ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الروم
آية:
 

سورة الروم - Ar-Rūm

من مقاصد السورة:
تأكيد تفرّد الله سبحانه بتصريف الأمور، وبيان سنن الله في خلقه.
Ang paglilinaw sa reyalidad na pangsansinukob na ang pangangasiwa sa mga bagay-bagay, mga kalagayan, at mga pangyayari ay sa kay Allāh lamang gaya ng sinabi Niya – pagkataas-taas Siya: "Sa kay Allāh ang pag-uutos bago pa niyan at nang matapos niyan."

الٓمٓ
Alif. Lām. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
التفاسير العربية:
غُلِبَتِ ٱلرُّومُ
Nanaig ang Persiya sa Bizancio
التفاسير العربية:
فِيٓ أَدۡنَى ٱلۡأَرۡضِ وَهُم مِّنۢ بَعۡدِ غَلَبِهِمۡ سَيَغۡلِبُونَ
sa pinakamalapit na lupain ng Sirya sa Bayan ng Persiya. Ang Bizancio, noong matapos ng pagkadaig ng Persiya sa kanila, ay mananaig sa mga iyon
التفاسير العربية:
فِي بِضۡعِ سِنِينَۗ لِلَّهِ ٱلۡأَمۡرُ مِن قَبۡلُ وَمِنۢ بَعۡدُۚ وَيَوۡمَئِذٖ يَفۡرَحُ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ
sa panahong hindi kukulang sa tatlong taon at hindi lalabis sa sampu. Sa kay Allāh ang utos sa kabuuan nito bago ng pagwawagi ng Bizancio at matapos nito. Sa araw na mananaig ang Bizancio sa Persiya ay matutuwa ang mga mananampalataya
التفاسير العربية:
بِنَصۡرِ ٱللَّهِۚ يَنصُرُ مَن يَشَآءُۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Matutuwa sila dahil sa pag-adya ni Allāh sa Bizancio dahil ang mga iyon ay mga may kasulatan. Nag-aadya si Allāh sa sinumang niloloob Niya laban sa sinumang niloloob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi napananaigan, ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• لجوء المشركين إلى الله في الشدة ونسيانهم لأصنامهم، وإشراكهم به في الرخاء؛ دليل على تخبطهم.
Ang pagdulog kay Allāh ng mga tagapagtambal sa kagipitan at ang pagkalimot nila sa mga diyus-diyusan nila at ang pagtatambal nila sa Kanya sa kaluwagan ay isang patunay sa pag-aapuhap nila.

• الجهاد في سبيل الله سبب للتوفيق إلى الحق.
Ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay isang kadahilanan ng pagkakatuon sa katotohanan.

• إخبار القرآن بالغيبيات دليل على أنه من عند الله.
Ang pagpapabatid ng Qur'ān ng mga nakalingid ay isang patunay na ito mula sa ganang kay Allāh.


وَعۡدَ ٱللَّهِۖ لَا يُخۡلِفُ ٱللَّهُ وَعۡدَهُۥ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Ang pag-aadyang ito noon ay isang pangako mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Sa pamamagitan ng pagkakatupad nito, nadaragdagan ang mga mananampalataya ng katiyakan sa pangako ni Allāh ng pag-aadya. Tungkol naman sa higit na marami sa mga tao, sila ay hindi nakauunawa nito dahil sa kawalang-pananampalataya nila.
التفاسير العربية:
يَعۡلَمُونَ ظَٰهِرٗا مِّنَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُمۡ عَنِ ٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ غَٰفِلُونَ
Hindi sila nakaalam ng pananampalataya at mga patakaran ng Batas ng Islām. Nakaaalam lamang sila ng isang nakalantad mula sa buhay na pangmundo na nauugnay sa pagkita ng ikabubuhay at pagpapatayo ng kabihasnang materyal samantalang sila, sa Kabilang-buhay na siyang tahanan ng tunay na buhay, ay mga umaayaw, na hindi sila pumapansin doon.
التفاسير العربية:
أَوَلَمۡ يَتَفَكَّرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۗ مَّا خَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَأَجَلٖ مُّسَمّٗىۗ وَإِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلنَّاسِ بِلِقَآيِٕ رَبِّهِمۡ لَكَٰفِرُونَ
Hindi ba nag-isip-isip itong mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling hinggil sa mga sarili nila kung papaanong lumikha sa mga ito si Allāh at humubog sa mga ito? Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at hindi Siya lumikha ng lupa malibang ayon sa katotohanan sapagkat hindi Siya lumikha sa mga ito nang walang kabuluhan. Nagtalaga Siya para sa mga ito ng isang taning na itinakda para sa pananatili ng mga ito sa Mundo. Tunay na marami sa mga tao, sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, ay talagang mga tagatangging sumampalataya. Dahil doon, sila ay hindi naghahanda para sa pagkabuhay [na muli] ng gawang maayos na kinalulugdan sa ganang Panginoon nila.
التفاسير العربية:
أَوَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَانُوٓاْ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗ وَأَثَارُواْ ٱلۡأَرۡضَ وَعَمَرُوهَآ أَكۡثَرَ مِمَّا عَمَرُوهَا وَجَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِۖ فَمَا كَانَ ٱللَّهُ لِيَظۡلِمَهُمۡ وَلَٰكِن كَانُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ يَظۡلِمُونَ
Hindi ba humayo ang mga ito sa lupain upang magnilay-nilay kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpapasinungaling noong bago pa nila? Dati ang mga kalipunang iyan ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas. Binago ng mga iyon ang lupa para sa pagsasaka at paglinang. Nilinang ito ng mga iyon nang higit kaysa sa paglinang nila nito. Naghatid sa mga iyon ang mga sugo ng mga iyon ng mga patotoo at mga katwirang maliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ngunit nagpasinungaling ang mga iyon kaya hindi lumabag si Allāh sa katarungan sa mga iyon nang nagpahamak Siya sa mga iyon subalit ang mga iyon dati sa mga sarili ng mga iyon ay lumalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon.
التفاسير العربية:
ثُمَّ كَانَ عَٰقِبَةَ ٱلَّذِينَ أَسَـٰٓـُٔواْ ٱلسُّوٓأَىٰٓ أَن كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَكَانُواْ بِهَا يَسۡتَهۡزِءُونَ
Pagkatapos naging wakas ng mga sumagwa ang mga gawain nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga masagwa ang wakas na malubha sa kasagwaan dahil sila ay nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at nangungutya dati sa mga ito at nanunuya sa mga ito.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ ثُمَّ إِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Si Allāh ay nagsisimula ng paglikha ayon sa walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos maglilipol Siya nito, pagkatapos magpapanumbalik Siya nito, pagkatapos tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo para sa pagtutuos at pagganti sa Araw ng Pagbangon.
التفاسير العربية:
وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يُبۡلِسُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, mawawalan ng pag-asa ang mga salarin sa awa ni Allāh at mapuputol ang pag-asa nila roon dahil sa pagkaputol ng katwiran nila sa kawalang-pananampalataya kay Allāh.
التفاسير العربية:
وَلَمۡ يَكُن لَّهُم مِّن شُرَكَآئِهِمۡ شُفَعَـٰٓؤُاْ وَكَانُواْ بِشُرَكَآئِهِمۡ كَٰفِرِينَ
Hindi magkakaroon sa kanila mula sa mga pantambal nila, na dati nilang sinasamba sa Mundo, ng mga mamamagitan para sa pagsagip sa kanila mula sa pagdurusa. Sila sa mga katambal nila ay magiging mga tagatangging sumampalataya sapagkat magtatatwa sa kanila ang mga ito kapag sila ay magiging nasa pangangailangan sa mga ito dahil sila sa kabuuan nila ay magkapantay sa kapahamakan.
التفاسير العربية:
وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يَوۡمَئِذٖ يَتَفَرَّقُونَ
Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, sa Araw na iyon ay magkakahati-hati ang mga tao sa ganti alinsunod sa mga gawa nila sa Mundo sa pagitan ng iaangat sa `Illīyūn at ibaba sa pinakamababa sa mga mababa.
التفاسير العربية:
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ فَهُمۡ فِي رَوۡضَةٖ يُحۡبَرُونَ
Kaya tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos na kinalulugdan sa ganang Kanya, sila ay sa Paraiso patutuwain dahil sa matatamo nila roon na ginhawang palagiang hindi na mapuputol magpakailanman.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• العلم بما يصلح الدنيا مع الغفلة عما يصلح الآخرة لا ينفع.
Ang kaalaman sa nakabubuti sa Mundo kasabay ng pagkalingat sa nakabubuti sa Kabilang-buhay ay hindi nakapagpapakinabang.

• آيات الله في الأنفس وفي الآفاق كافية للدلالة على توحيده.
Ang mga tanda ni Allāh sa mga kaluluwa at sa mga abot-tanaw ay talagang ay nakasasapat para sa katunayan sa paniniwala sa kaisahan Niya.

• الظلم سبب هلاك الأمم السابقة.
Ang kawalang-katarungan ay isang kadahilanan ng kapahamakan ng mga kalipunang nauna.

• يوم القيامة يرفع الله المؤمنين، ويخفض الكافرين.
Sa Araw ng Pagbangon, iaangat ni Allāh ang mga mananampalataya at ibababa Niya ang mga tagatangging sumampalataya.


وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَلِقَآيِٕ ٱلۡأٓخِرَةِ فَأُوْلَـٰٓئِكَ فِي ٱلۡعَذَابِ مُحۡضَرُونَ
Tungkol naman sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh, nagpasinungaling sa mga talatang pinababa sa Sugo, at nagpasinungaling sa pagkabuhay at pagtutuos, ang mga iyon ay dadalhin sa pagdurusa saka sila ay mga didikit doon.
التفاسير العربية:
فَسُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ حِينَ تُمۡسُونَ وَحِينَ تُصۡبِحُونَ
Kaya magluwalhati kayo kay Allāh kapag pumapasok kayo sa oras ng gabi, ang oras ng mga dasal sa paglubog ng araw at gabi; at magluwalhati kayo sa Kanya kapag pumapasok kayo sa oras ng umaga, ang oras ng dasal sa madaling-araw.
التفاسير العربية:
وَلَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَعَشِيّٗا وَحِينَ تُظۡهِرُونَ
Ukol sa Kanya lamang – pagkataas-taas Siya – ang pagbubunyi. Sa mga langit ay nagpupuri sa Kanya ang mga anghel Niya at sa lupa ay nagpupuri sa Kanya ang mga nilikha Niya. Magluwalhati kayo sa Kanya kapag pumapasok kayo sa hapon, ang oras ng dasal sa hapon; at magluwalhati kayo sa Kanya kapag pumapasok kayo sa oras ng tanghali.
التفاسير العربية:
يُخۡرِجُ ٱلۡحَيَّ مِنَ ٱلۡمَيِّتِ وَيُخۡرِجُ ٱلۡمَيِّتَ مِنَ ٱلۡحَيِّ وَيُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَاۚ وَكَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ
Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay, tulad ng pagpapalabas Niya sa tao mula sa punlay at sa sisiw mula sa itlog; nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay, tulad ng pagpapalabas Niya sa punlay mula sa tao at itlog mula sa manok. Nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng katuyuan nito sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan at pagpapatubo rito. Tulad ng pagbibigay-buhay sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo rito, palalabasin kayo mula sa mga libingan ninyo para sa pagtutuos at pagganti.
التفاسير العربية:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنۡ خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ إِذَآ أَنتُم بَشَرٞ تَنتَشِرُونَ
Kabilang sa mga dakilang tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na lumikha Siya sa inyo, O mga tao, mula sa alabok nang nilikha Niya ang ama ninyo mula sa putik, pagkatapos biglang kayo ay mga taong nagdadamihan sa pamamagitan ng pag-aanak at lumalaganap sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito.
التفاسير العربية:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَنۡ خَلَقَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا لِّتَسۡكُنُوٓاْ إِلَيۡهَا وَجَعَلَ بَيۡنَكُم مَّوَدَّةٗ وَرَحۡمَةًۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya gayundin na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na lumikha Siya alang-alang sa inyo, O mga lalaki, mula sa lahi ninyo ng mga kabiyak upang mapanatag ang mga sarili ninyo sa kanila dahil sa pagkakatulad ng uri sa pagitan ninyo, at gumawa Siya sa pagitan ninyo ng pag-ibig at simpatiya. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayang maliwanag para sa mga taong nag-iisip-isip dahil sila ay ang mga makikinabang sa pagpapagana ng mga isip nila.
التفاسير العربية:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ خَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَٱخۡتِلَٰفُ أَلۡسِنَتِكُمۡ وَأَلۡوَٰنِكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡعَٰلِمِينَ
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pagkakalikha ng mga langit at ang pagkakalikha ng lupa. Kabilang sa mga ito ang pagkakaiba-iba ng mga wika ninyo at ang pagkakaiba-iba ng mga kulay ninyo. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayan para sa mga kaalaman at pagkatalos.
التفاسير العربية:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ مَنَامُكُم بِٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَٱبۡتِغَآؤُكُم مِّن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَسۡمَعُونَ
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang tulog ninyo sa gabi at ang pagtulog ninyo sa maghapon upang magpahinga mula sa hirap ng mga gawain ninyo. Kabilang sa mga tanda Niya ay na ginawa Niya para sa inyo ang maghapon upang magsikalat kayo roon habang mga naghahanap ng panustos mula sa Panginoon ninyo. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayan para sa mga taong dumidinig ayon sa pagdinig ng pagbubulay-bulay at pagdinig ng pagtanggap.
التفاسير العربية:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ يُرِيكُمُ ٱلۡبَرۡقَ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَيُنَزِّلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَيُحۡيِۦ بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay nagpapakita Siya sa inyo ng kidlat sa langit at nagsasama Siya para sa inyo rito sa pagitan ng pangamba sa mga kulog at ng paghahangad ng ulan, at nagbababa Siya para sa inyo mula sa langit ng tubig ng ulan saka nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng katuyuan nito sa pamamagitan ng pinatutubo Niya rito na halaman. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patotoo at mga katunayang maliwanag para sa mga taong nakapag-uunawa kaya nagpapatunay sila sa pamamagitan ng iyon sa pagkabuhay matapos ng kamatayan para sa pagtutuos at pagganti.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• إعمار العبد أوقاته بالصلاة والتسبيح علامة على حسن العاقبة.
Ang paglinang ng tao ng mga oras niya sa pagdarasal at pagluluwalhati ay isang palatandaan ng kagandahan ng kahihinatnan.

• الاستدلال على البعث بتجدد الحياة، حيث يخلق الله الحي من الميت والميت من الحي.
Ang pagpapatunay sa pagkabuhay na muli sa pamamagitan ng pagpapanibago ng buhay yayamang nilikha ni Allāh ang buhay mula sa patay at ang patay mula sa buhay.

• آيات الله في الأنفس والآفاق لا يستفيد منها إلا من يُعمِل وسائل إدراكه الحسية والمعنوية التي أنعم الله بها عليه.
Ang mga tanda ni Allāh sa mga kaluluwa at mga abot-tanaw ay walang nakikinabang sa mga ito kundi ang sinumang nagpapagana ng mga kaparaanan ng pagtalos niyang pisikal at esprituwal na ibiniyaya ni Allāh sa kanya.


وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَن تَقُومَ ٱلسَّمَآءُ وَٱلۡأَرۡضُ بِأَمۡرِهِۦۚ ثُمَّ إِذَا دَعَاكُمۡ دَعۡوَةٗ مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ إِذَآ أَنتُمۡ تَخۡرُجُونَ
Kabilang sa mga dakilang tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pananatili ng langit nang walang pagbagsak at ng lupa nang walang pagkaguho ayon sa utos Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang pagtawag mula sa lupa sa pamamagitan ng pag-ihip ng anghel sa tambuli, biglang kayo ay lalabas mula sa mga libingan ninyo para sa pagtutuos at pagganti.
التفاسير العربية:
وَلَهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ كُلّٞ لَّهُۥ قَٰنِتُونَ
Sa Kanya lamang ang sinumang nasa mga langit at sa Kanya ang sinumang nasa lupa sa paghahari, paglikha, at pagtatakda. Lahat ng nasa mga langit at lahat ng nasa lupa na mga nilikha Niya ay mga inaakay sa Kanya, na mga sumusuko sa utos Niya.
التفاسير العربية:
وَهُوَ ٱلَّذِي يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَهُوَ أَهۡوَنُ عَلَيۡهِۚ وَلَهُ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagsisimula ng paglikha ayon sa walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos nagpapanumbalik nito matapos ng paglipol dito. Ang pagpapanumbalik ay higit na madali kaysa sa pagpapasimula. Kapwa ito madali sa Kanya dahil Siya, kapag nagnais ng anuman, ay nagsasabi rito ng: "Mangyari" saka nangyayari naman ito. Sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – ang paglalarawang pinakamataas sa bawat ipinanlalarawan sa Kanya mula sa mga katangian ng kapitaganan at kalubusan. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi napananaigan, ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
التفاسير العربية:
ضَرَبَ لَكُم مَّثَلٗا مِّنۡ أَنفُسِكُمۡۖ هَل لَّكُم مِّن مَّا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُكُم مِّن شُرَكَآءَ فِي مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ فَأَنتُمۡ فِيهِ سَوَآءٞ تَخَافُونَهُمۡ كَخِيفَتِكُمۡ أَنفُسَكُمۡۚ كَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ
Naglahad si Allāh para sa inyo, O mga tagapagtambal, ng isang paghahalintulad na kinuha mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa mga alipin ninyo at mga minamay-ari ninyo na isang katambal na nakikitambal sa inyo sa mga ari-arian ninyo nang magkapantay, na nangangamba kayo na makihati sila sa mga ari-arian ninyo kasama sa inyo gaya ng pangangamba ng iba sa inyo sa katambal niyang malaya na makihati kasama sa kanya sa ari-arian? Malulugod kaya kayo sa ganito para sa mga sarili ninyo mula sa mga alipin ninyo? Walang duda na kayo ay hindi malulugod sa ganoon. Kaya si Allāh ay higit na marapat na hindi Siya magkaroon ng isang katambal sa paghahari Niya sa mga nilikha Niya at mga alipin Niya. Sa pamamagitan ng tulad niyon na paglalahad ng mga paghahalintulad at iba pa roon, naglilinaw Kami ng mga katwiran at mga patotoo sa pamamagitan ng pagsasari-sari sa mga ito para sa mga taong nakapag-uunawa dahil sila ay ang mga makikinabang doon.
التفاسير العربية:
بَلِ ٱتَّبَعَ ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ أَهۡوَآءَهُم بِغَيۡرِ عِلۡمٖۖ فَمَن يَهۡدِي مَنۡ أَضَلَّ ٱللَّهُۖ وَمَا لَهُم مِّن نَّـٰصِرِينَ
Ang kadahilanan ng pagkaligaw nila ay hindi kakulangan sa mga patunay ni kawalan ng paglilinaw sa mga ito; ito lamang ay ang pagsunod sa pithaya at paggaya-gaya sa mga magulang nila. Kaya sino ang magtutuon sa kapatnubayan sa sinumang iniligaw ni Allāh? Walang isang makapagtutuon sa kanya. Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya na magtutulak palayo sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh.
التفاسير العربية:
فَأَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفٗاۚ فِطۡرَتَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي فَطَرَ ٱلنَّاسَ عَلَيۡهَاۚ لَا تَبۡدِيلَ لِخَلۡقِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ ٱلدِّينُ ٱلۡقَيِّمُ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Kaya humarap ka, O Sugo, ikaw at ang sinumang kasama sa iyo sa Relihiyon na nagpaharap sa iyo si Allāh doon, habang kumikiling palayo sa lahat ng mga relihiyon patungo roon, ang Relihiyong Islām na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong tuwid na walang kabaluktutan doon, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam na ang Relihiyong totoo ay ang Relihiyong ito.
التفاسير العربية:
۞مُنِيبِينَ إِلَيۡهِ وَٱتَّقُوهُ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَلَا تَكُونُواْ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Bumalik kayo sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala ninyo, mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, lumubos kayo sa pagdarasal sa pinakaganap na paraan, at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal na sumasalungat sa kalikasan ng pagkalalang saka nagtatambal kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagsamba nila.
التفاسير العربية:
مِنَ ٱلَّذِينَ فَرَّقُواْ دِينَهُمۡ وَكَانُواْ شِيَعٗاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ
Huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal na nagpalit ng relihiyon nila, sumampalataya sa bahagi nito, at tumangging sumampalataya sa ibang bahagi nito. Sila ay naging mga pangkatin at mga lapian. Bawat lapian kabilang sa kanila, sa taglay nilang kabulaanan, ay mga nagagalak. Nagtuturing sila na sila lamang ay nasa katotohanan at na ang iba pa sa kanila ay nasa kabulaanan.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• خضوع جميع الخلق لله سبحانه قهرًا واختيارًا.
Ang pagpapasailalim ng lahat ng nilikha kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – nang sapilitan at ayon sa pagpili.

• دلالة النشأة الأولى على البعث واضحة المعالم.
Ang katunayan ng unang pagpapaluwal sa pagkabuhay na muli ay maliwanag ang mga palatandaan.

• اتباع الهوى يضل ويطغي.
Ang pagsunod sa pithaya ay nagliligaw at nagpapamalabis.

• دين الإسلام دين الفطرة السليمة.
Ang Relihiyong Islām ay Relihiyon ng maayos na kalikasan ng pagkalalang.


وَإِذَا مَسَّ ٱلنَّاسَ ضُرّٞ دَعَوۡاْ رَبَّهُم مُّنِيبِينَ إِلَيۡهِ ثُمَّ إِذَآ أَذَاقَهُم مِّنۡهُ رَحۡمَةً إِذَا فَرِيقٞ مِّنۡهُم بِرَبِّهِمۡ يُشۡرِكُونَ
Kapag may dumapo sa mga tagapagtambal na isang kasawiang gaya ng karamdaman o karalitaan o tagtuyot ay dumadalangin sila sa Panginoon nila lamang – kaluwalhatian sa Kanya – habang mga bumabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagsusumamo at pagdulog na ibaling palayo sa kanila ang dumapo sa kanila. Pagkatapos kapag naawa Siya sa kanila sa pamamagitan ng pag-aalis sa dumapo sa kanila, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na bumabalik sa pagtatambal nila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya sa pagdalangin.
التفاسير العربية:
لِيَكۡفُرُواْ بِمَآ ءَاتَيۡنَٰهُمۡۚ فَتَمَتَّعُواْ فَسَوۡفَ تَعۡلَمُونَ
Kapag nagkaila sila sa mga biyaya ni Allāh – at kabilang sa mga ito ang biyaya ng pag-aalis ng kapinsalaan – at nagtamasa sila ng nasa harapan nila sa buhay na ito ay makikita nila sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng mga mata nila na sila ay dating nasa isang pagkaligaw na maliwanag.
التفاسير العربية:
أَمۡ أَنزَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٗا فَهُوَ يَتَكَلَّمُ بِمَا كَانُواْ بِهِۦ يُشۡرِكُونَ
Ano ang nag-anyaya sa kanila sa pagtatambal kay Allāh samantalang walang katwiran para sa kanila? Hindi nagpababa sa kanila ng isang katwiran mula sa isang kasulatang maipangangatwiran nila sa pagtatambal nila kay Allāh at wala silang isang kasulatang nagsasalita hinggil sa pagtatambal nila at nagpapatibay para sa kanila ng katumpakan ng taglay nila na kawalang-pananampalataya.
التفاسير العربية:
وَإِذَآ أَذَقۡنَا ٱلنَّاسَ رَحۡمَةٗ فَرِحُواْ بِهَاۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ إِذَا هُمۡ يَقۡنَطُونَ
Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang biyaya mula sa mga biyaya Namin gaya ng kalusugan at pagyaman ay nagagalak sila rito ayon sa pagkagalak ng kawalang-pakundangan at nagpapakamalaki sila. Kapag ipinatamo sa kanila ang ikinasasama ng loob nila gaya ng karamdaman at karukhaan dahil sa nakamit ng mga kamay nila na mga pagsuway, biglang sila ay nalalagutan ng pag-asa mula sa awa ni Allāh at nalalagutan ng pag-asa sa paglaho ng ikinasasama ng loob nila.
التفاسير العربية:
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Hindi ba sila nakakita na si Allāh ay nagpapaluwang sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit para rito kung magpapasalamat ito o tatangging magpasalamat? Nagpapasikip Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila bilang pagsubok para rito kung magtitiis ito o maiinis ito? Tunay na sa pagpapaluwang sa panustos para sa iba at pagpapasikip nito para sa iba ay talagang may mga katunayan para sa mga mananampalataya sa kabaitan ni Allāh at awa Niya.
التفاسير العربية:
فَـَٔاتِ ذَا ٱلۡقُرۡبَىٰ حَقَّهُۥ وَٱلۡمِسۡكِينَ وَٱبۡنَ ٱلسَّبِيلِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرٞ لِّلَّذِينَ يُرِيدُونَ وَجۡهَ ٱللَّهِۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Kaya magbigay ka, O Muslim, sa may kaugnayang pangkaanak ng nagiging karapat-dapat sa kanya na pagpapakabuti at ugnayang pangkaanak. Magbigay ka sa nangangailangan ng tutugon sa pangangailangan niya. Magbigay ka sa estranghero na kinapos sa landas malayo sa bayan niya. Ang pagbibigay na iyon ayon sa mga uring iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais [ng kaluguran] ng mukha ni Allāh. Ang mga nagkakaloob ng tulong at mga karapatang ito ay ang mga magwawagi dahil sa pagpapatamo sa kanila ng hinihiling nila mula sa paraiso at dahil sa pagkaligtas nila laban sa anumang pinangingilabutan nila na pagdurusa.
التفاسير العربية:
وَمَآ ءَاتَيۡتُم مِّن رِّبٗا لِّيَرۡبُوَاْ فِيٓ أَمۡوَٰلِ ٱلنَّاسِ فَلَا يَرۡبُواْ عِندَ ٱللَّهِۖ وَمَآ ءَاتَيۡتُم مِّن زَكَوٰةٖ تُرِيدُونَ وَجۡهَ ٱللَّهِ فَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُضۡعِفُونَ
Ang anumang iniabot ninyo na mga salapi sa isa sa mga tao sa paghahangad na magsauli siya nito sa inyo nang may karagdagan ay hindi lalago ang pabuya nito sa ganang kay Allāh. Ang anumang ibinigay ninyo mula sa mga salapi ninyo sa sinumang matutugunan sa pamamagitan nito ang isang pangangailangan habang nagnanais naman kayo dahil doon [ng kaluguran] ng Mukha ni Allāh, samantalang hindi kayo nagnanais ng [magandang] kalagayan ni gantimpala mula sa mga tao, ang mga iyon ay mag-iibayo para sa kanila ang pabuya sa ganang kay Allāh.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ ثُمَّ رَزَقَكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يُحۡيِيكُمۡۖ هَلۡ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَفۡعَلُ مِن ذَٰلِكُم مِّن شَيۡءٖۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Si Allāh lamang sa inyo, pagkatapos sa pagbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos sa pagbibigay-buhay sa inyo para sa pagkabuhay na muli. Mayroon kaya sa mga diyus-diyusan ninyo na sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya na gumagawa ng anuman kabilang doon? Pagkasakdal-sakdal Siya – kaluwalhatian sa Kanya – at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang sinasabi at pinaniniwalaan ng mga tagapagtambal.
التفاسير العربية:
ظَهَرَ ٱلۡفَسَادُ فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ بِمَا كَسَبَتۡ أَيۡدِي ٱلنَّاسِ لِيُذِيقَهُم بَعۡضَ ٱلَّذِي عَمِلُواْ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Lumitaw ang kaguluhan sa lupa at dagat sa mga kabuhayan ng mga tao dahil sa pagkakulang nito at sa mga sarili nila dahil sa pangyayari ng mga sakit at mga epidemya dahilan sa ginawa nila na mga pagsuway. Lumitaw iyon upang magpalasap sa kanila si Allāh ng ganti sa ilan sa mga gawain nilang masagwa sa buhay na pangmundo, sa pag-asang bumalik sila sa Kanya sa pagbabalik-loob.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• فرح البطر عند النعمة، والقنوط من الرحمة عند النقمة؛ صفتان من صفات الكفار.
Ang pagkatuwa ng kawalang-pakundangan sa sandali ng biyaya at ang kawalang-pag-asa sa awa [ni Allāh] sa sandali ng kamalasan ay dalawang katangian kabilang sa mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya.

• إعطاء الحقوق لأهلها سبب للفلاح.
Ang pagbibigay ng mga karapatan para sa mga karapat-dapat sa mga ito ay isang kadahilanan para sa tagumpay.

• مَحْقُ الربا، ومضاعفة أجر الإنفاق في سبيل الله.
Ang paglipol sa patubo (interes) at ang pagpapaibayo ng pabuya sa paggugol ayon sa landas ni Allāh.

• أثر الذنوب في انتشار الأوبئة وخراب البيئة مشاهد.
Ang epekto ng mga pagkakasala sa paglaganap ng mga epidemya at pagkasira ng kapaligiran ay nasasaksihan.


قُلۡ سِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلُۚ كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّشۡرِكِينَ
Sabihin mo, O Muḥammad, sa mga tagapagtambal na ito: "Humayo kayo sa lupain saka magnilay-nilay kayo kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling bago pa ninyo? Iyon noon ay isang kinahinatnang masagwa. Ang karamihan sa kanila noon ay mga tagapagtambal kay Allāh, na sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya kaya ipinahamak sila dahilan sa pagtatambal nila kay Allāh."
التفاسير العربية:
فَأَقِمۡ وَجۡهَكَ لِلدِّينِ ٱلۡقَيِّمِ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِۖ يَوۡمَئِذٖ يَصَّدَّعُونَ
Kaya magpanatili ka, O Sugo, ng mukha mo para sa relihiyong Islām na tuwid, na walang kabaluktutan dito, bago pa dumating ang Araw ng Pagbangon, na kapag dumating iyon ay wala nang makapagtutulak doon. Sa Araw na iyon, magkakahati-hati ang mga tao: may isang pangkat sa Paraiso, na mga pinagtatamasa; at may isang pangkat sa Apoy, na mga pinagdurusa.
التفاسير العربية:
مَن كَفَرَ فَعَلَيۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِأَنفُسِهِمۡ يَمۡهَدُونَ
Ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh, ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya – ang pamamalagi sa Apoy – ay manunumbalik laban sa kanya. Ang sinumang gumawa ng gawang maayos habang naghahangad ng [kaluguran ng] mukha ni Allāh ay para sa [kapakanan ng] sarili niya. Maghahanda sila sa pagpasok sa Paraiso at pagtatamasa sa anumang naroon bilang mamamalagi roon magpakailanman.
التفاسير العربية:
لِيَجۡزِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡكَٰفِرِينَ
upang gumanti si Allāh sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos na nagpapalugod sa Panginoon nila. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya, bagkus nasusuklam Siya sa kanila nang pinakamatinding pagkasuklam at magpaparusa Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
التفاسير العربية:
وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦٓ أَن يُرۡسِلَ ٱلرِّيَاحَ مُبَشِّرَٰتٖ وَلِيُذِيقَكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَلِتَجۡرِيَ ٱلۡفُلۡكُ بِأَمۡرِهِۦ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Kabilang sa mga tanda Niyang dakila na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na nagpapadala Siya ng mga hangin upang magbalita ng nakagagalak sa mga tao hinggil sa paglapit ng pagbaba ng ulan, at upang magpalasap Siya sa inyo, O mga tao, mula sa awa Niya sa pamamagitan ng magaganap matapos ng ulan na pagtaba ng lupa at kaginhawahan, upang maglayag ang mga daong sa dagat ayon sa kalooban Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya sa pamamagitan ng pangangalakal sa dagat, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa inyo para magdagdag Siya sa inyo ng mga ito.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ رُسُلًا إِلَىٰ قَوۡمِهِمۡ فَجَآءُوهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَٱنتَقَمۡنَا مِنَ ٱلَّذِينَ أَجۡرَمُواْۖ وَكَانَ حَقًّا عَلَيۡنَا نَصۡرُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Talaga ngang nagpadala Kami bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo sa mga kalipunan nila kaya naghatid sila sa mga iyon ng mga katwiran at mga patotoong nagpapatunay sa katapatan nila. Ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa inihatid sa mga iyon ng mga sugo ng mga iyon kaya naghiganti Kami sa mga gumawa ng mga gawang masagwa. Ipinahamak Namin ang mga iyon sa pamamagitan ng pagdurusang dulot Namin at iniligtas Namin ang mga sugo at ang mga mananampalataya sa kanila mula sa kapahamakan. Ang pagliligtas sa mga mananampalataya at ang pag-aadya sa kanila ay isang tungkuling inobliga Namin sa Amin.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي يُرۡسِلُ ٱلرِّيَٰحَ فَتُثِيرُ سَحَابٗا فَيَبۡسُطُهُۥ فِي ٱلسَّمَآءِ كَيۡفَ يَشَآءُ وَيَجۡعَلُهُۥ كِسَفٗا فَتَرَى ٱلۡوَدۡقَ يَخۡرُجُ مِنۡ خِلَٰلِهِۦۖ فَإِذَآ أَصَابَ بِهِۦ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦٓ إِذَا هُمۡ يَسۡتَبۡشِرُونَ
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang umaakay sa mga hangin at nagpapadala sa mga iyon. Nagpapagalaw ang mga hanging iyon sa mga ulap at nagpapakilos sa mga ito. Bumabanat Siya sa mga ito sa langit kung papaanong niloloob Niya sa dami o kakauntian. Gumagawa Siya sa mga ito bilang mga piraso kaya nakikita mo, O tagatingin, ang ulan habang lumalabas mula sa gitna ng mga ito. Kaya kapag nagpatama Siya ng ulan sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila rito ay natutuwa dahil sa awa ni Allāh sa kanila dahil sa pagpapababa ng ulan na sinusundan ng pagpapatubo sa lupa ng kinakailangan nila para sa mga sarili nila at para sa mga hayop nila.
التفاسير العربية:
وَإِن كَانُواْ مِن قَبۡلِ أَن يُنَزَّلَ عَلَيۡهِم مِّن قَبۡلِهِۦ لَمُبۡلِسِينَ
Sila nga dati bago pa nagbaba sa kanila si Allāh ng ulan ay talagang mga nawawalan ng pag-asa sa pagbaba nito sa kanila.
التفاسير العربية:
فَٱنظُرۡ إِلَىٰٓ ءَاثَٰرِ رَحۡمَتِ ٱللَّهِ كَيۡفَ يُحۡيِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَآۚ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ
Kaya tumingin ka, O Sugo, sa mga bakas ng ulan na ibinababa ni Allāh bilang awa sa mga lingkod Niya kung papaano nagbibigay-buhay si Allāh sa lupa sa pamamagitan ng pinatutubo Niya rito na mga uri ng mga halaman matapos ng katuyuan nito at katuyutan nito. Tunay na ang nagbigay-buhay sa tuyong lupang iyon ay talagang Siya ang magbubuhay sa mga patay para maging mga buhay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• إرسال الرياح، وإنزال المطر، وجريان السفن في البحر: نِعَم تستدعي أن نشكر الله عليها.
Ang pagpapadala ng mga hangin, ang pagpapababa ng ulan, at ang paglalayag ng mga daong sa dagat ay mga biyayang nanawagan na magpasalamat tayo kay Allāh dahil sa mga ito.

• إهلاك المجرمين ونصر المؤمنين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga salarin at ang pag-aadya sa mga mananampalataya ay isang makadiyos na kalakaran (sunnah).

• إنبات الأرض بعد جفافها دليل على البعث.
Ang pagpapatubo sa lupa matapos ng katuyuan nito ay isang patunay sa pagkabuhay na muli.


وَلَئِنۡ أَرۡسَلۡنَا رِيحٗا فَرَأَوۡهُ مُصۡفَرّٗا لَّظَلُّواْ مِنۢ بَعۡدِهِۦ يَكۡفُرُونَ
Talagang kung nagpadala Kami sa mga pananim nila at mga halaman nila ng isang hanging maninira sa kanila at nakita nila ang mga pananim nila na naninilaw ang mga kulay matapos na ang mga ito dati ay luntian, talagang nanatili sila, matapos ng pagkasaksi nila sa mga ito, na tumatangging magpasalamat sa mga naunang biyaya ni Allāh sa kabila ng dami ng mga iyon.
التفاسير العربية:
فَإِنَّكَ لَا تُسۡمِعُ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَلَا تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ ٱلدُّعَآءَ إِذَا وَلَّوۡاْ مُدۡبِرِينَ
Kaya kung paanong tunay na ikaw ay hindi nakakakaya sa pagpaparinig sa mga patay at hindi nakakakaya sa pagpaparinig sa mga bingi habang lumayo na sila sa iyo upang matiyak ang kawalan ng pagkarinig nila, gayon din hindi ka nakakakaya na magpatnubay sa sinumang nakawangis ng mga ito sa pag-ayaw at kawalan ng pakikinabang.
التفاسير العربية:
وَمَآ أَنتَ بِهَٰدِ ٱلۡعُمۡيِ عَن ضَلَٰلَتِهِمۡۖ إِن تُسۡمِعُ إِلَّا مَن يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا فَهُم مُّسۡلِمُونَ
Ikaw ay hindi isang tagapagtuon sa sinumang naligaw palayo sa daang tuwid tungo sa pagtahak sa landas ng kagabayan. Hindi ka nakapagpaparinig ayon sa pagdinig na napakikinabangan, maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin dahil siya ay ang nakikinabang sa sinasabi mo kaya naman sila ay mga nagpapaakay sa utos Namin, mga tagapagpasailalim doon.
التفاسير العربية:
۞ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن ضَعۡفٖ ثُمَّ جَعَلَ مِنۢ بَعۡدِ ضَعۡفٖ قُوَّةٗ ثُمَّ جَعَلَ مِنۢ بَعۡدِ قُوَّةٖ ضَعۡفٗا وَشَيۡبَةٗۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ وَهُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡقَدِيرُ
Si Allāh ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa isang tubig na hamak; pagkatapos gumawa Siya, nang matapos ng isang kahinaan ng pagkabata ninyo, ng isang kalakasan ng kahustuhang-gulang; pagkatapos gumawa Siya, nang matapos ng isang kalakasan ng kahustuhang-gulang, ng isang kahinaan ng katandaan at pagkaulyanin. Lumilikha si Allāh ng anumang niloloob Niya na kahinaan at kalakasan. Siya ay ang Maalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman, ang May-kakayahan na walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
التفاسير العربية:
وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يُقۡسِمُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ مَا لَبِثُواْ غَيۡرَ سَاعَةٖۚ كَذَٰلِكَ كَانُواْ يُؤۡفَكُونَ
Sa Araw na sasapit ang Pagbangon [ng mga patay], susumpa ang mga salarin na hindi sila nanatili sa mga libingan nila kundi sa isang sandali. Kung paanong ibinaling sila palayo sa pagkakaalam sa tagal ng ipinamalagi nila sa mga libingan nila, sila dati ay ibinabaling sa Mundo palayo sa katotohanan.
التفاسير العربية:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ وَٱلۡإِيمَٰنَ لَقَدۡ لَبِثۡتُمۡ فِي كِتَٰبِ ٱللَّهِ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡبَعۡثِۖ فَهَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡبَعۡثِ وَلَٰكِنَّكُمۡ كُنتُمۡ لَا تَعۡلَمُونَ
Nagsabi ang mga binigyan ni Allāh ng kaalaman kabilang sa mga propeta at mga anghel: "Talaga ngang nanatili kayo ayon sa itinakda ni Allāh sa nauna sa kaalaman Niya mula sa araw ng paglikha sa inyo hanggang sa Araw ng pagbuhay sa inyo na ikinaila ninyo, subalit kayo dati ay hindi nakaaalam na ang pagkabuhay na muli ay magaganap kaya tumanggi kayong sumampalataya rito."
التفاسير العربية:
فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ مَعۡذِرَتُهُمۡ وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ
Kaya sa Araw na bubuhaying muli ni Allāh ang mga nilikha para sa pagtutuos at pagganti, hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan ang nilikha-likha nilang mga dahi-dahilan at hindi hihilingin mula sa kanila ang pagpapalugod kay Allāh sa pamamagitan ng pagbabalik-loob at pagsisisi sa Kanya dahil sa pagkahuli ng oras niyon.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ ضَرَبۡنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٖۚ وَلَئِن جِئۡتَهُم بِـَٔايَةٖ لَّيَقُولَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا مُبۡطِلُونَ
Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’an na ito – bilang pagmamalasakit sa kanila – mula sa bawat paghahalintulad upang lumiwanag para sa kanila ang katotohanan mula sa kabulaanan. Talagang kung naghatid ka sa kanila, O Sugo, ng isang katwiran sa katapatan mo ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Walang iba kayo kundi mga tagagawa ng kabulaanan kaugnay sa inihatid ninyo."
التفاسير العربية:
كَذَٰلِكَ يَطۡبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ
Ang tulad sa pagpinid na ito sa mga puso ng mga ito, na mga kapag naghatid ka sa kanila ng isang tanda ay hindi sumasampalataya, ay nagpipinid si Allāh sa mga puso ng lahat ng mga hindi umaalam na ang inihatid mo sa kanila ay totoo.
التفاسير العربية:
فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ وَلَا يَسۡتَخِفَّنَّكَ ٱلَّذِينَ لَا يُوقِنُونَ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pagpapasinungaling ng mga kalipi mo sa iyo. Tunay na ang pangako ni Allāh sa iyo ng pag-aadya at pagbibigay-kapangyarihan ay matibay na walang pag-aalinlangan doon. Huwag magtulak sa iyo ang mga hindi nakatitiyak na sila ay mga bubuhaying muli sa pagmamadali at pag-iwan sa pagtitiis.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• يأس الكافرين من رحمة الله عند نزول البلاء.
Ang pagkawala ng pag-asa ng mga tagatangging sumampalataya sa awa ni Allāh sa sandali ng pagbaba ng pagsubok.

• هداية التوفيق بيد الله، وليست بيد الرسول صلى الله عليه وسلم.
Ang kapatnubayan sa pagtutuon ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• مراحل العمر عبرة لمن يعتبر.
Ang mga yugto ng buhay ay isang maisasaalang-alang para sa sinumang nagsasaalang-alang.

• الختم على القلوب سببه الذنوب.
Ang pagpinid sa mga puso, ang kadahilanan nito ay ang mga pagkakasala.


 
ترجمة معاني سورة: الروم
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق