ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني آية: (191) سورة: آل عمران
ٱلَّذِينَ يَذۡكُرُونَ ٱللَّهَ قِيَٰمٗا وَقُعُودٗا وَعَلَىٰ جُنُوبِهِمۡ وَيَتَفَكَّرُونَ فِي خَلۡقِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبَّنَا مَا خَلَقۡتَ هَٰذَا بَٰطِلٗا سُبۡحَٰنَكَ فَقِنَا عَذَابَ ٱلنَّارِ
Sila ang mga umaalaala kay Allāh sa lahat ng mga kalagayan nila: sa kalagayan ng pagkakatayo nila, sa kalagayan ng pagkakaupo nila, at sa kalagayan ng pagkakahiga nila. Nagpapagana sila ng mga isip nila kaugnay sa pagkalikha sa mga langit at lupa habang mga nagsasabi: "O Panginoon namin, hindi Ka lumikha sa dakilang nilikhang ito sa paglalaru-laro – nagpawalang-kaugnayan Ka sa paglalaru-laro – kaya magpalayo Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy sa pamamagitan ng pagtutuon sa amin sa mga maayos na gawa at mangalaga Ka sa amin laban sa mga masasagwang gawa."
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• من صفات علماء السوء من أهل الكتاب: كتم العلم، واتباع الهوى، والفرح بمدح الناس مع سوء سرائرهم وأفعالهم.
Kabilang sa mga katangian ng mga maalam ng kasagwaan kabilang sa mga May Kasulatan ay ang pagtatago ng kaalaman, ang pagsunod sa pithaya, at ang pagkatuwa sa papuri ng mga tao sa kabila ng kasagwaan ng mga lihim nila at mga gawain nila.

• التفكر في خلق الله تعالى في السماوات والأرض وتعاقب الأزمان يورث اليقين بعظمة الله وكمال الخضوع له عز وجل.
Ang pag-iisip-isip kaugnay sa paglikha ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga langit at lupa at pagsusunuran ng mga panahon ay nagsasanhi ng katiyakan sa kadakilaan ni Allāh at kalubusan ng pagpapakumbaba sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• دعاء الله وخضوع القلب له تعالى من أكمل مظاهر العبودية.
Ang pagdalangin kay Allāh at ang pagpapakumbaba ng puso sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay bahagi ng pinakalubos na mga aspeto ng pagkamananamba.

 
ترجمة معاني آية: (191) سورة: آل عمران
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق