ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: غافر   آية:

سورة غافر - Ghāfir

من مقاصد السورة:
بيان حال المجادلين في آيات الله، والرد عليهم.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng mga nakikipagtalo sa mga tanda ni Allāh at ang pagtugon sa kanila.

حمٓ
Ha. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
التفاسير العربية:
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ
Ang pagbababa ng Qur'ān sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya.
التفاسير العربية:
غَافِرِ ٱلذَّنۢبِ وَقَابِلِ ٱلتَّوۡبِ شَدِيدِ ٱلۡعِقَابِ ذِي ٱلطَّوۡلِۖ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ إِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ
ang Tagapagpatawad ng pagkakasala ng mga nagkakasala, ang Tagatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, ang Matindi ang paparusa sa sinumang hindi nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala niya, ang May pagmamagandang-loob at pagmamabuting-loob. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya; tungo sa Kanya lamang ang babalikan sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa kanila ayon sa nagiging karapat-dapat sa kanila.
التفاسير العربية:
مَا يُجَٰدِلُ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَلَا يَغۡرُرۡكَ تَقَلُّبُهُمۡ فِي ٱلۡبِلَٰدِ
Walang nakikipag-alitan hinggil sa mga talata ni Allāh na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at katapatan ng mga sugo Niya kundi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh dahil sa katiwalian ng mga pag-iisip nila. Kaya huwag kang malungkot para sa kanila at huwag manlinlang sa iyo ang taglay nila na kaluwagan sa panustos at mga biyaya sapagkat ang pagpapalugit sa kanila ay isang pagpapain para sa kanila at isang pagpapakana sa kanila.
التفاسير العربية:
كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۖ وَهَمَّتۡ كُلُّ أُمَّةِۭ بِرَسُولِهِمۡ لِيَأۡخُذُوهُۖ وَجَٰدَلُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ لِيُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّ فَأَخَذۡتُهُمۡۖ فَكَيۡفَ كَانَ عِقَابِ
Nagpasinungaling bago ng mga ito ang mga kababayan ni Noe at nagpasinungaling bago nila ang mga lapian matapos ng mga tao ni Noe sapagkat nagpasinungaling ang [liping] `Ād, ang [liping] Thamūd, ang mga kababayan ni Lot, at ang mga naninirahan sa Madyan. Nagpasinungaling si Paraon. Nagtangka ang bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan sa sugo nito upang dumaklot doon para patayin iyon. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng taglay nila na kabulaanan upang mag-alis sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako sa mga kalipunang iyon sa kabuuan ng mga iyon. Kaya magnilay-nilay ka kung papaano naging ang parusa Ko sa kanila sapagkat ito nga ay naging isang parusang matindi!
التفاسير العربية:
وَكَذَٰلِكَ حَقَّتۡ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَنَّهُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ
Gaya ng paghatol ni Allāh ng pagpapahamak sa mga kalipunang nagpapasinungaling na iyon, kinailangan ang salita ng Panginoon mo, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya, na sila ay mga maninirahan sa Apoy.
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ يَحۡمِلُونَ ٱلۡعَرۡشَ وَمَنۡ حَوۡلَهُۥ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَيُؤۡمِنُونَ بِهِۦ وَيَسۡتَغۡفِرُونَ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْۖ رَبَّنَا وَسِعۡتَ كُلَّ شَيۡءٖ رَّحۡمَةٗ وَعِلۡمٗا فَٱغۡفِرۡ لِلَّذِينَ تَابُواْ وَٱتَّبَعُواْ سَبِيلَكَ وَقِهِمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ
Ang mga anghel na nagpapasan ng Trono ng Panginoon mo, O Sugo, at ang mga nasa paligid nito ay nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon nila sa anumang hindi nababagay sa Kanya, sumasampalataya sa Kanya, at humihiling ng kapatawaran para sa mga sumampalataya sa Kanya, na mga nagsasabi sa panalangin nila: "Panginoon namin, sumaklaw ang kaalaman Mo at ang awa Mo sa bawat bagay kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nila at sumunod sa relihiyon Mo, at mangalaga Ka sa kanila laban sa Apoy na makasaling sa kanila.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• الجمع بين الترغيب في رحمة الله، والترهيب من شدة عقابه: مسلك حسن.
Ang pagtutugma sa pagitan ng pagpapaibig sa awa ni Allāh at pagpapangilabot sa tindi ng parusa Niya ay isang magandang pamamaraan.

• الثناء على الله بتوحيده والتسبيح بحمده أدب من آداب الدعاء.
Ang pagbubunyi kay Allāh sa pamamagitan ng paniniwala sa kaisahan Niya at ang pagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ay isa sa mga kaasalan sa pagdalangin.

• كرامة المؤمن عند الله؛ حيث سخر له الملائكة يستغفرون له.
Ang karangalan ng mananampalataya sa ganang kay Allāh yayamang pinagsilbi Niya para rito ang mga anghel na humihingi ng tawad para rito.

رَبَّنَا وَأَدۡخِلۡهُمۡ جَنَّٰتِ عَدۡنٍ ٱلَّتِي وَعَدتَّهُمۡ وَمَن صَلَحَ مِنۡ ءَابَآئِهِمۡ وَأَزۡوَٰجِهِمۡ وَذُرِّيَّٰتِهِمۡۚ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Magsasabi ang mga anghel: "Panginoon namin, at magpapasok Ka sa mga mananampalataya sa mga Hardin ng Kawalang-hanggan na ipinangako Mo sa kanila na magpasok Ka sa kanila sa mga iyon, at magpapasok Ka kasama sa kanila sa sinumang umayos ang gawa kabilang sa mga magulang nila, mga asawa nila, at mga anak nila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Iyo na isa man, ang Marunong sa pagtatakda Mo at pangangasiwa Mo.
التفاسير العربية:
وَقِهِمُ ٱلسَّيِّـَٔاتِۚ وَمَن تَقِ ٱلسَّيِّـَٔاتِ يَوۡمَئِذٖ فَقَدۡ رَحِمۡتَهُۥۚ وَذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Mangalaga Ka sa kanila laban sa mga masagwa sa mga gawa nila, kaya huwag Mo silang pagdusahin dahil sa mga ito. Ang sinumang pangangalagaan Mo sa Araw ng Pagbangon laban sa parusa sa mga masagwa sa mga gawa niya ay kinaawaan Mo nga. Ang pagsasanggalang na iyon laban sa pagdurusa at ang awa sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso ay ang pagkatamong sukdulan na hindi napapantayan ng [ibang] pagkatamo."
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُنَادَوۡنَ لَمَقۡتُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُ مِن مَّقۡتِكُمۡ أَنفُسَكُمۡ إِذۡ تُدۡعَوۡنَ إِلَى ٱلۡإِيمَٰنِ فَتَكۡفُرُونَ
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay tatawagin sa Araw ng Pagbangon kapag papasok sila sa Apoy. Kamumuhian nila ang mga sarili nila at susumpain nila ang mga ito: "Talagang ang tindi ng pagkasuklam ni Allāh para sa inyo ay higit na mabigat kaysa sa tindi ng pagkasuklam ninyo para sa mga sarili ninyo nang kayo dati ay inaanyayahan sa Mundo sa pananampalataya kay Allāh ngunit tumatanggi kayong sumampalataya sa Kanya at gumagawa kayo kasama sa Kanya ng mga diyos."
التفاسير العربية:
قَالُواْ رَبَّنَآ أَمَتَّنَا ٱثۡنَتَيۡنِ وَأَحۡيَيۡتَنَا ٱثۡنَتَيۡنِ فَٱعۡتَرَفۡنَا بِذُنُوبِنَا فَهَلۡ إِلَىٰ خُرُوجٖ مِّن سَبِيلٖ
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya habang mga umaamin sa mga pagkakasala nila kapag hindi nagpapakinabang ang pag-amin nila ni ang pagbabalik-loob nila: "Panginoon namin, nagbigay-kamatayan Ka sa amin nang dalawang ulit yayamang kami dati ay wala, saka nagpairal Ka sa amin, Pagkatapos nagbigay-kamatayan Ka sa amin matapos ng pagpapairal na iyon. Nagbigay-buhay Ka sa amin nang dalawang ulit sa pamamagitan ng pagpapairal sa amin mula sa kawalan at sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa amin para sa pagkabuhay na muli. Kaya umamin kami sa mga pagkakasala naming nakamit namin. Kaya mayroon kayang isang daang tatahakin namin tungo sa paglabas mula sa Apoy para bumalik kami sa buhay [sa Mundo] upang magsaayos sa mga gawa namin para malugod Ka sa amin?"
التفاسير العربية:
ذَٰلِكُم بِأَنَّهُۥٓ إِذَا دُعِيَ ٱللَّهُ وَحۡدَهُۥ كَفَرۡتُمۡ وَإِن يُشۡرَكۡ بِهِۦ تُؤۡمِنُواْۚ فَٱلۡحُكۡمُ لِلَّهِ ٱلۡعَلِيِّ ٱلۡكَبِيرِ
Ang pagdurusang iyon na pagdurusahan ninyo ay dahilan sa kayo dati, kapag dinalanginan si Allāh nang mag-isa at hindi Siya tinambalan ng isa, ay tumatanggi kayong sumampalataya sa Kanya at gumagawa kayo para sa Kanya ng mga katambal. Kapag sinamba kasama kay Allāh ang isang katambal, sumasampalataya kayo. Kaya ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang, ang Mataas sa sarili Niya, pagtatakda Niya, at paglupig Niya; ang Malaki na ang bawat bagay ay maliit sa Kanya."
التفاسير العربية:
هُوَ ٱلَّذِي يُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ وَيُنَزِّلُ لَكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ رِزۡقٗاۚ وَمَا يَتَذَكَّرُ إِلَّا مَن يُنِيبُ
Si Allāh ay ang nagpapakita sa inyo ng mga tanda Niya sa mga abot-tanaw at mga sarili upang magpatunay ang mga ito sa inyo sa kakayahan Niya at kaisahan Niya, at nagbababa para sa inyo mula sa langit ng tubig ng ulan upang ito ay maging isang kadahilanan para matustusan kayo mula sa halaman, mga pananim, at iba pa sa mga ito. Walang napangangaralan sa pamamagitan ng mga tanda ni Allāh kundi ang sinumang bumabalik sa Kanya habang nagbabalik-loob na nagpapakadalisay.
التفاسير العربية:
فَٱدۡعُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Kaya dumalangin kayo kay Allāh, O mga mananampalataya, habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima at panalangin habang hindi mga tagapagtambal sa Kanya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya roon at nagpagalit ito sa kanila.
التفاسير العربية:
رَفِيعُ ٱلدَّرَجَٰتِ ذُو ٱلۡعَرۡشِ يُلۡقِي ٱلرُّوحَ مِنۡ أَمۡرِهِۦ عَلَىٰ مَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ لِيُنذِرَ يَوۡمَ ٱلتَّلَاقِ
Siya ay karapat-dapat upang pag-ukulan ng kawagasan sa panalangin at pagtalima sapagkat Siya ay ang Angat sa mga antas, na nakahiwalay sa lahat ng nilikha Niya, habang Siya ay ang Panginoon ng Trono. Nagpapababa Siya ng kasi sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya upang mabuhay sila mismo at magpabuhay sila sa iba sa kanila, at upang magpangamba sila sa mga tao hinggil sa Araw ng Pagbangon, na magkikita roon ang mga kauna-unahan at ang mga kahuli-hulihan.
التفاسير العربية:
يَوۡمَ هُم بَٰرِزُونَۖ لَا يَخۡفَىٰ عَلَى ٱللَّهِ مِنۡهُمۡ شَيۡءٞۚ لِّمَنِ ٱلۡمُلۡكُ ٱلۡيَوۡمَۖ لِلَّهِ ٱلۡوَٰحِدِ ٱلۡقَهَّارِ
Sa Araw na sila ay mga nakalantad na nakapagtipon na sa nag-iisang larangan, walang makakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman: wala mula sa mga sarili nila ni mga gawa nila ni mga ganti sa kanila. Itatanong: "Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito?" Wala ngayon kundi nag-iisang sagot: "Ang paghahari ay sa kay Allāh, ang Nag-iisa sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya; ang Palagapi na gumapi sa bawat bagay at sumailalim sa Kanya ang bawat bagay."
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• مَحَلُّ قبول التوبة الحياة الدنيا.
Ang pook ng pagtanggap ng pagbabalik-loob ay ang buhay na pangmundo.

• نفع الموعظة خاص بالمنيبين إلى ربهم.
Ang pakikinabang sa pangaral ay natatangi sa mga nagsisisi sa Panginoon nila.

• استقامة المؤمن لا تؤثر فيها مواقف الكفار الرافضة لدينه.
Ang pagkatuwid ng mananampalataya ay hindi naaapektuhan ng mga saloobin ng mga tagatangging sumampalataya na tumututol sa relihiyon niya.

• خضوع الجبابرة والظلمة من الملوك لله يوم القيامة.
Ang pagpapasailalim ng mga maniniil at mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga hari ay kay Allāh sa Araw ng Pagbangon.

ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡۚ لَا ظُلۡمَ ٱلۡيَوۡمَۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ
Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito na gawa. Kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [ang ganti]. Walang kawalang-katarungan sa Araw na ito dahil ang Tagahatol ay si Allāh, ang Makatarungan. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos sa mga lingkod Niya dahil sa pagkakasaklaw ng kaalaman Niya sa kanila.
التفاسير العربية:
وَأَنذِرۡهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡأٓزِفَةِ إِذِ ٱلۡقُلُوبُ لَدَى ٱلۡحَنَاجِرِ كَٰظِمِينَۚ مَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ حَمِيمٖ وَلَا شَفِيعٖ يُطَاعُ
Pangambahin mo sila, O Sugo, ng Araw ng Pagbangon, ang Pagbangong ito [ng mga patay] na nalalapit sapagkat ito ay darating at ang bawat darating ay malapit na. Sa Araw na iyon, ang mga puso dala ng tindi ng hilakbot ng mga ito ay magiging nakaangat hanggang sa umabot sa mga lalamunan ng mga may-ari ng mga ito, na magiging mga tahimik: hindi magsasalita ang isa kabilang sa kanila maliban sa sinumang nagpahintulot sa kanya ang Napakamaawain. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway na anumang kaibigan ni kamag-anak ni tagapagpamagitang tatalimain kapag itinakda para sa kanya na mamagitan.
التفاسير العربية:
يَعۡلَمُ خَآئِنَةَ ٱلۡأَعۡيُنِ وَمَا تُخۡفِي ٱلصُّدُورُ
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang sinusulyapan ng mga mata ng mga tumitingin nang pakubli at nakaaalam sa anumang itinatago ng mga dibdib: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
التفاسير العربية:
وَٱللَّهُ يَقۡضِي بِٱلۡحَقِّۖ وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَقۡضُونَ بِشَيۡءٍۗ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ
Si Allāh ay humahatol ayon sa katarungan sapagkat hindi Siya lumalabag sa katarungan sa isa man sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nito ni sa pagdaragdag sa mga masagwang gawa nito, samantalang ang mga sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ay hindi humahatol ayon sa anuman dahil ang mga ito ay hindi nagmamay-ari ng anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga layunin nila at mga gawain nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
التفاسير العربية:
۞ أَوَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ كَانُواْ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَانُواْ هُمۡ أَشَدَّ مِنۡهُمۡ قُوَّةٗ وَءَاثَارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُ بِذُنُوبِهِمۡ وَمَا كَانَ لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِن وَاقٖ
Hindi ba humayo ang mga tagapagtambal na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling noong bago pa nila? Iyon nga ay naging isang wakas na masagwa. Dati ang mga kalipunang iyon ay higit na matindi kaysa sa mga ito sa lakas. Nag-iwan ang mga iyon sa lupa ng mga gusali samantalang hindi nag-iwan dito ang mga ito. Ngunit ipinahamak sila ni Allāh dahilan sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila ng tagasanggalang na magsasanggalang sa kanila laban sa parusa ni Allāh.
التفاسير العربية:
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانَت تَّأۡتِيهِمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَكَفَرُواْ فَأَخَذَهُمُ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ قَوِيّٞ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Ang pagdurusang iyon na tumama sa kanila ay tumama lamang sa kanila dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila mula kay Allāh ng mga patunay na maliwanag at mga katwirang maningning ngunit tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sila sa mga sugo Niya. Sa kabila ng taglay nila na lakas, dinaklot sila ni Allāh at ipinahamak Niya sila. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ
Talaga ngang nagpadala Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Naming maliliwanag at isang patotoong tiyak
التفاسير العربية:
إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَقَٰرُونَ فَقَالُواْ سَٰحِرٞ كَذَّابٞ
kay Paraon at sa katuwang nitong si Hāmān at kay Qārūn, ngunit nagsabi sila: "Si Moises ay isang manggagaway na palasinungaling sa inaangkin niya na siya raw ay isang sugo!"
التفاسير العربية:
فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلۡحَقِّ مِنۡ عِندِنَا قَالُواْ ٱقۡتُلُوٓاْ أَبۡنَآءَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مَعَهُۥ وَٱسۡتَحۡيُواْ نِسَآءَهُمۡۚ وَمَا كَيۡدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ
Kaya noong naghatid siya sa kanila ng patotoong nagpapatunay sa katapatan niya ay nagsabi sina Paraon: "Patayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at panatilihin ninyo ang mga kababaihan nila bilang paghamak sa kanila." Walang iba ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pag-uutos ng pagpapakaunti sa bilang ng mga mananampalataya kundi isang napapahamak na nawawala, na walang bakas para roon.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• التذكير بيوم القيامة من أعظم الروادع عن المعاصي.
Ang pagpapaalaala hinggil sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa pinakadakila sa mga tagapagpaudlot palayo sa mga pagsuway.

• إحاطة علم الله بأعمال عباده؛ خَفِيَّة كانت أم ظاهرة.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa mga gawain ng mga lingkod Niya nang pakubli man o nakalantad.

• الأمر بالسير في الأرض للاتعاظ بحال المشركين الذين أهلكوا.
Ang pag-uutos ng paghayo sa lupain para mapangaralan sa kalagayan ng mga tagapagtambal na ipinahamak.

وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ ذَرُونِيٓ أَقۡتُلۡ مُوسَىٰ وَلۡيَدۡعُ رَبَّهُۥٓۖ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُبَدِّلَ دِينَكُمۡ أَوۡ أَن يُظۡهِرَ فِي ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡفَسَادَ
Nagsabi si Paraon: "Pabayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises bilang parusa sa kanya at dumalangin siya sa Panginoon niya na ipagsanggalang siya laban sa akin sapagkat ako ay hindi nag-aalintana na dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpaiba siya sa relihiyon ninyo na kayo ay naroon o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan sa pamamagitan ng pagpatay at paninira."
التفاسير العربية:
وَقَالَ مُوسَىٰٓ إِنِّي عُذۡتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُم مِّن كُلِّ مُتَكَبِّرٖ لَّا يُؤۡمِنُ بِيَوۡمِ ٱلۡحِسَابِ
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong nakaalam siya sa pagbabanta ni Paraon sa kanya: "Tunay na ako ay dumulog at nagpasanggalang sa Panginoon ko at Panginoon ninyo laban sa bawat nagpapakamalaki laban sa katotohanan at pananampalataya rito, na hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon at anumang naroon na pagtutuos at parusa."
التفاسير العربية:
وَقَالَ رَجُلٞ مُّؤۡمِنٞ مِّنۡ ءَالِ فِرۡعَوۡنَ يَكۡتُمُ إِيمَٰنَهُۥٓ أَتَقۡتُلُونَ رَجُلًا أَن يَقُولَ رَبِّيَ ٱللَّهُ وَقَدۡ جَآءَكُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ مِن رَّبِّكُمۡۖ وَإِن يَكُ كَٰذِبٗا فَعَلَيۡهِ كَذِبُهُۥۖ وَإِن يَكُ صَادِقٗا يُصِبۡكُم بَعۡضُ ٱلَّذِي يَعِدُكُمۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي مَنۡ هُوَ مُسۡرِفٞ كَذَّابٞ
May nagsabing isang lalaking mananampalataya kay Allāh kabilang sa mag-anak ni Paraon, na nagtatago ng pananampalataya niya sa mga kababayan niya habang nagmamasama sa kanila ng pagtitika nila sa pagpatay kay Moises: "Papatay ba kayo ng isang lalaki na walang sala bagamat siya ay nagsabi: 'Ang Panginoon ko ay si Allāh,' samantalang naghatid nga siya sa inyo ng mga katwiran at mga patotoong nagpapatunay sa katapatan niya sa pag-aangkin niyang siya ay isinugo mula sa Panginoon niya? Kung itinakdang siya ay isang sinungaling, ang kapinsalaan ng kasinungalingan niya ay manunumbalik sa kanya. Kung siya ay naging isang tapat, tatama sa inyo ang ilan sa ipinangangako niya sa inyo na pagdurusa nang maaga. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan ng sinumang lumalampas sa mga hangganan Niya, na gumagawa-gawa [ng kasinungalingan] laban sa Kanya at laban sa mga sugo Niya.
التفاسير العربية:
يَٰقَوۡمِ لَكُمُ ٱلۡمُلۡكُ ٱلۡيَوۡمَ ظَٰهِرِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَمَن يَنصُرُنَا مِنۢ بَأۡسِ ٱللَّهِ إِن جَآءَنَاۚ قَالَ فِرۡعَوۡنُ مَآ أُرِيكُمۡ إِلَّا مَآ أَرَىٰ وَمَآ أَهۡدِيكُمۡ إِلَّا سَبِيلَ ٱلرَّشَادِ
O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga nananaig sa lupain ng Ehipto, ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung dumating ito sa atin dahilan sa pagpatay kay Moises?" Nagsabi si Paraon: "Ang pananaw ay ang pananaw ko at ang kahatulan ay kahatulan ko. Nagpasya na ako na patayin si Moises bilang pagtutulak sa kasamaan at kaguluhan. Hindi ako gumagabay sa inyo malibang tungo sa tumpak at tama."
التفاسير العربية:
وَقَالَ ٱلَّذِيٓ ءَامَنَ يَٰقَوۡمِ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُم مِّثۡلَ يَوۡمِ ٱلۡأَحۡزَابِ
Nagsabi ang sumampalataya, habang nagpapayo sa mga kababayan niya: "Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo – kung pinatay ninyo si Moises dala ng kawalang-katarungan at dala ng pangangaway – ng isang pagdurusang tulad ng pagdurusa ng mga lapian na mga nagbuklod laban sa mga sugo nila kabilang sa mga nauna kaya naman ipinahamak sila ni Allāh,
التفاسير العربية:
مِثۡلَ دَأۡبِ قَوۡمِ نُوحٖ وَعَادٖ وَثَمُودَ وَٱلَّذِينَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡۚ وَمَا ٱللَّهُ يُرِيدُ ظُلۡمٗا لِّلۡعِبَادِ
gaya ng kaugalian ng sinumang tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga sugo, tulad ng mga kababayan nina Noe, `Ād, Thamūd, at ng mga dumating noong matapos nila sapagkat nagpahamak sa kanila si Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya. Hindi si Allāh nagnanais ng kawalang-katarungan para sa mga lingkod [Niya]. Pagdurusahin Niya lamang sila dahil sa mga pagkakasala nila bilang ganting karampatan.
التفاسير العربية:
وَيَٰقَوۡمِ إِنِّيٓ أَخَافُ عَلَيۡكُمۡ يَوۡمَ ٱلتَّنَادِ
O mga kababayan ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa Araw ng Pagbangon, sa Araw na iyon na mananawagan ang mga tao sa isa't isa sa kanila dahilan sa pagkakamag-anak o impluwensiya dala ng isang pagpapalagay mula sa kanila na ang gawaing ito ay magpapakinabang sa kanila sa katayuang kakila-kilabot na ito.
التفاسير العربية:
يَوۡمَ تُوَلُّونَ مُدۡبِرِينَ مَا لَكُم مِّنَ ٱللَّهِ مِنۡ عَاصِمٖۗ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِنۡ هَادٖ
[Iyon ay] sa Araw na tatalikod kayo habang mga tumatakas dala ng pangamba sa Apoy. Walang ukol sa inyo na isang tagapagtanggol na magtatanggol sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh. Ang sinumang itinatwa ni Allāh at hindi Niya itinuon sa pananampalataya ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagpatnubay na magpapatnubay sa kanya dahil ang kapatnubayan sa pagkakatuon ay nasa kamay ni Allāh lamang.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• لجوء المؤمن إلى ربه ليحميه من كيد أعدائه.
Ang pagdulog ng mananampalataya sa Panginoon niya upang pangalagaan siya laban sa pakana ng mga kaaway niya.

• جواز كتم الإيمان للمصلحة الراجحة أو لدرء المفسدة.
Ang pagpayag sa pagtatago sa pananampalataya para sa kapakanang matimbang o para sa pagtulak ng ikagugulo.

• تقديم النصح للناس من صفات أهل الإيمان.
Ang paghahain ng payo para sa mga tao ay isa sa mga katangian ng mga alagad ng pananampalataya.

وَلَقَدۡ جَآءَكُمۡ يُوسُفُ مِن قَبۡلُ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَمَا زِلۡتُمۡ فِي شَكّٖ مِّمَّا جَآءَكُم بِهِۦۖ حَتَّىٰٓ إِذَا هَلَكَ قُلۡتُمۡ لَن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ مِنۢ بَعۡدِهِۦ رَسُولٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَنۡ هُوَ مُسۡرِفٞ مُّرۡتَابٌ
Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose noong bago pa ni Moises ng mga patotoong maliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit hindi kayo huminto sa isang pagdududa at isang pagpapasinungaling sa inihatid niya sa inyo hanggang sa, nang pinapanaw siya, nadagdagan kayo ng isang pagdududa at isang pag-aalinlangan at nagsabi kayo: "Hindi magpapadala si Allāh noong matapos niya ng isang sugo." Tulad ng pagkaligaw ninyong ito palayo sa katotohanan, magliligaw si Allāh sa bawat sinumang lumalampas sa mga hangganan Niya, na nagdududa sa kaisahan Niya.
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ سُلۡطَٰنٍ أَتَىٰهُمۡۖ كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ وَعِندَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ كَذَٰلِكَ يَطۡبَعُ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ قَلۡبِ مُتَكَبِّرٖ جَبَّارٖ
Ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh upang magpabula sila sa mga ito nang walang katwiran ni patotoong pumunta sa kanila ay lumaki ang pakikipagtalo nila sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya. Kung paanong nagpasak si Allāh sa mga puso ng mga nakikipag-alitang ito hinggil sa mga tanda Niya para sa pagpapabula sa mga ito, magpapasak si Allāh sa bawat pusong nagmamalaki sa paglayo sa katotohanan, na nagpapakamapaniil, kaya hindi ito napapatnubayan tungo sa katumpakan at hindi nagagabayan tungo sa kabutihan.
التفاسير العربية:
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ يَٰهَٰمَٰنُ ٱبۡنِ لِي صَرۡحٗا لَّعَلِّيٓ أَبۡلُغُ ٱلۡأَسۡبَٰبَ
Nagsabi si Paraon sa katuwang niyang si Hāmān: "O Hāmān, magpatayo ka para sa akin ng isang mataas na gusali, sa pag-asang aabot ako sa mga daan:
التفاسير العربية:
أَسۡبَٰبَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ فَأَطَّلِعَ إِلَىٰٓ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُۥ كَٰذِبٗاۚ وَكَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِفِرۡعَوۡنَ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَصُدَّ عَنِ ٱلسَّبِيلِۚ وَمَا كَيۡدُ فِرۡعَوۡنَ إِلَّا فِي تَبَابٖ
Sa pag-asang umabot ako sa mga daan ng mga langit, na nagpaparating sa mga iyon para makatingin ako sa sinasamba ni Moises, na naghahaka-haka na si Allāh ay ang sinasamba ayon sa karapatan. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay isang sinungaling sa anumang inaangkin niya." Gayon pinaganda para kay Paraon ang kapangitan ng gawain niya nang humiling siya ng hiniling niya kay Hāmān. Inilihis siya palayo sa daan ng katotohanan patungo sa mga daan ng pagkaligaw. Walang [kahahantungan] ang pakana ni Paraon – para pangibabawin ang kabulaanan niyang siya ay nakabatay roon at pabulaanan ang katotohanang inihatid ni Moises – kundi nasa isang pagkalugi dahil ang kauuwian nito ay ang kabiguan, ang pagpapabigo sa pagpupunyagi niya, at ang kalumbayang hindi mapuputol magpakailanman.
التفاسير العربية:
وَقَالَ ٱلَّذِيٓ ءَامَنَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُونِ أَهۡدِكُمۡ سَبِيلَ ٱلرَّشَادِ
Nagsabi ang lalaking sumampalataya kabilang sa mag-anak ni Paraon, habang nagpapayo sa mga kababayan niya at gumagabay sa kanila tungo sa daan ng katotohanan: "O mga kababayan ko, sumunod kayo sa akin, magpapatnubay ako sa inyo at gagabay ako sa inyo tungo sa daan ng pagkatama at kapatnubayan tungo sa katotohanan."
التفاسير العربية:
يَٰقَوۡمِ إِنَّمَا هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا مَتَٰعٞ وَإِنَّ ٱلۡأٓخِرَةَ هِيَ دَارُ ٱلۡقَرَارِ
O mga kalipi ko, ang buhay na ito sa Mundo ay isang pagtatamasa lamang ng mga sarap na mapuputol kaya huwag luminlang ito sa inyo sa pamamagitan ng anumang narito na tinatamasang nahihinto. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay kalakip ng naroon na kaginhawahang mamamalaging hindi napuputol ay ang tahanan ng pamamalagi at pananatili. Kaya gumawa kayo para roon sa pamamagitan ng pagtalima kay Allāh at mangilag kayo sa pagpapakaabala sa buhay ninyong pangmundo sa halip ng paggawa para sa Kabilang-buhay.
التفاسير العربية:
مَنۡ عَمِلَ سَيِّئَةٗ فَلَا يُجۡزَىٰٓ إِلَّا مِثۡلَهَاۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ يُرۡزَقُونَ فِيهَا بِغَيۡرِ حِسَابٖ
Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawain ay hindi parurusahan malibang ayon sa tulad sa ginawa niya at hindi magdaragdag sa kanya ng parusa. Ang sinumang gumawa ng maayos na gawain, na naghahangad sa pamamagitan nito ng [kasiyahan ng] mukha ni Allāh, lalaki man ang gumagawa o babae, habang siya ay isang mananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang kapuri-puring iyon ay papasok sa Paraiso sa Araw ng Pagbangon. Magtutustos sa kanila si Allāh mula sa inilagak Niya roon na mga bunga at kaginhawahang mananatiling hindi mapuputol magpakailanman nang walang pagtutuos.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• الجدال لإبطال الحق وإحقاق الباطل خصلة ذميمة، وهي من صفات أهل الضلال.
Ang pakikipagtalo para pagpapabula sa katotohanan at pagpapatotoo sa kabulaanan ay isang katangiang napupulaan. Ito ay kabilang sa mga katangian ng mga kampon ng pagkaligaw.

• التكبر مانع من الهداية إلى الحق.
Ang pagpapakamalaki ay humahadlang sa kapatnubayan tungo sa katotohanan.

• إخفاق حيل الكفار ومكرهم لإبطال الحق.
Ang pagpapabigo ay mga panggugulang ng mga tagatangging sumampalataya at pakana nila para sa pagpapabula sa katotohanan.

• وجوب الاستعداد للآخرة، وعدم الانشغال عنها بالدنيا.
Ang pagkatungkulin ng paghahanda para sa Kabilang-buhay at ang hindi pagpapakaabala palayo roon dahil sa [buhay sa] Mundo.

۞ وَيَٰقَوۡمِ مَا لِيٓ أَدۡعُوكُمۡ إِلَى ٱلنَّجَوٰةِ وَتَدۡعُونَنِيٓ إِلَى ٱلنَّارِ
O mga kababayan ko, ano ang mayroon ako na nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa kaligtasan mula sa pagkalugi sa buhay na pangmundo at Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh at gawang maayos samantalang nag-aanyaya kayo sa akin tungo sa pagpasok sa Apoy dahil inaanyaya ninyo sa akin na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagsuway sa Kanya?
التفاسير العربية:
تَدۡعُونَنِي لِأَكۡفُرَ بِٱللَّهِ وَأُشۡرِكَ بِهِۦ مَا لَيۡسَ لِي بِهِۦ عِلۡمٞ وَأَنَا۠ أَدۡعُوكُمۡ إِلَى ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡغَفَّٰرِ
Nag-aanyaya kayo sa akin sa kabulaanan ninyo sa pag-asang tumanggi akong sumampalataya kay Allāh at sumamba ako kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya na anumang walang kaalaman para sa akin hinggil sa katumpakan ng pagsamba roon kasama kay Allāh, samantalang ako ay nag-aanyaya sa inyo tungo sa pananampalataya kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Mapagpatawad na sukdulan ang kapatawaran para sa mga lingkod Niya.
التفاسير العربية:
لَا جَرَمَ أَنَّمَا تَدۡعُونَنِيٓ إِلَيۡهِ لَيۡسَ لَهُۥ دَعۡوَةٞ فِي ٱلدُّنۡيَا وَلَا فِي ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَنَّ مَرَدَّنَآ إِلَى ٱللَّهِ وَأَنَّ ٱلۡمُسۡرِفِينَ هُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ
Katotohanang tunay na ang ipinaaanyaya ninyo sa akin sa pananampalataya rito at pagtalima rito ay walang ukol ditong isang pag-aanyaya ipaaanyaya ayon sa karapatan sa Mundo ni sa Kabilang-buhay. Hindi ito tumutugon sa sinumang dumalangin dito, na ang babalikan namin sa kalahatan ay tungo kay Allāh lamang, at na ang mga nagpapakalabis sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay ang mga maninirahan sa Apoy, na mananatili sa pagpasok doon sa Araw ng Pagbangon.
التفاسير العربية:
فَسَتَذۡكُرُونَ مَآ أَقُولُ لَكُمۡۚ وَأُفَوِّضُ أَمۡرِيٓ إِلَى ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَصِيرُۢ بِٱلۡعِبَادِ
Ngunit tumanggi sila sa payo niya kaya nagsabi siya: "Makaaalaala kayo sa inihain ko sa inyo na isang payo. Manghihinayang kayo sa hindi pagtanggap nito. Ipinagkakatiwala ko ang mga nauukol sa akin sa kabuuan nito kay Allāh lamang. Tunay na si Allāh ay walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ng mga lingkod [Niya]."
التفاسير العربية:
فَوَقَىٰهُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِ مَا مَكَرُواْۖ وَحَاقَ بِـَٔالِ فِرۡعَوۡنَ سُوٓءُ ٱلۡعَذَابِ
Kaya iningatan siya ni Allāh sa kasagwaan ng pakana nila nang nagnais sila ng pagpatay sa kanya. Pumalibot sa mga kampon ni Paraon ang pagdurusa ng pagkalunod sapagkat nilunod siya ni Allāh sampu ng mga kawal niya sa kabuuan nila sa Mundo.
التفاسير العربية:
ٱلنَّارُ يُعۡرَضُونَ عَلَيۡهَا غُدُوّٗا وَعَشِيّٗاۚ وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ أَدۡخِلُوٓاْ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ أَشَدَّ ٱلۡعَذَابِ
Matapos ng kamatayan nila, isasalang sila sa apoy sa mga libingan nila sa simula ng maghapon at wakas nito. Sa Araw ng Pagbangon ay sasabihin: "Magpapasok kayo sa mga tagasunod ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa at pinakamabigat dito dahil sa taglay nila noon na kawalang-pananampalataya, pagpapasinungaling, at pagbalakid sa landas ni Allāh."
التفاسير العربية:
وَإِذۡ يَتَحَآجُّونَ فِي ٱلنَّارِ فَيَقُولُ ٱلضُّعَفَٰٓؤُاْ لِلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا كُنَّا لَكُمۡ تَبَعٗا فَهَلۡ أَنتُم مُّغۡنُونَ عَنَّا نَصِيبٗا مِّنَ ٱلنَّارِ
Banggitin mo, O Sugo, kapag mag-aalitan ang mga tagasunod at ang mga sinusunod kabilang sa mga maninirahan sa Apoy saka magsasabi ang mga tagasunod na siniil sa mga sinunod na nagpapakamalaki: "Tunay na kami para sa inyo ay naging mga tagasunod sa pagkaligaw sa Mundo. Kaya kayo kaya ay mga magtutulak para sa amin sa isang bahagi mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng pagbabata nito para sa amin?"
التفاسير العربية:
قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَكۡبَرُوٓاْ إِنَّا كُلّٞ فِيهَآ إِنَّ ٱللَّهَ قَدۡ حَكَمَ بَيۡنَ ٱلۡعِبَادِ
Magsasabi ang mga sinunod na nagmalaki: "Tunay na tayo – maging tayo man dati ay mga tagasunod o mga sinusunod – ay nasa apoy. Hindi magbabata ang isa sa atin ng isang bahagi ng pagdurusa ng iba. Tunay na si Allāh ay humatol na sa pagitan ng mga lingkod [Niya] kaya nagbigay Siya sa bawat isa ng naging karapat-dapat dito na pagdurusa."
التفاسير العربية:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ فِي ٱلنَّارِ لِخَزَنَةِ جَهَنَّمَ ٱدۡعُواْ رَبَّكُمۡ يُخَفِّفۡ عَنَّا يَوۡمٗا مِّنَ ٱلۡعَذَابِ
Magsasabi pa ang mga pinagdurusa sa Apoy, kabilang sa mga tagsunod at mga sinunod, sa mga anghel na itinalaga sa apoy noong nalagutan na sila ng pag-asa sa paglabas mula sa Apoy at panunumbalik sa buhay na pangmundo upang magbalik-loob sila: "Dumalangin kayo sa Panginoon ninyo na magpagaan Siya para sa amin ng iisang araw mula sa namamalaging pagdurusang ito."
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• أهمية التوكل على الله.
Ang kahalagahan ng pananalig kay Allāh.

• نجاة الداعي إلى الحق من مكر أعدائه.
Ang kaligtasan ng tagaanyaya sa katotohanan mula sa pakana ng mga kaaway niya.

• ثبوت عذاب البرزخ.
Ang pagpapatibay sa pagdurusa sa Barzakh.

• تعلّق الكافرين بأي سبب يريحهم من النار ولو لمدة محدودة، وهذا لن يحصل أبدًا.
Ang pagkapit ng mga tagatangging sumampalataya sa alinmang kadahilanang magbibigay-kapahingahan sa kanila mula sa apoy kahit pa man sa isang yugtong limitado. Ito ay hindi mangyayari magpakailanman.

قَالُوٓاْ أَوَلَمۡ تَكُ تَأۡتِيكُمۡ رُسُلُكُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِۖ قَالُواْ بَلَىٰۚ قَالُواْ فَٱدۡعُواْۗ وَمَا دُعَٰٓؤُاْ ٱلۡكَٰفِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَٰلٍ
Magsasabi ang mga tanod ng Impiyerno bilang tugon sa mga tagatangging sumampalataya: "Hindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Oo; sila dati ay nagdadala sa amin ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag." Magsasabi ang mga tanod bilang pang-uuyam sa kanila: "Kaya dumalangin kayo mismo, ngunit kami ay hindi namamagitan para sa mga tagatangging sumampalataya." Walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang kawalang-saysay at isang pagkasayang dahil sa hindi pagtanggap nito mula sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
التفاسير العربية:
إِنَّا لَنَنصُرُ رُسُلَنَا وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَيَوۡمَ يَقُومُ ٱلۡأَشۡهَٰدُ
Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa Amin at sa mga sugo sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa katwiran nila at ng pag-alalay sa kanila laban sa mga kaaway nila, at mag-aadya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Paraiso at sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga kaalitan nila sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapasok sa mga iyon sa Apoy matapos na sumaksi ang mga propeta, ang mga anghel, at ang mga mananampalataya sa pagkaganap ng pagpapaabot [ng mensahe] at pagpapasinungaling ng mga kalipunan [sa mensahe].
التفاسير العربية:
يَوۡمَ لَا يَنفَعُ ٱلظَّٰلِمِينَ مَعۡذِرَتُهُمۡۖ وَلَهُمُ ٱللَّعۡنَةُ وَلَهُمۡ سُوٓءُ ٱلدَّارِ
[Iyon ay] sa Araw na hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ang pagdadahi-dahilan nila sa kawalang-katarungan nila. Ukol sa kanila sa Araw na iyon ang pagtataboy mula sa awa ni Allāh at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan sa Kabilang-buhay dahil sa daranasin nila na pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡهُدَىٰ وَأَوۡرَثۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡكِتَٰبَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kaalamang napapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga anak ni Israel tungo sa katotohanan. Ginawa Namin ang Torah bilang kasulatang minamana-mana sa mga anak ni Israel, na minamana ng isang salinlahi matapos ng isang salinlahi
التفاسير العربية:
هُدٗى وَذِكۡرَىٰ لِأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ
bilang kapatnubayan tungo sa daan ng katotohanan at bilang pagpapaalaala para sa mga may matinong pag-iisip.
التفاسير العربية:
فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِبۡكَٰرِ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa dinaranas mo na pagpapasinungaling ng mga kalipi mo at pananakit nila; tunay na ang pangako ni Allāh sa iyo ng pag-aadya at pag-alalay ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Humiling ka ng kapatawaran sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa simula ng maghapon at wakas nito.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ سُلۡطَٰنٍ أَتَىٰهُمۡ إِن فِي صُدُورِهِمۡ إِلَّا كِبۡرٞ مَّا هُم بِبَٰلِغِيهِۚ فَٱسۡتَعِذۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ
Tunay na ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh dala ng pagsisikap para sa pagpapabula sa mga ito nang walang isang katwiran ni isang patotoo na dumating sa kanila mula sa ganang kay Allāh ay walang nag-uudyok sa kanila roon kundi ang pagnanais ng pagmamataas at pagpapakamalaki laban sa katotohanan. Hindi sila aabot sa ninanais nila na pagmamataas laban doon. Kaya magpasanggalang ka, O Sugo, kay Allāh; tunay na Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga ginagawa nila: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
التفاسير العربية:
لَخَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ أَكۡبَرُ مِنۡ خَلۡقِ ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ
Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa, dahil sa kalakihan ng mga ito at pagkalawak ng mga ito, ay higit na mabigat kaysa sa pagkalikha sa mga tao. Kaya ang lumikha sa mga ito sa kabila ng laki ng mga ito ay nakakakaya sa pagpapabangon sa mga patay mula sa mga libingan nila bilang mga buhay upang tumuos sa kanila at gumanti sa kanila, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam kaya hindi sila nagsasaalang-alang dito at hindi gumagawa rito bilang patunay sa pagkabuhay na muli sa kabila ng kaliwanagan nito.
التفاسير العربية:
وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَلَا ٱلۡمُسِيٓءُۚ قَلِيلٗا مَّا تَتَذَكَّرُونَ
Hindi nagkakapantay ang hindi nakakikita at ang nakakikita. Hindi nagkakapantay ang mga sumampalataya kay Allāh, nagpatotoo sa mga sugo Niya, at nagpaganda ng mga gawa nila at ang nagpapasagwa ng gawa nila dahil sa paniniwalang tiwali at mga pagsuway. Hindi kayo nagsasaalaala kundi nang kaunti yayamang kung sakaling nagsaalaala kayo ay talaga sanang nalaman ninyo ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pangkat upang magsikap kayo na kayo ay maging kabilang sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos dala ng pagkaibig sa kaluguran ni Allāh.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• نصر الله لرسله وللمؤمنين سُنَّة إلهية ثابتة.
Ang pag-aadya ni Allāh sa mga sugo Niya at mga mananampalataya ay isang kalakarang pandiyos na matatag.

• اعتذار الظالم يوم القيامة لا ينفعه.
Ang pagdadahi-dahilan ng tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ay hindi magpapakinabang sa kanya.

• أهمية الصبر في مواجهة الباطل.
Ang kahalagahan ng pagtitiis sa pagharap sa kabulaanan.

• دلالة خلق السماوات والأرض على البعث؛ لأن من خلق ما هو عظيم قادر على إعادة الحياة إلى ما دونه.
Ang pahiwatig ng pagkakalikha sa mga langit at lupa sa pagbubuhay na muli dahil sa ang lumikha sa isang dakilang bagay ay nakakakaya sa pagpapanumbalik ng buhay sa isang mababa pa roon.

إِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞ لَّا رَيۡبَ فِيهَا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يُؤۡمِنُونَ
Tunay na ang Huling Sandali na bubuhay na muli si Allāh sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti ay talagang darating nang walang pasubali, na walang pagdududa hinggil dito, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya sa pagdating nito, at dahil doon ay hindi sila naghahanda para rito.
التفاسير العربية:
وَقَالَ رَبُّكُمُ ٱدۡعُونِيٓ أَسۡتَجِبۡ لَكُمۡۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسۡتَكۡبِرُونَ عَنۡ عِبَادَتِي سَيَدۡخُلُونَ جَهَنَّمَ دَاخِرِينَ
Nagsabi ang Panginoon ninyo, O mga tao: "Pakaisahin ninyo Ako sa pagsamba at paghiling, sasagot Ako sa inyo sa panalangin ninyo, magpapaumanhin Ako sa inyo, at maaawa Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagpapakadakila sa [pag-ayaw sa] pagbubukod-tangi sa Akin sa pagsamba ay papasok sa Araw ng Pagbangon sa Impiyerno na mga nanliliit na mga hamak.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَٱلنَّهَارَ مُبۡصِرًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضۡلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَشۡكُرُونَ
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi bilang tagapagpadilim upang tumahan kayo roon at makapagpahinga kayo, at gumawa ng maghapon bilang tagapagtanglaw na tagapagbigay-liwanag upang magtrabaho kayo roon. Tunay na si Allāh ay talagang may dakilang kabutihang-loob sa mga tao nang nagpanagana Siya sa kanila mula nakahayag sa mga biyaya Niya at nakakubli sa mga ito, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nagpapasalamat sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa ibiniyaya Niya sa kanila mula sa mga ito.
التفاسير العربية:
ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡ خَٰلِقُ كُلِّ شَيۡءٖ لَّآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ فَأَنَّىٰ تُؤۡفَكُونَ
Gayon si Allāh na nagmabuting-loob sa inyo sa pamamagitan ng mga biyaya Niya. Siya ay ang Tagalikha ng bawat bagay sapagkat walang tagalikha na iba pa sa Kanya at walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya. Kaya papaanong nababaling kayo palayo sa pagsamba sa Kanya patungo sa pagsamba sa iba pa sa Kanya kabilang sa hindi nakapagdudulot ng pakinabang ni pinsala?
التفاسير العربية:
كَذَٰلِكَ يُؤۡفَكُ ٱلَّذِينَ كَانُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ يَجۡحَدُونَ
Kung paanong bumaling ang mga ito palayo sa pananampalataya kay Allāh at pagsamba sa Kanya lamang, bumabaling naman palayo ang sinumang nagkakaila sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya sa bawat panahon at pook, kaya hindi ito napapatnubayan sa katotohanan ni naitutuon sa pagkagabay.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارٗا وَٱلسَّمَآءَ بِنَآءٗ وَصَوَّرَكُمۡ فَأَحۡسَنَ صُوَرَكُمۡ وَرَزَقَكُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمۡۖ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo, O mga tao, ng lupa bilang kontinenteng inilaan para sa pamamalagi ninyo rito, gumawa ng langit na matibay ang pagkakagawa sa ibabaw ninyo na pinipigilan sa pagbagsak, nagbigay-anyo sa inyo sa mga sinapupunan ng mga ina ninyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo mula sa ipinahihintulot sa mga pagkain at mga itinuturing na kaaya-aya sa mga ito. Gayon ang nagbiyaya sa inyo ng mga biyayang ito, si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya mapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sapagkat walang panginoon para sa mga ito na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱلۡحَيُّ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱدۡعُوهُ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَۗ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Siya ay ang Buhay na hindi namamatay; walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya dumalangin kayo sa Kanya ng panalangin ng pagsamba at paghiling habang mga naglalayon [ng kaluguran] ng mukha Niya lamang, at huwag kayong magtambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niya. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha.
التفاسير العربية:
۞ قُلۡ إِنِّي نُهِيتُ أَنۡ أَعۡبُدَ ٱلَّذِينَ تَدۡعُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ لَمَّا جَآءَنِيَ ٱلۡبَيِّنَٰتُ مِن رَّبِّي وَأُمِرۡتُ أَنۡ أُسۡلِمَ لِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh na sumamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, kabilang sa mga anitong ito na hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala, nang dumating sa akin ang mga patotoo at ang mga patunay na maliwanag sa kabulaanan ng pagsamba sa mga ito, at inutusan ni Allāh na magpaakay sa Kanya lamang sa pamamagitan ng pagsamba sapagkat Siya ay ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito: walang Panginoon para sa mga ito na iba pa sa Kanya."
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• دخول الدعاء في مفهوم العبادة التي لا تصرف إلا إلى الله؛ لأن الدعاء هو عين العبادة.
Ang pagkakapaloob ng panalangin sa pagkaunawa ng pagsamba na hindi ibinabaling maliban kay Allāh dahil ang panalangin ay ang pinakadiwa ng pagsamba.

• نعم الله تقتضي من العباد الشكر.
Ang mga biyaya ni Allāh ay humihiling sa mga tao ng pasasalamat.

• ثبوت صفة الحياة لله.
Ang pagpapatibay sa katangian ng buhay para kay Allāh.

• أهمية الإخلاص في العمل.
Ang kahalagahan ng pagpapakawagas sa gawain.

هُوَ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ مِنۡ عَلَقَةٖ ثُمَّ يُخۡرِجُكُمۡ طِفۡلٗا ثُمَّ لِتَبۡلُغُوٓاْ أَشُدَّكُمۡ ثُمَّ لِتَكُونُواْ شُيُوخٗاۚ وَمِنكُم مَّن يُتَوَفَّىٰ مِن قَبۡلُۖ وَلِتَبۡلُغُوٓاْ أَجَلٗا مُّسَمّٗى وَلَعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
Siya ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos gumawa sa paglikha sa inyo matapos niya mula sa isang patak, pagkatapos matapos ng patak ay mula sa isang dugong namuo, pagkatapos matapos niyon ay nagpalabas Siya sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo bilang mga batang maliliit, pagkatapos upang sumapit kayo sa gulang ng kalakasan ng katawan, pagkatapos upang lumaki kayo hanggang sa kayo ay maging mga matanda – at mayroon sa inyo na namamatay bago niyon – at upang umabot kayo sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman ni Allāh, na hindi kayo nakababawas doon at hindi kayo nakadaragdag doon, at nang sa gayon kayo ay makinabang sa mga katwiran at mga patotoong ito sa kakayahan Niya at kaisahan Niya.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۖ فَإِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Siya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nasa kamay Niya ang pagbibigay-buhay at Siya lamang ay ang nasa kamay Niya ang pagbibigay-kamatayan, saka kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya sa bagay na iyon na mangyari saka mangyayari.
التفاسير العربية:
أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ أَنَّىٰ يُصۡرَفُونَ
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh habang mga nagpapasinungaling sa mga ito sa kabila ng kaliwanagan ng mga ito? Talagang magtataka ka sa kalagayan nila habang sila ay umaayaw sa katotohanan sa kabila ng kaliwanagan nito.
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِٱلۡكِتَٰبِ وَبِمَآ أَرۡسَلۡنَا بِهِۦ رُسُلَنَاۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
[Sila] ang mga nagpasinungaling sa Qur'ān at sa ipinadala Namin sa mga sugo Namin na katotohanan. Malalaman ng mga tagapagpasinungaling na ito ang kahihinatnan ng pagpapasinungaling nila at makikita nila ang kasagwaan ng wakas.
التفاسير العربية:
إِذِ ٱلۡأَغۡلَٰلُ فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ وَٱلسَّلَٰسِلُ يُسۡحَبُونَ
Malalaman nila ang kahihinatnan nito kapag ang mga posas ay nasa mga leeg nila at ang mga tanikala ay nasa mga paa nila habang humihila sa kanila ang mga bantay ng pagdurusa.
التفاسير العربية:
فِي ٱلۡحَمِيمِ ثُمَّ فِي ٱلنَّارِ يُسۡجَرُونَ
Hahatak ang mga iyon sa kanila sa tubig na mainit na tumindi ang pagkulo nito. Pagkatapos sa Apoy ay paniningasin sila.
التفاسير العربية:
ثُمَّ قِيلَ لَهُمۡ أَيۡنَ مَا كُنتُمۡ تُشۡرِكُونَ
Pagkatapos sasabihin sa kanila bilang pagpula sa kanila at panunumbat: "Nasaan na ang mga diyos na hinaka-haka na itinambal ninyo sa pamamagitan ng pagsamba sa mga iyon
التفاسير العربية:
مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالُواْ ضَلُّواْ عَنَّا بَل لَّمۡ نَكُن نَّدۡعُواْ مِن قَبۡلُ شَيۡـٔٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلۡكَٰفِرِينَ
bukod pa kay Allāh kabilang sa mga anito ninyo na hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala? Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Nalingid sila sa amin kaya hindi kami nakakikita sa kanila; bagkus hindi kami dati sumasamba sa Mundo sa anumang nagiging karapat-dapat sa pagsamba." Tulad ng pagliligaw sa mga ito nagliligaw si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya palayo sa katotohanan sa bawat panahon at lugar.
التفاسير العربية:
ذَٰلِكُم بِمَا كُنتُمۡ تَفۡرَحُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَمۡرَحُونَ
Sasabihin sa kanila: "Ang pagdurusang iyon na pagdurusahan ninyo ay dahilan sa pagkatuwa ninyo sa taglay ninyo dati na shirk at dahil sa pagpapakalawak ninyo sa pagkatuwa.
التفاسير العربية:
ٱدۡخُلُوٓاْ أَبۡوَٰبَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ فَبِئۡسَ مَثۡوَى ٱلۡمُتَكَبِّرِينَ
Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Kaya kay pangit ang pananatilihan ng mga nagpapakamalaki sa katotohanan!"
التفاسير العربية:
فَٱصۡبِرۡ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۚ فَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعۡضَ ٱلَّذِي نَعِدُهُمۡ أَوۡ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيۡنَا يُرۡجَعُونَ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pananakit ng mga kalipi mo at pagpapasinungaling nila; tunay na ang pangako ni Allāh ng pag-aadya sa iyo ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Kaya alinman: magpapakita nga Kami sa iyo sa buhay mo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa gaya ng nangyari sa Araw ng Badr o magpapapanaw nga Kami sa iyo bago niyon. Saka sa Amin lamang sila panunumbalikin sa Araw ng Pagbangon, saka gaganti Kami sa kanila sa mga gawa nila para papasukin Namin sila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• التدرج في الخلق سُنَّة إلهية يتعلم منها الناس التدرج في حياتهم.
Ang pag-uunti-unti sa paglikha ay isang kalakarang pandiyos na natututo mula rito ang mga tao ng pag-uunti-unti sa buhay nila.

• قبح الفرح بالباطل.
Ang kapangitan ng pagkatuwa sa kabulaanan.

• أهمية الصبر في حياة الناس، وبخاصة الدعاة منهم.
Ang kahalagahan ng pagtitiis sa buhay ng mga tao at lalo na sa mga tagapag-anyaya sa Islām kabilang sa kanila.

وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا رُسُلٗا مِّن قَبۡلِكَ مِنۡهُم مَّن قَصَصۡنَا عَلَيۡكَ وَمِنۡهُم مَّن لَّمۡ نَقۡصُصۡ عَلَيۡكَۗ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَن يَأۡتِيَ بِـَٔايَةٍ إِلَّا بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ فَإِذَا جَآءَ أَمۡرُ ٱللَّهِ قُضِيَ بِٱلۡحَقِّ وَخَسِرَ هُنَالِكَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
Talaga ngang nagpadala Kami ng mga sugong marami bago mo pa, O Sugo, sa mga kalipunan nila ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila at nanakit ang mga iyon sa kanila ngunit nagtiis sila sa pagpapasinungaling sa kanila at pananakit sa kanila. Kabilang sa mga sugong ito ang isinalaysay Namin sa iyo ang ulat tungkol sa kanila at kabilang sa kanila ang hindi Namin isinalaysay sa iyo ng ulat tungkol sa kanila. Hindi natutumpak para sa isang sugo na magdala ito sa mga kababayan nito ng isang tanda mula sa Panginoon nito malibang ayon sa kalooban Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya ang pagmumungkahi ng mga tagatangging sumampalataya sa mga sugo nila na magdala ng mga tanda ay isang kawalang-katarungan. Kaya kapag dumating ang utos ni Allāh ng pagpapawagi o pagpapahiwalay sa pagitan ng mga sugo at mga kababayan nila, magpapahiwalay Siya sa pagitan nila ayon sa katarungan. Kaya magpapahamak Siya sa mga tagatangging sumampalataya at magliligtas Siya sa mga sugo. Magpapalugi, sa gayong katayuan na magpapahiwalay sa mga tao, ang mga alagad ng kabulaanan ng mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَنۡعَٰمَ لِتَرۡكَبُواْ مِنۡهَا وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa upang sumakay kayo sa ilan sa mga ito at kumain kayo ng mga karne ng ilan sa mga ito.
التفاسير العربية:
وَلَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَلِتَبۡلُغُواْ عَلَيۡهَا حَاجَةٗ فِي صُدُورِكُمۡ وَعَلَيۡهَا وَعَلَى ٱلۡفُلۡكِ تُحۡمَلُونَ
Ukol sa inyo sa mga nilikhang ito ay mga pakinabang na sarisari, na nagpapabagu-bago sa bawat panahon. Natatamo para sa inyo sa pamamagitan ng mga ito ang naiibigan ninyo na mga pangangailangan na nasa mga sarili ninyo. Ang pinakalitaw sa mga ito ay ang pagpapalipat-lipat sa katihan at karagatan.
التفاسير العربية:
وَيُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ فَأَيَّ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ تُنكِرُونَ
Nagpapakita Siya sa inyo – kaluwalhatian sa Kanya – ng mga tanda Niyang nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya. Kaya sa alin sa mga tanda ni Allāh hindi kayo kumikilala matapos na mapagtibay sa inyo na ang mga ito ay mga tanda Niya?
التفاسير العربية:
أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۚ كَانُوٓاْ أَكۡثَرَ مِنۡهُمۡ وَأَشَدَّ قُوَّةٗ وَءَاثَارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Kaya hindi ba humayo ang mga tagapagpasinungaling na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpapasinungaling kabilang sa nauna pa sa kanila para magsaalang-alang sila sa pamamagitan ng mga iyon? Dati ang mga kalipunang iyon ay higit na marami kaysa sa kanila sa mga yaman, higit na mabigat sa kanila sa lakas, at higit na matindi sa mga impluwensiya sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit na lakas noong dumating sa kanila ang nagpapahamak na pagdurusang dulot ni Allāh.
التفاسير العربية:
فَلَمَّا جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَرِحُواْ بِمَا عِندَهُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Kaya noong naghatid sa kanila ang mga sugo sa kanila ng mga patotoong maliwanag, nagpasinungaling sila sa mga ito at nalugod sila sa pagkapit sa taglay nila na kaalamang sumasalungat sa inihatid sa kanila ng mga sugo sa kanila. Bumaba sa kanila ang dati nilang tinutuya na pagdurusang dating ipinangangamba sa kanila ng mga sugo sa kanila.
التفاسير العربية:
فَلَمَّا رَأَوۡاْ بَأۡسَنَا قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَحۡدَهُۥ وَكَفَرۡنَا بِمَا كُنَّا بِهِۦ مُشۡرِكِينَ
Kaya noong nakakita sila sa pagdurusang dulot Namin, nagsabi sila habang mga umaamin sa sandaling walang ipinakikinabang sa kanila ang pag-amin: "Sumampalataya kami kay Allāh lamang at tumanggi kaming sumampalataya sa anumang kami dati ay sumasamba niyon bukod pa sa Kanya, na mga katambal at mga anito."
التفاسير العربية:
فَلَمۡ يَكُ يَنفَعُهُمۡ إِيمَٰنُهُمۡ لَمَّا رَأَوۡاْ بَأۡسَنَاۖ سُنَّتَ ٱللَّهِ ٱلَّتِي قَدۡ خَلَتۡ فِي عِبَادِهِۦۖ وَخَسِرَ هُنَالِكَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Ngunit hindi nangyaring ang pananampalataya nila – nang nakita nila ang pagdurusang dulot Namin na bumababa sa kanila – ay mapakikinabangan para sa kanila. Bilang kalakaran ni Allāh na naganap sa mga lingkod Niya, hindi magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa. Nalugi ang mga tagatangging sumampalataya sa sandali ng pagbaba ng pagdurusa sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at kawalan ng pagbabalik-loob bago ng pagkakita ng pagdurusa.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• لله رسل غير الذين ذكرهم الله في القرآن الكريم نؤمن بهم إجمالًا.
Si Allāh ay may mga sugong iba pa sa binanggit Niya sa Marangal na Qur'ān. Sumasampalataya tayo sa kanila sa kabuuan.

• من نعم الله تبيينه الآيات الدالة على توحيده.
Kabilang sa mga biyaya ni Allāh ang paglilinaw Niya sa mga tandang nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya.

• خطر الفرح بالباطل وسوء عاقبته على صاحبه.
Ang panganib ng pagkatuwa sa kabulaanan at ang kasagwaan ng kahihinatnan nito sa tao.

• بطلان الإيمان عند معاينة العذاب المهلك.
Ang kawalang-kabuluhan ng pananampalataya sa sandali ng pagkakita ng pagdurusang nagpapahamak.

 
ترجمة معاني سورة: غافر
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق