ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الإنشقاق
آية:
 

سورة الإنشقاق - Al-Inshiqāq

من مقاصد السورة:
تذكير الإنسان برجوعه لربه، وبيان ضعفه، وتقلّب الأحوال به.
Ang paglalarawan sa [Araw ng] Pagbangon [ng mga patay] sa pamamagitan ng pagsuko ng Sansinukob at pagpapakumbaba nito sa Panginoon nito sa utos Niya bilang pag-oobliga sa pagsuko at bilang pagmamasama sa pagtanggi.

إِذَا ٱلسَّمَآءُ ٱنشَقَّتۡ
Kapag ang langit ay nagkalamat-lamat para sa pagbaba ng mga anghel mula roon,
التفاسير العربية:
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
at nakinig ito sa Panginoon nito habang nagpapaakay at nagindapat para rito iyon,
التفاسير العربية:
وَإِذَا ٱلۡأَرۡضُ مُدَّتۡ
kapag ang lupa ay binanat ni Allāh gaya ng pagbanat sa balat,
التفاسير العربية:
وَأَلۡقَتۡ مَا فِيهَا وَتَخَلَّتۡ
at nagtapon ito ng nasa loob nito na mga kayamanan at mga patay, at nagtatatwa ito sa kanila,
التفاسير العربية:
وَأَذِنَتۡ لِرَبِّهَا وَحُقَّتۡ
at nakinig ito sa Panginoon nito habang nagpapaakay at nagindapat para rito iyon;
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلۡإِنسَٰنُ إِنَّكَ كَادِحٌ إِلَىٰ رَبِّكَ كَدۡحٗا فَمُلَٰقِيهِ
O tao, tunay na ikaw ay gumagawa ng kabutihan o kasamaan kaya makikipagkita [ka] kay Allāh sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa iyo dahil doon.
التفاسير العربية:
فَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ
Kaya tungkol sa sinumang bibigyan ng pahina ng mga gawa niya sa kanang kamay niya,
التفاسير العربية:
فَسَوۡفَ يُحَاسَبُ حِسَابٗا يَسِيرٗا
magtutuos sa kanya si Allāh sa isang pagtutuos na madali: ilalahad sa kanya ang gawa niya nang walang paninisi sa kanya
التفاسير العربية:
وَيَنقَلِبُ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورٗا
at manunumbalik siya sa mag-anak niya na pinagagalak.
التفاسير العربية:
وَأَمَّا مَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ وَرَآءَ ظَهۡرِهِۦ
Tungkol naman sa sinumang bibigyan ng talaan niya sa kaliwa niya mula sa bandang likod niya,
التفاسير العربية:
فَسَوۡفَ يَدۡعُواْ ثُبُورٗا
tatawag siya ng kasawian sa sarili niya
التفاسير العربية:
وَيَصۡلَىٰ سَعِيرًا
at papasok siya sa Apoy ng Impiyerno, na magdurusa sa init niyon.
التفاسير العربية:
إِنَّهُۥ كَانَ فِيٓ أَهۡلِهِۦ مَسۡرُورًا
Tunay na siya dati sa Mundo sa piling ng mga kapwa niya ay natutuwa sa taglay niya na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
التفاسير العربية:
إِنَّهُۥ ظَنَّ أَن لَّن يَحُورَ
Tunay na siya ay nagpalagay na siya ay hindi babalik sa buhay matapos ng kamatayan niya.
التفاسير العربية:
بَلَىٰٓۚ إِنَّ رَبَّهُۥ كَانَ بِهِۦ بَصِيرٗا
Bagkus, talagang magpapabalik nga sa kanya si Allāh sa buhay gaya ng paglikha sa kanya sa unang pagkakataon. Tunay na ang Panginoon niya ay laging sa kalagayan niya nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman, at gaganti sa kanya sa gawa niya.
التفاسير العربية:
فَلَآ أُقۡسِمُ بِٱلشَّفَقِ
Sumumpa si Allāh sa pamumula na nangyayari sa abot-tanaw matapos ng paglubog ng araw.
التفاسير العربية:
وَٱلَّيۡلِ وَمَا وَسَقَ
Sumumpa Siya sa gabi at sa tinitipon dito,
التفاسير العربية:
وَٱلۡقَمَرِ إِذَا ٱتَّسَقَ
at sa buwan kapag nabuo ito, nalubos ito, at naging kabilugan;
التفاسير العربية:
لَتَرۡكَبُنَّ طَبَقًا عَن طَبَقٖ
talagang lululan nga kayo, O mga tao, sa isang kalagayan matapos ng isang kalagayan mula sa isang patak, saka isang malalinta, saka isang kimpal na laman, saka buhay, saka kamatayan, saka pagkabuhay.
التفاسير العربية:
فَمَا لَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ
Kaya ano ang mayroon sa mga tagatangging sumampalataya na ito na hindi sila sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw?
التفاسير العربية:
وَإِذَا قُرِئَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقُرۡءَانُ لَا يَسۡجُدُونَۤ۩
Kapag binigkas sa kanila ang Qur’ān ay hindi sila nagpapatirapa sa Panginoon nila.
التفاسير العربية:
بَلِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يُكَذِّبُونَ
Bagkus ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapasinungaling sa inihatid sa kanila ng Sugo nila.
التفاسير العربية:
وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يُوعُونَ
Si Allāh ay higit na maalam sa anumang nilalaman ng mga dibdib nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman.
التفاسير العربية:
فَبَشِّرۡهُم بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Kaya magpabatid ka sa kanila, O Sugo, hinggil sa naghihintay sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit,
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• خضوع السماء والأرض لربهما.
Ang pagpapakumbaba ng langit at lupa sa Panginoon nila.

• كل إنسان ساعٍ إما لخير وإما لشرّ.
Bawat tao ay nagpupunyagi para sa kabutihan o para sa kasamaan.

• علامة السعادة يوم القيامة أخذ الكتاب باليمين، وعلامة الشقاء أخذه بالشمال.
Ang palatandaan ng kaligayahan sa Araw ng Pagbangon ay ang pagtanggap ng talaan sa kanang kamay at ang palatandaan ng kalumbayan ay ang pagtanggap nito sa kaliwang kamay.


إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونِۭ
maliban sa mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maaayos; ukol sa kanila ay isang gantimpalang hindi magpuputol, ang Paraiso.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• يكون ابتلاء المؤمن على قدر إيمانه.
Ang pagsusulit sa mananampalataya ay ayon sa sukat ng pananampalataya niya.

• إيثار سلامة الإيمان على سلامة الأبدان من علامات النجاة يوم القيامة.
Ang pagtatangi sa pagkaligtas ng pananampalataya higit sa pagkaligtas ng mga katawan ay kabilang sa mga palatandaan ng kaligtasan sa Araw ng Pagbangon.

• التوبة بشروطها تهدم ما قبلها.
Ang pagbabalik-loob ayon sa mga kundisyon nito ay nagwawasak sa anumang [kasalanan] bago nito.


 
ترجمة معاني سورة: الإنشقاق
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق