ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم


ترجمة معاني سورة: لقمان
آية:
 

لقمان

الٓمٓ
Alif. Lām. Mīm.
التفاسير العربية:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡحَكِيمِ
Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na marunong
التفاسير العربية:
هُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّلۡمُحۡسِنِينَ
bilang patnubay at awa para sa mga tagagawa ng maganda,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
na mga nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zakāh, at sila, sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak.
التفاسير العربية:
أُوْلَـٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدٗى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Ang mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.
التفاسير العربية:
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشۡتَرِي لَهۡوَ ٱلۡحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَـٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ
May mga tao na bumibili ng paglilibang ng pag-uusap upang magpaligaw palayo sa landas ni Allāh nang walang kaalaman at gumagawa rito bilang isang biro. Ang mga iyon ay magkakaroon ng isang pagdurusang manghahamak.
التفاسير العربية:
وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا وَلَّىٰ مُسۡتَكۡبِرٗا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَا كَأَنَّ فِيٓ أُذُنَيۡهِ وَقۡرٗاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin ay tumatalikod siya na nagmamalaki na para bang hindi siya nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّـٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّـٰتُ ٱلنَّعِيمِ
Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ang mga hardin ng kaginhawahan
التفاسير العربية:
خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٗاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
bilang mga mananatili roon bilang pangako ni Allāh, na totoo. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
التفاسير العربية:
خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ بِغَيۡرِ عَمَدٖ تَرَوۡنَهَاۖ وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةٖۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجٖ كَرِيمٍ
Lumikha Siya ng mga langit nang walang mga haliging nakikita ninyo. Naglapat Siya sa lupa ng mga matibay na bundok nang hindi gumalaw-galaw ito kasama ninyo. Nagkalat Siya rito ng bawat uri ng hayop. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig at nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marangal.
التفاسير العربية:
هَٰذَا خَلۡقُ ٱللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ بَلِ ٱلظَّـٰلِمُونَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Ito ay ang pagkalikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha ng mga iba pa sa Kanya. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
التفاسير العربية:

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا لُقۡمَٰنَ ٱلۡحِكۡمَةَ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِلَّهِۚ وَمَن يَشۡكُرۡ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٞ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng karunungan, [na nag-uutos]: "Magpasalamat ka kay Allāh." Ang sinumang nagpapasalamat ay nagpapasalamat lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.
التفاسير العربية:
وَإِذۡ قَالَ لُقۡمَٰنُ لِٱبۡنِهِۦ وَهُوَ يَعِظُهُۥ يَٰبُنَيَّ لَا تُشۡرِكۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّ ٱلشِّرۡكَ لَظُلۡمٌ عَظِيمٞ
[Banggitin] noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nangangaral dito: "O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh. Tunay na ang pagtatambal ay talagang isang paglabag sa katarungan, na sukdulan."
التفاسير العربية:
وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ وَهۡنًا عَلَىٰ وَهۡنٖ وَفِصَٰلُهُۥ فِي عَامَيۡنِ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيۡكَ إِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw ng isang panlalata. Ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon. Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan.
التفاسير العربية:
وَإِن جَٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٞ فَلَا تُطِعۡهُمَاۖ وَصَاحِبۡهُمَا فِي ٱلدُّنۡيَا مَعۡرُوفٗاۖ وَٱتَّبِعۡ سَبِيلَ مَنۡ أَنَابَ إِلَيَّۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti. Sumunod ka sa landas ng nagsisi sa Akin. Pagkatapos ay sa Akin ang panunumbalikan ninyo at magbabalita Ako sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa.
التفاسير العربية:
يَٰبُنَيَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٖ فَتَكُن فِي صَخۡرَةٍ أَوۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَوۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَأۡتِ بِهَا ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ
[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ito, kung naging kasimbigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa isang bato o nasa mga langit o nasa lupa, maglalahad nito si Allāh. Tunay na si Allāh ay Nakatatalos, Nakababatid.
التفاسير العربية:
يَٰبُنَيَّ أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱنۡهَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَآ أَصَابَكَۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ
O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang tumatama sa iyo. Tunay na iyon ay bahagi ng kabilang sa pinagpasyahan sa mga usapin.
التفاسير العربية:
وَلَا تُصَعِّرۡ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمۡشِ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَحًاۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٖ
Huwag kang magbaling ng pisngi mo sa mga tao at huwag kang maglakad sa lupa dala ng pagpapakasaya. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mayabang na hambog.
التفاسير العربية:
وَٱقۡصِدۡ فِي مَشۡيِكَ وَٱغۡضُضۡ مِن صَوۡتِكَۚ إِنَّ أَنكَرَ ٱلۡأَصۡوَٰتِ لَصَوۡتُ ٱلۡحَمِيرِ
Magpakakatamtaman ka sa paglakad mo at magbaba ka ng tinig mo; tunay na ang pinakamasagwa sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno.
التفاسير العربية:

أَلَمۡ تَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَسۡبَغَ عَلَيۡكُمۡ نِعَمَهُۥ ظَٰهِرَةٗ وَبَاطِنَةٗۗ وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَلَا هُدٗى وَلَا كِتَٰبٖ مُّنِيرٖ
Hindi ba kayo nakakita na si Allāh ay nagpalingkod para sa inyo ng nasa mga langit at nasa lupa at naglubus-lubos sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran at pakubli. Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay Allāh nang walang kaalaman ni patnubay ni aklat na nabibigay-liwanag.
التفاسير العربية:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ بَلۡ نَتَّبِعُ مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ يَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ
Kapag sinabi sa kanila: "Sundin ninyo ang ibinaba ni Allāh," nagsasabi sila: "Bagkus sinusunod namin ang natagpuan namin sa mga magulang namin." Kahit ba ang Demonyo ay nag-aanyaya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno?
التفاسير العربية:
۞وَمَن يُسۡلِمۡ وَجۡهَهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰۗ وَإِلَى ٱللَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ
Ang sinumang nagsusuko ng mukha niya kay Allāh habang siya ay tagagawa ng maganda ay nangunyapit nga sa hawakang pinakamatibay. Tungo kay Allāh ang kahihinatnan ng mga usapin.
التفاسير العربية:
وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحۡزُنكَ كُفۡرُهُۥٓۚ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo ang kawalang-pananampalataya niya. Sa Amin ang panunumbalikan nila at magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh ay Maalam sa nasa mga dibdib.
التفاسير العربية:
نُمَتِّعُهُمۡ قَلِيلٗا ثُمَّ نَضۡطَرُّهُمۡ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٖ
Magpapatamasa Kami sa kanila ng kaunti, pagkatapos ay magtataboy Kami sa kanila sa isang pagdurusang mabagsik.
التفاسير العربية:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na si Allāh. Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh." Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.
التفاسير العربية:
لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ
Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri.
التفاسير العربية:
وَلَوۡ أَنَّمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن شَجَرَةٍ أَقۡلَٰمٞ وَٱلۡبَحۡرُ يَمُدُّهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦ سَبۡعَةُ أَبۡحُرٖ مَّا نَفِدَتۡ كَلِمَٰتُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ
Kung sakaling ang anumang nasa lupa na punong-kahoy ay mga panulat at ang dagat [ay tinta], na dinagdagan ito noong matapos nito ng pitong dagat, hindi mauubos ang mga salita ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
التفاسير العربية:
مَّا خَلۡقُكُمۡ وَلَا بَعۡثُكُمۡ إِلَّا كَنَفۡسٖ وَٰحِدَةٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ
Walang iba ang pagkalikha sa inyo ni ang pagbubuhay sa inyo kundi gaya ng kaluluwang iisa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
التفاسير العربية:

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى وَأَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpapaloob sa gabi sa maghapon, nagpapaloob sa maghapon sa gabi, nagpalingkod sa araw at buwan, na bawat isa ay umiinog tungo sa isang panahong itinakda, at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid?
التفاسير العربية:
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ
Iyon ay dahil si Allāh ay ang Totoo, at na ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at na si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki.
التفاسير العربية:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ لِيُرِيَكُم مِّنۡ ءَايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ
Hindi ka ba nakakita na ang mga daong ay naglalayag sa dagat dahil sa biyaya ni Allāh upang magpakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya? Tunay sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis, na mapagpasalamat.
التفاسير العربية:
وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوۡجٞ كَٱلظُّلَلِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ فَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا كُلُّ خَتَّارٖ كَفُورٖ
Kapag binalot sila ng mga alon na gaya ng mga kulandong ay dumadalangin sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima, ngunit noong nailigtas Niya sila patungo sa katihan ay mayroon sa kanila na katamtaman [sa pagpapasalamat]. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat palasira sa pangako na palatangging magpasalamat.
التفاسير العربية:
يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡ وَٱخۡشَوۡاْ يَوۡمٗا لَّا يَجۡزِي وَالِدٌ عَن وَلَدِهِۦ وَلَا مَوۡلُودٌ هُوَ جَازٍ عَن وَالِدِهِۦ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo at matakot kayo sa isang Araw na hindi makapagdudulot ang isang magulang para sa anak niya ni ang isang inanak ay makapagdudulot para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang mandaya sa inyo ang buhay pangmundo at huwag ngang mandaya sa inyo hinggil kay Allāh ang mandaraya.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡأَرۡحَامِۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسٞ مَّاذَا تَكۡسِبُ غَدٗاۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسُۢ بِأَيِّ أَرۡضٖ تَمُوتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرُۢ
Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali, nagbababa ng ulan, at nakaaalam sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Nakababatid.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: لقمان
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

ترجمة معاني القرآن الكريم للغة الفلبينية (تجالوج) ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق