للإطلاع على الموقع بحلته الجديدة

ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة * - فهرس التراجم

PDF XML CSV Excel API
تنزيل الملفات يتضمن الموافقة على هذه الشروط والسياسات

ترجمة معاني سورة: فاطر   آية:
وَٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ هُوَ ٱلۡحَقُّ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِۗ إِنَّ ٱللَّهَ بِعِبَادِهِۦ لَخَبِيرُۢ بَصِيرٞ
Ang ikinasi Namin sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] na Aklat ay ang totoo, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito.[6] Tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay talagang Mapagbatid, Nakakikita.
[6] na Torah, Ebanghelyo, Salmo, at iba pa
التفاسير العربية:
ثُمَّ أَوۡرَثۡنَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَيۡنَا مِنۡ عِبَادِنَاۖ فَمِنۡهُمۡ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ وَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞ وَمِنۡهُمۡ سَابِقُۢ بِٱلۡخَيۡرَٰتِ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡكَبِيرُ
Pagkatapos ipinamana Namin ang Aklat sa mga hinirang Namin mula sa mga lingkod Namin; ngunit mayroon sa kanila na tagalabag sa katarungan sa sarili niya,[7] mayroon sa kanila na katamtaman,[8] at mayroon sa kanila na nangunguna sa mga kabutihan ayon sa pahintulot ni Allāh. Iyon ay ang malaking kabutihang-loob.[9]
[7] dahil sa paggawa ng mga ipinagbabawal at hindi pag-iwan ng mga tungkulin
[8] na nakatutupad sa mga pinakamababang kailangan at umiiwas sa mga bawal na gawain
[9] O ang malaking kalamangan.
التفاسير العربية:
جَنَّٰتُ عَدۡنٖ يَدۡخُلُونَهَا يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَلُؤۡلُؤٗاۖ وَلِبَاسُهُمۡ فِيهَا حَرِيرٞ
Ang mga hardin ng Eden ay papasukin nila. Gagayakan sila sa mga iyon ng mga pulseras na ginto at mga perlas. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla.
التفاسير العربية:
وَقَالُواْ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِيٓ أَذۡهَبَ عَنَّا ٱلۡحَزَنَۖ إِنَّ رَبَّنَا لَغَفُورٞ شَكُورٌ
Magsasabi sila: “Ang papuri ay ukol kay Allāh na nag-alis sa amin ng lungkot. Tunay na ang Panginoon namin ay talagang Mapagpatawad, Mapagpasalamat.”
التفاسير العربية:
ٱلَّذِيٓ أَحَلَّنَا دَارَ ٱلۡمُقَامَةِ مِن فَضۡلِهِۦ لَا يَمَسُّنَا فِيهَا نَصَبٞ وَلَا يَمَسُّنَا فِيهَا لُغُوبٞ
[Siya] ang nagpatahan sa amin sa tahanan ng pananatilihan dahil sa kabutihang-loob Niya. Walang sumasaling sa amin doon na isang pagkapagal at walang sumasaling sa amin na isang pagkapata.
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَهُمۡ نَارُ جَهَنَّمَ لَا يُقۡضَىٰ عَلَيۡهِمۡ فَيَمُوتُواْ وَلَا يُخَفَّفُ عَنۡهُم مِّنۡ عَذَابِهَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي كُلَّ كَفُورٖ
Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno. Hindi humuhusga sa kanila para mamatay sila at hindi nagpapagaan sa kanila ng pagdurusang dulot nito. Gayon Kami gaganti sa bawat mapagtangging magpasalamat.
التفاسير العربية:
وَهُمۡ يَصۡطَرِخُونَ فِيهَا رَبَّنَآ أَخۡرِجۡنَا نَعۡمَلۡ صَٰلِحًا غَيۡرَ ٱلَّذِي كُنَّا نَعۡمَلُۚ أَوَلَمۡ نُعَمِّرۡكُم مَّا يَتَذَكَّرُ فِيهِ مَن تَذَكَّرَ وَجَآءَكُمُ ٱلنَّذِيرُۖ فَذُوقُواْ فَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِن نَّصِيرٍ
Sila ay magtititili roon: “Panginoon namin, magpalabas Ka sa amin [para makabalik sa Mundo], gagawa kami ng maayos na iba sa dati naming ginagawa.” [Magsasabi si Allāh:] Hindi ba Kami nagpatanda sa inyo sa [edad na] nakapagsasaalaala rito ang sinumang nakapagsasaalaala at dumating sa inyo ang mapagbabala? Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa sa Impiyerno] sapagkat walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mapag-adya.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ عَٰلِمُ غَيۡبِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ
Tunay na si Allāh ay Tagaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa. Tunay na Siya ay Maalam sa kaibuturan ng mga dibdib.
التفاسير العربية:
 
ترجمة معاني سورة: فاطر
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - مركز رواد الترجمة - فهرس التراجم

ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع جمعية الدعوة بالربوة وجمعية خدمة المحتوى الإسلامي باللغات.

إغلاق