ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني آية: (190) سورة: آل عمران
إِنَّ فِي خَلۡقِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
Tunay na sa pagpapairal sa mga langit at lupa mula sa kawalan, nang walang naunang pagkatulad at sa pagsusunuran ng gabi at maghapon at pagkakaibahan ng dalawang ito sa haba at ikli ay talagang may mga maliwanag na patunay para sa mga nagtataglay ng mga matinong pag-iisip, na nagpapahiwatig sa kanila sa Tagapaglikha ng Sansinukob, na karapat-dapat sa pagsamba – tanging Siya.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• من صفات علماء السوء من أهل الكتاب: كتم العلم، واتباع الهوى، والفرح بمدح الناس مع سوء سرائرهم وأفعالهم.
Kabilang sa mga katangian ng mga maalam ng kasagwaan kabilang sa mga May Kasulatan ay ang pagtatago ng kaalaman, ang pagsunod sa pithaya, at ang pagkatuwa sa papuri ng mga tao sa kabila ng kasagwaan ng mga lihim nila at mga gawain nila.

• التفكر في خلق الله تعالى في السماوات والأرض وتعاقب الأزمان يورث اليقين بعظمة الله وكمال الخضوع له عز وجل.
Ang pag-iisip-isip kaugnay sa paglikha ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga langit at lupa at pagsusunuran ng mga panahon ay nagsasanhi ng katiyakan sa kadakilaan ni Allāh at kalubusan ng pagpapakumbaba sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• دعاء الله وخضوع القلب له تعالى من أكمل مظاهر العبودية.
Ang pagdalangin kay Allāh at ang pagpapakumbaba ng puso sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay bahagi ng pinakalubos na mga aspeto ng pagkamananamba.

 
ترجمة معاني آية: (190) سورة: آل عمران
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق