للإطلاع على الموقع بحلته الجديدة

ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة * - فهرس التراجم

PDF XML CSV Excel API
تنزيل الملفات يتضمن الموافقة على هذه الشروط والسياسات

ترجمة معاني سورة: الرعد   آية:
وَيَسۡتَعۡجِلُونَكَ بِٱلسَّيِّئَةِ قَبۡلَ ٱلۡحَسَنَةِ وَقَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِمُ ٱلۡمَثُلَٰتُۗ وَإِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغۡفِرَةٖ لِّلنَّاسِ عَلَىٰ ظُلۡمِهِمۡۖ وَإِنَّ رَبَّكَ لَشَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Nagmamadali sila sa iyo ng masagwa bago ng maganda samantalang lumipas na bago pa nila ang mga tulad na parusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kapatawaran para sa mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan. Tunay ang Panginoon mo ay talagang matindi ang parusa.
التفاسير العربية:
وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَةٞ مِّن رَّبِّهِۦٓۗ إِنَّمَآ أَنتَ مُنذِرٞۖ وَلِكُلِّ قَوۡمٍ هَادٍ
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Ikaw ay isang tagapagbabala lamang. Para sa bawat [pangkat ng] mga tao ay may tagapagpatnubay.
التفاسير العربية:
ٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَحۡمِلُ كُلُّ أُنثَىٰ وَمَا تَغِيضُ ٱلۡأَرۡحَامُ وَمَا تَزۡدَادُۚ وَكُلُّ شَيۡءٍ عِندَهُۥ بِمِقۡدَارٍ
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang dinadala ng bawat babae [sa sinapupunan], anumang kinakapos ang mga sinapupunan, at anumang lumalabis ang mga ito. Bawat bagay sa ganang Kanya ay ayon sa sukat,
التفاسير العربية:
عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡكَبِيرُ ٱلۡمُتَعَالِ
ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, ang Malaki, ang Pagkataas-taas.
التفاسير العربية:
سَوَآءٞ مِّنكُم مَّنۡ أَسَرَّ ٱلۡقَوۡلَ وَمَن جَهَرَ بِهِۦ وَمَنۡ هُوَ مُسۡتَخۡفِۭ بِٱلَّيۡلِ وَسَارِبُۢ بِٱلنَّهَارِ
Pantay [sa Kanya] hinggil sa inyo ang sinumang naglihim ng sinabi at ang sinumang naghayag nito, at ang sinumang siyang tagapagpakubli sa gabi at tagapaglantad sa maghapon.
التفاسير العربية:
لَهُۥ مُعَقِّبَٰتٞ مِّنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ يَحۡفَظُونَهُۥ مِنۡ أَمۡرِ ٱللَّهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُغَيِّرُ مَا بِقَوۡمٍ حَتَّىٰ يُغَيِّرُواْ مَا بِأَنفُسِهِمۡۗ وَإِذَآ أَرَادَ ٱللَّهُ بِقَوۡمٖ سُوٓءٗا فَلَا مَرَدَّ لَهُۥۚ وَمَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَالٍ
Para sa kanya ay may mga [anghel na] nagkakasunud-sunod mula sa harapan niya at mula sa likuran niya, na nag-iingat sa kanya ayon sa utos ni Allāh. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapaiba sa anumang nasa mga tao hanggang sa magpaiba sila sa nasa mga sarili nila. Kapag nagnais si Allāh sa mga tao ng isang kasagwaan ay walang pagpipigil doon. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang tagatangkilik.
التفاسير العربية:
هُوَ ٱلَّذِي يُرِيكُمُ ٱلۡبَرۡقَ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَيُنشِئُ ٱلسَّحَابَ ٱلثِّقَالَ
Siya ang nagpapakita sa inyo ng kidlat sa pangamba at sa paghahangad, at nagpapairal sa mga ulap na mabibigat.
التفاسير العربية:
وَيُسَبِّحُ ٱلرَّعۡدُ بِحَمۡدِهِۦ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ مِنۡ خِيفَتِهِۦ وَيُرۡسِلُ ٱلصَّوَٰعِقَ فَيُصِيبُ بِهَا مَن يَشَآءُ وَهُمۡ يُجَٰدِلُونَ فِي ٱللَّهِ وَهُوَ شَدِيدُ ٱلۡمِحَالِ
Nagluluwalhati ang kulog kalakip ng pagpupuri sa Kanya at ang mga anghel dahil sa pangagamba sa Kanya. Nagpapadala Siya ng mga lintik saka nagpapatama Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya habang sila ay nakikipagtalo hinggil kay Allāh gayong Siya ay matindi ang kapangyarihan.
التفاسير العربية:
 
ترجمة معاني سورة: الرعد
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة - فهرس التراجم

ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع جمعية الدعوة بالربوة وجمعية خدمة المحتوى الإسلامي باللغات.

إغلاق