ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني آية: (128) سورة: آل عمران
لَيۡسَ لَكَ مِنَ ٱلۡأَمۡرِ شَيۡءٌ أَوۡ يَتُوبَ عَلَيۡهِمۡ أَوۡ يُعَذِّبَهُمۡ فَإِنَّهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Noong dumalangin ang Sugo laban sa mga pinuno ng mga tagapagtambal ng kapahamakan matapos ng naganap sa kanila sa Uḥud ay nagsabi si Allāh sa kanya: "Walang ukol sa iyo mula sa pagpapasya nila na anuman." Bagkus ang usapin ay ukol kay Allāh, kaya magtiis ka hanggang sa humatol si Allāh sa pagitan ninyo o magtuon Siya sa kanila sa pagbabalik-loob para yumakap sila sa Islām, o magpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila kaya pagdurusahin Niya sila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan, na mga karapat-dapat sa pagdurusa.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• مشروعية التذكير بالنعم والنقم التي تنزل بالناس حتى يعتبر بها المرء.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapaalaala sa mga pagpapala at mga pagkainis [ni Allāh] na bumababa sa mga tao upang magsaalang-alang sa mga ito ang tao.

• من أعظم أسباب تَنَزُّل نصر الله على عباده ورحمته ولطفه بهم: التزامُ التقوى، والصبر على شدائد القتال.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga kadahilanan ng pagbabaan ng pag-aadya ni Allāh sa mga lingkod Niya, awa Niya, at kabaitan Niya sa kanila ay ang pananatili sa pangingilag sa pagkakasala at ang pagtitiis sa mga pasakit ng pakikipaglaban.

• الأمر كله لله تعالى، فيحكم بما يشاء، ويقضي بما أراد، والمؤمن الحق يُسَلم لله تعالى أمره، وينقاد لحكمه.
Ang pasya sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh – pagkataas-taas Siya – kaya humahatol Siya ng ayon sa niloloob Niya at humuhusga Siya ng ayon sa ninanais Niya. Ang mananampalatayang totoo ay nagpapasakop kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pasya Niya at nagpapaakay sa patakaran Niya.

• الذنوب - ومنها الربا - من أعظم أسباب خِذلان العبد، ولا سيما في مواطن الشدائد والصعاب.
Ang mga pagkakasala – kabilang sa mga ito ang patubo – ay kabilang sa pinakamabigat na pagtatatwa sa tao lalo na sa mga kalagayan ng mga pasakit at mga pahirap.

• مجيء النهي عن الربا بين آيات غزوة أُحد يشعر بشمول الإسلام في شرائعه وترابطها بحيث يشير إلى بعضها في وسط الحديث عن بعض.
Ang pagdating ng pagsaway laban sa patubo sa mga talata kaugnay sa pagsalakay sa Uḥud ay nagpaparamdam ng pagkamasaklaw ng Islām sa mga batas nito at pagkakaugnayan ng mga ito yayamang tumutukoy ito sa isang bahagi ng mga ito sa gitna ng pagtatalakay tungkol sa iba pang bahagi.

 
ترجمة معاني آية: (128) سورة: آل عمران
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق