kay Allāh at hindi natatakot sa kamatayan.

• حِرص اليهود على الحياة الدنيا حتى لو كانت حياة حقيرة مهينة غير كريمة.
Ang sigasig ng mga Hudyo sa buhay na pangmundo kahit pa man ito ay isang buhay na kaaba-aba, hinahamak, hindi marangal.

• أنّ من عادى أولياء الله المقربين منه فقد عادى الله تعالى.
Na ang sinumang nangaway sa mga katangkilik ni Allāh, na mga inilapit sa Kanya, ay nangaway nga kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• إعراض اليهود عن نبوة محمد صلى الله عليه وسلم بعدما عرفوا تصديقه لما في أيديهم من التوراة.
Ang pag-ayaw ng mga Hudyo sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay matapos na nakaalam sila sa pagpapatotoo sa kanya ng nasa mga kamay nila na Torah.

• أنَّ من لم ينتفع بعلمه صح أن يوصف بالجهل؛ لأنه شابه الجاهل في جهله.
Na ang sinumang hindi nakinabang sa kaalaman niya ay tumpak na ilarawan sa pamamagitan ng kamangmangan dahil siya ay nakiwangis sa mangmang sa kamangmangan nito.

 
ترجمة معاني آية: (100) سورة: البقرة
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق