للإطلاع على الموقع بحلته الجديدة

ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الشعراء   آية:
وَٱجۡعَل لِّي لِسَانَ صِدۡقٖ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ
Gumawa Ka para sa akin ng isang marikit na pagbanggit at isang magandang pagbubunyi sa darating kabilang sa mga salinlahi matapos ko.
التفاسير العربية:
وَٱجۡعَلۡنِي مِن وَرَثَةِ جَنَّةِ ٱلنَّعِيمِ
Gumawa Ka sa akin na kabilang sa magmamana ng mga tahanan sa Hardin na magiginhawahan doon ang mga lingkod Mong mga mananampalataya, at magpatahan Ka sa akin doon.
التفاسير العربية:
وَٱغۡفِرۡ لِأَبِيٓ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلضَّآلِّينَ
Magpatawad Ka sa ama ko; tunay na siya noon ay kabilang sa mga ligaw sa katotohanan dahilan sa shirk. Dumalangin si Abraham para sa ama niya bago luminaw sa kanya na ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno ngunit noong luminaw sa kanya iyon ay nagpawalang-kaugnayan siya rito at hindi na siya dumalangin para rito.
التفاسير العربية:
وَلَا تُخۡزِنِي يَوۡمَ يُبۡعَثُونَ
Huwag Kang manghiya sa akin sa pamamagitan ng pagdurusa sa araw na bubuhayin ang mga tao para sa pagtutuos:
التفاسير العربية:
يَوۡمَ لَا يَنفَعُ مَالٞ وَلَا بَنُونَ
sa Araw na walang makapagpapakinabang doon na yaman na natipon na ng tao sa Mundo ni mga anak na dating nag-aadya siya sa kanila,
التفاسير العربية:
إِلَّا مَنۡ أَتَى ٱللَّهَ بِقَلۡبٖ سَلِيمٖ
maliban sa sinumang dumating kay Allāh nang may pusong ligtas: walang shirk dito, walang pagpapaimbabaw, walang pagpapakitang-tao, walang kapalaluan sapagkat tunay na siya ay makikinabang sa salapi niyang ginugol niya sa landas ni Allāh at sa mga anak niyang dadalangin para sa kanya.
التفاسير العربية:
وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ
Palalapitin ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
التفاسير العربية:
وَبُرِّزَتِ ٱلۡجَحِيمُ لِلۡغَاوِينَ
Ilalantad ang Apoy sa Kalapan para sa mga ligaw na naligaw palayo sa Relihiyon ng Katotohanan.
التفاسير العربية:
وَقِيلَ لَهُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡبُدُونَ
Sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila: "Nasaan na ang dati ninyong sinasamba na mga anito?
التفاسير العربية:
مِن دُونِ ٱللَّهِ هَلۡ يَنصُرُونَكُمۡ أَوۡ يَنتَصِرُونَ
Sumasamba kayo sa bukod pa kay Allāh? Mag-aadya kaya sila sa inyo sa pamamagitan ng paghahadlang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh o maiaadya sila mismo para sa mga sarili nila?
التفاسير العربية:
فَكُبۡكِبُواْ فِيهَا هُمۡ وَٱلۡغَاوُۥنَ
Kaya itatapon ang iba sa kanila sa Impiyerno sa ibabaw ng iba pa: sila at ang mga nagpaligaw sa kanila,
التفاسير العربية:
وَجُنُودُ إِبۡلِيسَ أَجۡمَعُونَ
at ang mga katulong ni Satanas, kabilang sa mga demonyo sa kabuuan nila, walang itatangi mula sa kanila ni isa man.
التفاسير العربية:
قَالُواْ وَهُمۡ فِيهَا يَخۡتَصِمُونَ
Magsasabi ang mga tagapagtambal na dating sumasamba sa iba pa kay Allāh at gumagawa sa mga iyon bilang mga katambal sa Kanya habang sila ay nakikipag-alitan sa mga dating sinasamba nila bukod pa sa Kanya:
التفاسير العربية:
تَٱللَّهِ إِن كُنَّا لَفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ
"Sumpa man kay Allāh, talaga ngang kami dati ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa katotohanan,
التفاسير العربية:
إِذۡ نُسَوِّيكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
noong gumawa kami sa inyo tulad ng Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sapagkat sumasamba kami sa inyo kung paanong sumasamba kami sa Kanya.
التفاسير العربية:
وَمَآ أَضَلَّنَآ إِلَّا ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Walang nagligaw sa amin palayo sa daan ng katotohanan kundi ang mga salarin na nag-anyaya sa amin sa pagsamba sa kanila bukod pa kay Allāh.
التفاسير العربية:
فَمَا لَنَا مِن شَٰفِعِينَ
Kaya wala kaming mga tagapamagitang mamamagitan para sa amin sa ganang kay Allāh upang magligtas sa amin mula sa pagdurusang dulot Niya,
التفاسير العربية:
وَلَا صَدِيقٍ حَمِيمٖ
Wala kaming kaibigang dalisay sa pagmamahal na magtatanggol sa amin at mamamagitan para sa amin.
التفاسير العربية:
فَلَوۡ أَنَّ لَنَا كَرَّةٗ فَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kaya kung sakaling mayroon kaming pagbabalik sa buhay na pangmundo, kami ay magiging kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh.
التفاسير العربية:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa nabanggit na iyon mula sa kasaysayan ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at kahahantungan ng mga tagapagpasinungaling ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga tagapagsaalang-alang. Ang karamihan sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Siya ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila.
التفاسير العربية:
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ نُوحٍ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe sa mga isinugo nang nagpasinungaling sila kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan –
التفاسير العربية:
إِذۡ قَالَ لَهُمۡ أَخُوهُمۡ نُوحٌ أَلَا تَتَّقُونَ
noong nagsabi sa kanila ang kapatid nila sa kaangkanan na si Noe: "Hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh, sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya, dala ng pangamba sa Kanya?
التفاسير العربية:
إِنِّي لَكُمۡ رَسُولٌ أَمِينٞ
Tunay na ako para sa inyo ay isang sugong isinugo ni Allāh sa inyo, na mapagkatitiwalaan: hindi ako nagdaragdag sa anumang ikinasi ni Allāh sa akin at hindi ako nagbabawas.
التفاسير العربية:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa anumang ipinag-uutos ko sa inyo at anumang sinasaway ko sa inyo.
التفاسير العربية:
وَمَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍۖ إِنۡ أَجۡرِيَ إِلَّا عَلَىٰ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Hindi ako humihiling sa inyo ng isang gantimpala dahil sa nagpapaabot ako sa inyo mula sa Panginoon ko; walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha, hindi nasa iba pa sa Kanya.
التفاسير العربية:
فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa anumang ipinag-uutos ko sa inyo at anumang sinasaway ko sa inyo.
التفاسير العربية:
۞ قَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لَكَ وَٱتَّبَعَكَ ٱلۡأَرۡذَلُونَ
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Maniniwala ba kami sa iyo, O Noe, susunod ba kami sa dinala mo, at gagawa ba kami [ayon doon] samantalang ang lagay ay na ang mga tagasunod mo ay ang mga mababa na mga tao lamang sapagkat hindi natatagpuan sa kanila ang mga ginoo at ang mga maharlika?"
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• أهمية سلامة القلب من الأمراض كالحسد والرياء والعُجب.
Ang kahalagahan ng pagkaligtas ng mga puso mula sa mga sakit gaya ng inggit, pagpapakitang-tao, at kapalaluan.

• تعليق المسؤولية عن الضلال على المضلين لا تنفع الضالين.
Ang pagkakapit ng pananagutan sa pagkaligaw sa mga tagapagpaligaw ay hindi magpapakinabang sa mga ligaw.

• التكذيب برسول الله تكذيب بجميع الرسل.
Ang pagpapasinungaling sa Sugo ni Allāh at pagpapasinungaling sa lahat ng mga sugo.

• حُسن التخلص في قصة إبراهيم من الاستطراد في ذكر القيامة ثم الرجوع إلى خاتمة القصة.
Ang kagandahan ng pagwawaksi sa kasaysayan ni Abraham mula sa pagsasanga-sanga ng pagtatalakay sa pagbanggit sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos ang pagbalik sa wakas ng kasaysayan.

 
ترجمة معاني سورة: الشعراء
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

صادرة عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق