ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني آية: (155) سورة: الأعراف
وَٱخۡتَارَ مُوسَىٰ قَوۡمَهُۥ سَبۡعِينَ رَجُلٗا لِّمِيقَٰتِنَاۖ فَلَمَّآ أَخَذَتۡهُمُ ٱلرَّجۡفَةُ قَالَ رَبِّ لَوۡ شِئۡتَ أَهۡلَكۡتَهُم مِّن قَبۡلُ وَإِيَّٰيَۖ أَتُهۡلِكُنَا بِمَا فَعَلَ ٱلسُّفَهَآءُ مِنَّآۖ إِنۡ هِيَ إِلَّا فِتۡنَتُكَ تُضِلُّ بِهَا مَن تَشَآءُ وَتَهۡدِي مَن تَشَآءُۖ أَنتَ وَلِيُّنَا فَٱغۡفِرۡ لَنَا وَٱرۡحَمۡنَاۖ وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡغَٰفِرِينَ
Humirang si Moises ng pitumpung lalaking kabilang sa mga mainam sa mga kalipi niya upang humingi ng paumanhin sa Panginoon nila dahil sa ginawa ng mga hunghang nila na pagsamba sa guya. Nangako sa kanila si Allāh ng isang takdang oras na dadaluhan nila. Noong dumalo sila ay naglakas-loob sila kay Allāh. Humiling sila kay Moises na ipakita nito sa kanila si Allāh nang mata sa mata, kaya dumaklot sa kanila ang lindol saka nawalan sila ng malay dahil sa hilakbot doon saka napahamak. Kaya nagsumamo si Moises sa Panginoon niya saka nagsabi: "O Panginoon, kung sakaling niloob Mo ang pagpapahamak sa kanila at ang pagpapahamak sa akin kasama sa kanila bago pa ng pagdating nila ay talaga sanang nagpahamak Ka sa kanila. Magpapahamak Ka ba sa amin dahilan sa ginawa ng mga mahina ang isip kabilang sa amin? Ang isinagawa ng mga kalipi ko na pagsamba sa guya ay walang iba kundi isang pagsusulit at isang pagsubok, na nagliligaw Ka dahil dito sa sinumang niloloob Mo at nagpapatnubay Ka sa sinumang niloloob Mo. Ikaw ay ang Tagatangkilik ng nauukol sa amin, kaya magpatawad Ka sa Amin sa mga pagkakasala namin at maawa Ka sa amin sa pamamagitan ng awa Mong malawak. Ikaw ay ang pinakamainam sa sinumang nagpatawad ng pagkakasala at nagpaumanhin ng kasalanan.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• في الآيات دليل على أن الخطأ في الاجتهاد مع وضوح الأدلة لا يعذر فيه صاحبه عند إجراء الأحكام عليه، وهو ما يسميه الفقهاء بالتأويل البعيد.
Sa mga talata [ng Qur'ān] ay may patunay na ang pagkakamali sa ijtihād (pagsisikap na alamin ang kahatulan) sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay ay hindi napauumanhinan dito ang nagsasagawa nito sa sandali ng pagpapatupad ng mga kahatulan sa kanya. Ito ang tinatawag ng mga faqīh (dalubhasa sa Batas ng Islām) na ta'wīl ba`īd (malayong pagpapakahulugan).

• من آداب الدعاء البدء بالنفس، حيث بدأ موسى عليه السلام دعاءه فطلب المغفرة لنفسه تأدُّبًا مع الله فيما ظهر عليه من الغضب، ثم طلب المغفرة لأخيه فيما عسى أن يكون قد ظهر منه من تفريط أو تساهل في رَدْع عَبَدة العجل عن ذلك.
Kabilang sa mga kaasalan ng panalangin ang pagsisimula sa sarili yayamang nagsimula si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa panalangin niya sa paghingi ng kapatawaran para sa sarili niya bilang pagpipitagan kay Allāh dahil sa lumitaw sa kanya na galit. Pagkatapos humingi siya ng kapatawaran para sa kapatid niya dahil sa marahil may lumitaw nga mula rito na pagpapabaya at pagwawalang-bahala sa pagpigil sa mga mananamba ng guya sa gayon.

• التحذير من الغضب وسلطته على عقل الشخص؛ ولذلك نسب الله للغضب فعل السكوت كأنه هو الآمر والناهي.
Ang pagbibigay-babala laban sa galit at paghahari nito sa isip ng tao at dahil doon nag-ugnay si Allāh sa galit ng paggawa ng pananahimik na para bang iyan ay ang tagautos at ang tagasaway.

• ضرورة التوقي من غضب الله، وخوف بطشه، فانظر إلى مقام موسى عليه السلام عند ربه، وانظر خشيته من غضب ربه.
Ang pangangailangan sa pangingilag sa galit ni Allāh at pangangamba sa daluhong Niya, kaya tumingin ka sa katayuan ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ganang Panginoon niya at tumingin ka sa pagkatakot niya sa galit ng Panginoon niya.

 
ترجمة معاني آية: (155) سورة: الأعراف
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق