ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني آية: (31) سورة: المدثر
وَمَا جَعَلۡنَآ أَصۡحَٰبَ ٱلنَّارِ إِلَّا مَلَٰٓئِكَةٗۖ وَمَا جَعَلۡنَا عِدَّتَهُمۡ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ لِيَسۡتَيۡقِنَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَيَزۡدَادَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِيمَٰنٗا وَلَا يَرۡتَابَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَلِيَقُولَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡكَٰفِرُونَ مَاذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِهَٰذَا مَثَلٗاۚ كَذَٰلِكَ يُضِلُّ ٱللَّهُ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَمَا يَعۡلَمُ جُنُودَ رَبِّكَ إِلَّا هُوَۚ وَمَا هِيَ إِلَّا ذِكۡرَىٰ لِلۡبَشَرِ
Hindi gumawa bilang mga tagatanod ng Apoy malibang mga anghel sapagkat walang kakayahan para sa sangkatauhan sa kanila at hindi gumawa sa bilang nilang ito malibang bilang pagsusulit para sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh upang magsabi ang mga ito ng sinabi sinabi ng mga ito para mag-ibayo sa mga ito ang pagdurusa, upang magpakatiyak ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kapag bumaba ang Qur'ān bilang tagapagpatotoo sa nasa mga Kasulatan nila, upang madagdagan ang mga mananampalataya ng pananampalataya kapag sumang-ayon sa kanila ang mga May Kasulatan at hindi mag-alinlangan ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga nag-aatubili sa pananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya: "May aling bagay na ninais ni Allāh sa kataka-takang bilang na ito?" Tulad ng pagliligaw sa tagapagkaila ng bilang na ito at kapatnubayan ng tagapagpatotoo nito, nagliligaw si Allāh sa sinumang niloob Niya na iligaw at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloob Niya na patnubayan. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo sa dami ng mga ito kundi Siya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang iba ang Apoy kundi isang pagpapaalaala para sa Sangkatauhan, na malalaman nila dahil doon ang kadakilaan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• خطورة الكبر حيث صرف الوليد بن المغيرة عن الإيمان بعدما تبين له الحق.
Ang panganib ng pagkamapagmalaki yayamang lumihis si Al-Walīd bin Al-Mughīrah sa pagsampalataya matapos na luminaw para sa kanya ang katotohanan.

• مسؤولية الإنسان عن أعماله في الدنيا والآخرة.
Ang pananagutan ng tao sa mga gawain niya sa Mundo at Kabilang-buhay.

• عدم إطعام المحتاج سبب من أسباب دخول النار.
Ang hindi pagpapakain sa nangangailangan ay isa sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Apoy.

 
ترجمة معاني آية: (31) سورة: المدثر
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق