ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: الأعلى
آية:
 

سورة الأعلى - Al-A‘lā

من مقاصد السورة:
تذكير النفس بالحياة الأخروية، وتخليصها من التعلقات الدنيوية.
Ang pagpapaalaala sa mga kaluluwa sa kagandahang-loob ni Allāh, ang Pinakamataas, ang pagpapakapit sa mga ito sa buhay na pangkabilang-buhay, at ang pagpapakawala sa mga ito mula sa mga pagkahumaling na pangmundo.

سَبِّحِ ٱسۡمَ رَبِّكَ ٱلۡأَعۡلَى
Magpawalang-kapintasan ka sa Panginoon mo na pumaitaas sa nilikha Niya, habang bumibigkas sa pangalan Niya sa sandali ng pagbanggit mo sa Kanya at pagdakila mo sa Kanya,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ
na lumikha sa tao na nahubog at nagpaangkop sa tikas niya,
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ
na nagtakda ng mga nilikha sa mga lahi ng mga ito, mga uri ng mga ito, at mga katangian ng mga ito, at nagpatnubay sa bawat nilikha tungo sa naaangkop dito at tumutugma rito,
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِيٓ أَخۡرَجَ ٱلۡمَرۡعَىٰ
na nagpalabas ng pastulan mula sa lupa na panginginainan ng mga hayop ninyo,
التفاسير العربية:
فَجَعَلَهُۥ غُثَآءً أَحۡوَىٰ
saka gumawa Siya rito na dayaming tuyo na medyo nangingitim matapos na ito dati ay luntiang sariwa.
التفاسير العربية:
سَنُقۡرِئُكَ فَلَا تَنسَىٰٓ
Magpapabigkas Kami sa iyo, O Sugo, ng Qur’ān at mag-iipon Kami nito sa dibdib mo at hindi ka makalilimot nito kaya huwag kang makipag-unahan kay Anghel Gabriel sa pagbigkas gaya ng dati mong ginagawa dahil sa pagsisigasig na hindi ka makalimot nito,
التفاسير العربية:
إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلۡجَهۡرَ وَمَا يَخۡفَىٰ
maliban sa niloob ni Allāh na makalimot ka mula roon dahil sa isang kasanhian. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaalam sa anumang inihahayag at anumang ikinukubli. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
التفاسير العربية:
وَنُيَسِّرُكَ لِلۡيُسۡرَىٰ
Magpapagaan Kami sa iyo ng paggawa ng nagpapalugod kay Allāh na mga gawain na nakapagpapasok sa Paraiso.
التفاسير العربية:
فَذَكِّرۡ إِن نَّفَعَتِ ٱلذِّكۡرَىٰ
Kaya mangaral ka sa mga tao sa pamamagitan ng ikinasi Namin sa iyo mula sa Qur'ān, at magpaalaala ka sa kanila hanggat ang paalaala ay naririnig.
التفاسير العربية:
سَيَذَّكَّرُ مَن يَخۡشَىٰ
Mapangangaralan sa pamamagitan ng mga pangaral mo ang sinumang nangangamba kay Allāh dahil siya ay ang makikinabang sa pangaral,
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• تحفظ الملائكة الإنسان وأعماله خيرها وشرها ليحاسب عليها.
Nag-iingat ang mga anghel sa tao at mga gawa nito: ang mabuti sa mga ito at ang masama sa mga ito, upang tuusin siya sa mga ito.

• ضعف كيد الكفار إذا قوبل بكيد الله سبحانه.
Ang kahinaan ng pakana ng mga tagatangging sumampalataya kapag inihambing sa pakana ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.

• خشية الله تبعث على الاتعاظ.
Ang takot kay Allāh ay pumupukaw sa pagtanggap ng pangaral.


وَيَتَجَنَّبُهَا ٱلۡأَشۡقَى
at lumalayo sa pangaral at umiiwas dito ang tagatangging sumampalataya dahil siya ay pinakamatindi sa mga tao sa pagkalumbay sa Kabilang-buhay dahil sa pagpasok niya sa Apoy,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِي يَصۡلَى ٱلنَّارَ ٱلۡكُبۡرَىٰ
na papasok sa Apoy na pinakamalaki ng Kabilang-buhay upang magdusa sa init niyon at magpakasakit doon magpakailanman.
التفاسير العربية:
ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ
Pagkatapos pamamalagiin siya sa Apoy kung saan hindi siya mamamatay roon para makapagpahinga sa pinagdurusahan niya na pagdurusa at hindi mabubuhay sa isang kaaya-ayang buhay na marangal.
التفاسير العربية:
قَدۡ أَفۡلَحَ مَن تَزَكَّىٰ
Nagtamo nga ng hinihiling ang sinumang nagpakadalisay mula sa pagtatambal at mga pagsuway
التفاسير العربية:
وَذَكَرَ ٱسۡمَ رَبِّهِۦ فَصَلَّىٰ
at bumanggit sa Panginoon niya sa pamamagitan ng isinabatas Niya na mga uri ng pagbanggit at pag-alaala (dhikr) at nagsagawa ng dasal ayon sa katangiang hinihiling para sa pagsasagawa nito.
التفاسير العربية:
بَلۡ تُؤۡثِرُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا
Bagkus nag-uuna kayo ng buhay na pangmundo at nagmamagaling kayo nito higit sa Kabilang-buhay sa kabila ng isang sukdulang pagkakaibahan sa pagitan ng dalawang ito.
التفاسير العربية:
وَٱلۡأٓخِرَةُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ
Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na mainam kaysa sa Mundo at anumang narito na mga tinatamasa at mga minamasarap, at higit na namamalagi dahil ang anumang naroon na kaginhawahan ay hindi napuputol magpakailanman.
التفاسير العربية:
إِنَّ هَٰذَا لَفِي ٱلصُّحُفِ ٱلۡأُولَىٰ
Tunay na itong nabanggit Namin sa inyo na mga utos at mga ulat ay talagang nasa mga kalatas na pinababa bago mo pa,
التفاسير العربية:
صُحُفِ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ
Ang mga ito ay ang mga kalatas na pinababa kina Abraham at Moises – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan.
التفاسير العربية:
من فوائد الآيات في هذه الصفحة:
• أهمية تطهير النفس من الخبائث الظاهرة والباطنة.
Ang kahalagahan ng pagdadalisay sa sarili mula sa mga karimarimarim na panlabas at panloob.

• الاستدلال بالمخلوقات على وجود الخالق وعظمته.
Ang pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nilikha sa kairalan ng Tagalikha at kadakilaan Niya.

• مهمة الداعية الدعوة، لا حمل الناس على الهداية؛ لأن الهداية بيد الله.
Ang misyon ng tagapag-anyaya tungo sa Islām ay ang pag-aanyaya, hindi ang pagdala sa mga tao sa kapatnubayan dahil ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh.


 
ترجمة معاني سورة: الأعلى
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم - فهرس التراجم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم، صادر عن مركز تفسير للدراسات القرآنية.

إغلاق