ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني آية: (94) سورة: الأعراف
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّبِيٍّ إِلَّآ أَخَذۡنَآ أَهۡلَهَا بِٱلۡبَأۡسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ لَعَلَّهُمۡ يَضَّرَّعُونَ
Hindi nagsugo sa isa sa mga pamayanan ng isa sa mga propeta ni Allāh, saka nagpasinungaling ang mga mamayan nito at tumanggi silang sumampalataya, malibang nagpataw Siya sa kanila ng kahirapan, karalitaan, at karamdaman, sa pag-asang magpakaaba sila sa Kanya para umiwan sila sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at pagmamalaki. Ito ay pagbibigay-babala sa Quraysh at sa bawat sinumang tumangging sumampalataya at nagpasinungaling, sa pamamagitan ng pagbanggit sa kalakaran ni Allāh sa mga kalipunang tagapasinungaling.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• من مظاهر إكرام الله لعباده الصالحين أنه فتح لهم أبواب العلم ببيان الحق من الباطل، وبنجاة المؤمنين، وعقاب الكافرين.
Kabilang sa mga paghahayag ng pagpaparangal ni Allāh sa mga lingkod Niyang maayos ay na Siya ay nagbukas para sa kanila ng mga pinto ng kaalaman sa pamamagitan ng paglilinaw sa katotohanan mula sa kabulaanan at sa pamamagitan ng pagkaligtas ng mga mananampalataya at pagkaparusa sa mga tagatangging sumampalataya.

• من سُنَّة الله في عباده الإمهال؛ لكي يتعظوا بالأحداث، ويُقْلِعوا عما هم عليه من معاص وموبقات.
Bahagi ng kalakaran ni Allāh sa mga lingkod Niya ay ang pagpapalugit upang mapangaralan sila sa pamamagitan ng mga pangyayari at mahugot sila buhat sa taglay nilang mga pagsuway at mga nakapapahamak.

• الابتلاء بالشدة قد يصبر عليه الكثيرون، ويحتمل مشقاته الكثيرون، أما الابتلاء بالرخاء فالذين يصبرون عليه قليلون.
Ang pagsubok sa pamamagitan ng kasawiang-palad ay maaaring nakapagtitiis dito ang marami at nakakakaya sa mga pahirap nito ang marami; ngunit ang pagsubok naman sa pamamagitan ng kariwasaan, ang mga nakapagtitiis dito ay kaunti.

 
ترجمة معاني آية: (94) سورة: الأعراف
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق