ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) * - فهرس التراجم

تنزيل XML - تنزيل CSV - تنزيل Excel

ترجمة معاني سورة: الزخرف
آية:
 

الزخرف

حمٓ
Ḥā. Mīm.
التفاسير العربية:
وَٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Sumpa man sa Aklat na naglilinaw,
التفاسير العربية:
إِنَّا جَعَلۡنَٰهُ قُرۡءَٰنًا عَرَبِيّٗا لَّعَلَّكُمۡ تَعۡقِلُونَ
tunay na Kami ay gumawa nito bilang Qur’ān na Arabe nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.
التفاسير العربية:
وَإِنَّهُۥ فِيٓ أُمِّ ٱلۡكِتَٰبِ لَدَيۡنَا لَعَلِيٌّ حَكِيمٌ
Tunay na ito, sa Ina ng Aklat na nasa Amin, ay talagang mataas, marunong.
التفاسير العربية:
أَفَنَضۡرِبُ عَنكُمُ ٱلذِّكۡرَ صَفۡحًا أَن كُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّسۡرِفِينَ
Kaya ba magbabaling Kami palayo sa inyo ng paalaala sa isang tabi dahil kayo ay mga taong nagpapakalabis?
التفاسير العربية:
وَكَمۡ أَرۡسَلۡنَا مِن نَّبِيّٖ فِي ٱلۡأَوَّلِينَ
Kay rami ng isinugo Namin na propeta sa mga sinauna.
التفاسير العربية:
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن نَّبِيٍّ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Walang pumupunta sa kanila na isang propeta malibang sila noon sa kanya ay nangungutya.
التفاسير العربية:
فَأَهۡلَكۡنَآ أَشَدَّ مِنۡهُم بَطۡشٗا وَمَضَىٰ مَثَلُ ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya nagpahamak Kami sa higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik at nagdaan ang tulad sa mga sinauna.
التفاسير العربية:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ خَلَقَهُنَّ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡعَلِيمُ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan, ang Maalam,
التفاسير العربية:
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَجَعَلَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا لَّعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan at gumawa para sa inyo roon ng mga landas nang harinawa kayo ay mapatnubayan,
التفاسير العربية:

وَٱلَّذِي نَزَّلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٖ فَأَنشَرۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗاۚ كَذَٰلِكَ تُخۡرَجُونَ
na nagbaba mula sa langit ng tubig ayon sa isang sukat saka nagpabuhay sa pamamagitan nito sa isang patay na bayan. Gayon kayo palalabasin.
التفاسير العربية:
وَٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا وَجَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلۡفُلۡكِ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مَا تَرۡكَبُونَ
at na lumikha ng mga magkapares sa kabuuan ng mga ito at gumawa para sa inyo mula sa mga daong at mga hayupan ng sinasakyan ninyo
التفاسير العربية:
لِتَسۡتَوُۥاْ عَلَىٰ ظُهُورِهِۦ ثُمَّ تَذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ رَبِّكُمۡ إِذَا ٱسۡتَوَيۡتُمۡ عَلَيۡهِ وَتَقُولُواْ سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَنَا هَٰذَا وَمَا كُنَّا لَهُۥ مُقۡرِنِينَ
upang lumuklok kayo sa mga likod ng mga ito, pagkatapos makaalaala kayo sa biyaya ng Panginoon ninyo kapag nakaluklok na kayo sa mga ito at magsabi kayo: "Kaluwalhatian sa Kanya na nagpasilbi para sa amin ng mga ito samantalang kami sa mga ito ay hindi naging mga makapananaig.
التفاسير العربية:
وَإِنَّآ إِلَىٰ رَبِّنَا لَمُنقَلِبُونَ
Tunay na kami sa Panginoon namin ay talagang mga uuwi."
التفاسير العربية:
وَجَعَلُواْ لَهُۥ مِنۡ عِبَادِهِۦ جُزۡءًاۚ إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لَكَفُورٞ مُّبِينٌ
Nagturing sila para sa Kanya mula sa mga lingkod Niya ng isang bahagi. Tunay na ang tao ay talagang isang malinaw na mapagtangging magpasalamat.
التفاسير العربية:
أَمِ ٱتَّخَذَ مِمَّا يَخۡلُقُ بَنَاتٖ وَأَصۡفَىٰكُم بِٱلۡبَنِينَ
O gumawa ba Siya mula sa nililikha Niya ng mga babaing anak at humirang Siya sa inyo ng mga lalaking anak?
التفاسير العربية:
وَإِذَا بُشِّرَ أَحَدُهُم بِمَا ضَرَبَ لِلرَّحۡمَٰنِ مَثَلٗا ظَلَّ وَجۡهُهُۥ مُسۡوَدّٗا وَهُوَ كَظِيمٌ
Kapag binalitaan ang isa sa kanila ng [ng pagsilang ng] inilahad niya para sa Napakamaawain bilang paghahalintulad, ang mukha niya ay naging nangingitim habang siya ay hapis.
التفاسير العربية:
أَوَمَن يُنَشَّؤُاْ فِي ٱلۡحِلۡيَةِ وَهُوَ فِي ٱلۡخِصَامِ غَيۡرُ مُبِينٖ
O ang sinumang pinalalaki ba sa mga hiyas, habang siya sa pakikipag-alitan ay hindi malinaw, [ay inuugnay kay Allāh]?
التفاسير العربية:
وَجَعَلُواْ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةَ ٱلَّذِينَ هُمۡ عِبَٰدُ ٱلرَّحۡمَٰنِ إِنَٰثًاۚ أَشَهِدُواْ خَلۡقَهُمۡۚ سَتُكۡتَبُ شَهَٰدَتُهُمۡ وَيُسۡـَٔلُونَ
Nagturing sila sa mga anghel na mga lingkod ng Napakamaawain bilang mga babae. Nakasaksi ba sila sa paglikha sa mga iyon? Isusulat ang pagsaksi nila at tatanungin sila.
التفاسير العربية:
وَقَالُواْ لَوۡ شَآءَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مَا عَبَدۡنَٰهُمۗ مَّا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَخۡرُصُونَ
Nagsabi sila: "Kung sakaling niloob ng Napakamaawain ay hindi sana kami sumamba sa kanila." Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagsasapantaha.
التفاسير العربية:
أَمۡ ءَاتَيۡنَٰهُمۡ كِتَٰبٗا مِّن قَبۡلِهِۦ فَهُم بِهِۦ مُسۡتَمۡسِكُونَ
O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat bago pa nito kaya sila roon ay mga kumakapit?
التفاسير العربية:
بَلۡ قَالُوٓاْ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّهۡتَدُونَ
Bagkus nagsabi sila: "Tunay kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga napapatnubayan."
التفاسير العربية:

وَكَذَٰلِكَ مَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ فِي قَرۡيَةٖ مِّن نَّذِيرٍ إِلَّا قَالَ مُتۡرَفُوهَآ إِنَّا وَجَدۡنَآ ءَابَآءَنَا عَلَىٰٓ أُمَّةٖ وَإِنَّا عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِم مُّقۡتَدُونَ
Gaya niyon, hindi Kami nagsugo bago mo pa sa isang pamayanan ng anumang mapagbabala malibang nagsabi ang mga pinariwasa roon: "Tunay na kami ay nakatagpo sa mga magulang namin sa isang paniniwala, at tunay na kami sa mga bakas nila ay mga tumutulad."
التفاسير العربية:
۞قَٰلَ أَوَلَوۡ جِئۡتُكُم بِأَهۡدَىٰ مِمَّا وَجَدتُّمۡ عَلَيۡهِ ءَابَآءَكُمۡۖ قَالُوٓاْ إِنَّا بِمَآ أُرۡسِلۡتُم بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Nagsabi [ang sugo sa kanila]: "Kahit pa ba naghatid ako sa inyo ng higit na patnubay kaysa sa natagpuan ninyo sa mga magulang ninyo?" Nagsabi sila: "Tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya."
التفاسير العربية:
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُكَذِّبِينَ
Kaya naghiganti Kami sa kanila. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.
التفاسير العربية:
وَإِذۡ قَالَ إِبۡرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦٓ إِنَّنِي بَرَآءٞ مِّمَّا تَعۡبُدُونَ
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo,
التفاسير العربية:
إِلَّا ٱلَّذِي فَطَرَنِي فَإِنَّهُۥ سَيَهۡدِينِ
maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin."
التفاسير العربية:
وَجَعَلَهَا كَلِمَةَۢ بَاقِيَةٗ فِي عَقِبِهِۦ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Gumawa siya rito bilang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay babalik.
التفاسير العربية:
بَلۡ مَتَّعۡتُ هَـٰٓؤُلَآءِ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ وَرَسُولٞ مُّبِينٞ
Bagkus nagpatamasa Ako sa mga ito at mga magulang nila hanggang sa dumating sa kanila ang katotohanan at isang sugong malinaw.
التفاسير العربية:
وَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ وَإِنَّا بِهِۦ كَٰفِرُونَ
Noong dumating sa kanila ang katotohanan ay nagsabi sila: "Ito ay panggagaway at tunay na kami rito ay mga tagatangging sumampalataya."
التفاسير العربية:
وَقَالُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانُ عَلَىٰ رَجُلٖ مِّنَ ٱلۡقَرۡيَتَيۡنِ عَظِيمٍ
Nagsabi sila: "Bakit kasi hindi ibinaba ang Qur’ān na ito sa isang lalaking, mula sa dalawang pamayanan, na dakila."
التفاسير العربية:
أَهُمۡ يَقۡسِمُونَ رَحۡمَتَ رَبِّكَۚ نَحۡنُ قَسَمۡنَا بَيۡنَهُم مَّعِيشَتَهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَرَفَعۡنَا بَعۡضَهُمۡ فَوۡقَ بَعۡضٖ دَرَجَٰتٖ لِّيَتَّخِذَ بَعۡضُهُم بَعۡضٗا سُخۡرِيّٗاۗ وَرَحۡمَتُ رَبِّكَ خَيۡرٞ مِّمَّا يَجۡمَعُونَ
Sila ba ay namamahagi ng awa ng Panginoon mo? Kami ay namamahagi sa pagitan nila ng kabuhayan nila sa buhay na pangmundo. Nag-angat Kami sa iba sa kanila higit sa iba pa sa mga antas upang gumamit ang iba sa kanila sa iba pa sa pagsisilbi. Ang awa ng Panginoon mo ay higit na mabuti kaysa sa anumang tinitipon nila.
التفاسير العربية:
وَلَوۡلَآ أَن يَكُونَ ٱلنَّاسُ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ لَّجَعَلۡنَا لِمَن يَكۡفُرُ بِٱلرَّحۡمَٰنِ لِبُيُوتِهِمۡ سُقُفٗا مِّن فِضَّةٖ وَمَعَارِجَ عَلَيۡهَا يَظۡهَرُونَ
Kung hindi dahil sa ang mga tao ay magiging nag-iisang kalipunan [sa kawalang-pananampalataya] ay talaga sanang gumawa para sa sinumang tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain para sa mga bahay nila ng mga bubong na pilak at mga hagdanan, na sa mga ito papaibabaw sila,
التفاسير العربية:

وَلِبُيُوتِهِمۡ أَبۡوَٰبٗا وَسُرُرًا عَلَيۡهَا يَتَّكِـُٔونَ
at para sa mga bahay nila ng mga pinto, mga kama na sa mga ito sasandal sila,
التفاسير العربية:
وَزُخۡرُفٗاۚ وَإِن كُلُّ ذَٰلِكَ لَمَّا مَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَٱلۡأٓخِرَةُ عِندَ رَبِّكَ لِلۡمُتَّقِينَ
at palamuting ginto. Walang iba ang lahat ng iyon kundi natatamasa sa buhay na pangmundo. Ang Kabilang-buhay sa ganang Panginoon mo ay para sa mga tagapangilag magkasala.
التفاسير العربية:
وَمَن يَعۡشُ عَن ذِكۡرِ ٱلرَّحۡمَٰنِ نُقَيِّضۡ لَهُۥ شَيۡطَٰنٗا فَهُوَ لَهُۥ قَرِينٞ
Ang sinumang nabubulagan sa pag-alaala sa Napakamaawain ay magtatalaga para sa kanya ng isang demonyo, kaya ito para sa kanya ay isang kapisan.
التفاسير العربية:
وَإِنَّهُمۡ لَيَصُدُّونَهُمۡ عَنِ ٱلسَّبِيلِ وَيَحۡسَبُونَ أَنَّهُم مُّهۡتَدُونَ
Tunay na ang mga ito ay talagang sumasagabal sa kanila sa landas habang nag-aakala sila na sila ay mga napapatnubayan
التفاسير العربية:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَنَا قَالَ يَٰلَيۡتَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَ بُعۡدَ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ فَبِئۡسَ ٱلۡقَرِينُ
hanggang sa, kapag dumating siya sa Amin, ay magsasabi siya: "O kung sana sa pagitan ko at pagitan mo ay layo ng dalawang silangan sapagkat kay saklap ang kapisan!"
التفاسير العربية:
وَلَن يَنفَعَكُمُ ٱلۡيَوۡمَ إِذ ظَّلَمۡتُمۡ أَنَّكُمۡ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ
Hindi magpapakinabang sa inyo sa Araw na iyon kapag lumabag kayo sa katarungan na kayo sa pagdurusa ay mga magkalahok.
التفاسير العربية:
أَفَأَنتَ تُسۡمِعُ ٱلصُّمَّ أَوۡ تَهۡدِي ٱلۡعُمۡيَ وَمَن كَانَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Kaya ikaw ba ay nagpaparinig sa mga bingi o nagpapatnubay sa mga bulag at sinumang naging nasa isang pagkaligaw na malinaw?
التفاسير العربية:
فَإِمَّا نَذۡهَبَنَّ بِكَ فَإِنَّا مِنۡهُم مُّنتَقِمُونَ
Kaya alin sa dalawa: mag-aalis nga Kami sa iyo saka tunay na Kami sa kanila ay maghihiganti,
التفاسير العربية:
أَوۡ نُرِيَنَّكَ ٱلَّذِي وَعَدۡنَٰهُمۡ فَإِنَّا عَلَيۡهِم مُّقۡتَدِرُونَ
o magpapakita nga Kami sa iyo ng ipinangako Namin sa kanila saka tunay na Kami sa kanila ay nakakakaya.
التفاسير العربية:
فَٱسۡتَمۡسِكۡ بِٱلَّذِيٓ أُوحِيَ إِلَيۡكَۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ
Kaya mangunyapit ka sa ikinasi sa iyo; tunay na ikaw ay nasa isang landasing tuwid.
التفاسير العربية:
وَإِنَّهُۥ لَذِكۡرٞ لَّكَ وَلِقَوۡمِكَۖ وَسَوۡفَ تُسۡـَٔلُونَ
Tunay na ito ay talagang isang pagbanggit para sa iyo at para sa mga kababayan mo, at tatanungin kayo.
التفاسير العربية:
وَسۡـَٔلۡ مَنۡ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رُّسُلِنَآ أَجَعَلۡنَا مِن دُونِ ٱلرَّحۡمَٰنِ ءَالِهَةٗ يُعۡبَدُونَ
Magtanong ka sa mga isinugo Namin bago mo pa kabilang sa mga sugo Namin kung nagtalaga ba Kami bukod pa sa Napakamaawain ng mga diyos na sasambahin?
التفاسير العربية:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises, kalakip ng mga tanda Namin, kay Paraon at sa konseho nito kaya nagsabi siya: "Tunay na ako ay sugo ng Panginoon ng mga nilalang."
التفاسير العربية:
فَلَمَّا جَآءَهُم بِـَٔايَٰتِنَآ إِذَا هُم مِّنۡهَا يَضۡحَكُونَ
Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga tanda Namin, biglang sila sa mga ito ay tumatawa.
التفاسير العربية:

وَمَا نُرِيهِم مِّنۡ ءَايَةٍ إِلَّا هِيَ أَكۡبَرُ مِنۡ أُخۡتِهَاۖ وَأَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ
Hindi Kami nagpapakita sa kanila ng anumang tanda malibang ito ay higit na malaki kaysa sa nauna ito. Nagpataw Kami sa kanila ng pagdurusa nang sa gayon sila ay babalik.
التفاسير العربية:
وَقَالُواْ يَـٰٓأَيُّهَ ٱلسَّاحِرُ ٱدۡعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ إِنَّنَا لَمُهۡتَدُونَ
Nagsabi sila: "O manggagaway, dumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo ng itinipan Niya sa piling mo; tunay na kami ay talagang mga mapapatnubayan."
التفاسير العربية:
فَلَمَّا كَشَفۡنَا عَنۡهُمُ ٱلۡعَذَابَ إِذَا هُمۡ يَنكُثُونَ
Ngunit noong pumawi Kami sa kanila ng pagdurusa, biglang sila ay sumisira [sa usapan].
التفاسير العربية:
وَنَادَىٰ فِرۡعَوۡنُ فِي قَوۡمِهِۦ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَيۡسَ لِي مُلۡكُ مِصۡرَ وَهَٰذِهِ ٱلۡأَنۡهَٰرُ تَجۡرِي مِن تَحۡتِيٓۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
Nanawagan si Paraon sa mga tao niya. Nagsabi siya: "O mga tao ko, hindi ba sa akin ang paghahari sa Ehipto habang ang mga ilog na ito ay dumadaloy mula sa ilalim ko? Kaya hindi ba kayo nakakikita?
التفاسير العربية:
أَمۡ أَنَا۠ خَيۡرٞ مِّنۡ هَٰذَا ٱلَّذِي هُوَ مَهِينٞ وَلَا يَكَادُ يُبِينُ
O ako ba ay higit na mabuti kaysa rito na siyang hamak na hindi halos nakapaglilinaw?
التفاسير العربية:
فَلَوۡلَآ أُلۡقِيَ عَلَيۡهِ أَسۡوِرَةٞ مِّن ذَهَبٍ أَوۡ جَآءَ مَعَهُ ٱلۡمَلَـٰٓئِكَةُ مُقۡتَرِنِينَ
Kaya bakit hindi nag-ukol sa kanya ng mga pulseras na ginto o dumating kasama sa kanya ang mga anghel na mga magkakapisan?"
التفاسير العربية:
فَٱسۡتَخَفَّ قَوۡمَهُۥ فَأَطَاعُوهُۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Kaya nanloko siya sa mga tao niya saka tumalima naman sila sa kanya. Tunay na sila ay dating mga taong suwail.
التفاسير العربية:
فَلَمَّآ ءَاسَفُونَا ٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ فَأَغۡرَقۡنَٰهُمۡ أَجۡمَعِينَ
Kaya noong nang-inis sila sa Amin ay naghiganti Kami sa kanila saka lumunod Kami sa kanila nang magkakasama.
التفاسير العربية:
فَجَعَلۡنَٰهُمۡ سَلَفٗا وَمَثَلٗا لِّلۡأٓخِرِينَ
Kaya gumawa Kami sa kanila ng isang pagpapauna at isang paghahalintulad para sa mga huli.
التفاسير العربية:
۞وَلَمَّا ضُرِبَ ٱبۡنُ مَرۡيَمَ مَثَلًا إِذَا قَوۡمُكَ مِنۡهُ يَصِدُّونَ
Noong inilahad ang anak ni Maria bilang paghahalintulad, biglang ang mga kababayan mo sa kanya ay naghiyawan.
التفاسير العربية:
وَقَالُوٓاْ ءَأَٰلِهَتُنَا خَيۡرٌ أَمۡ هُوَۚ مَا ضَرَبُوهُ لَكَ إِلَّا جَدَلَۢاۚ بَلۡ هُمۡ قَوۡمٌ خَصِمُونَ
Nagsabi sila: "Ang mga diyos namin ba ay higit na mabuti o siya?" Hindi sila naglahad nito para sa iyo kundi bilang pakikipagtalo. Bagkus sila ay mga taong palaalitan.
التفاسير العربية:
إِنۡ هُوَ إِلَّا عَبۡدٌ أَنۡعَمۡنَا عَلَيۡهِ وَجَعَلۡنَٰهُ مَثَلٗا لِّبَنِيٓ إِسۡرَـٰٓءِيلَ
Walang iba siya kundi isang lingkod na nagbiyaya Kami sa kanya at gumawa Kami sa kanya bilang paghahalintulad para sa mga anak ni Israel.
التفاسير العربية:
وَلَوۡ نَشَآءُ لَجَعَلۡنَا مِنكُم مَّلَـٰٓئِكَةٗ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَخۡلُفُونَ
Kung sakaling loloobin Namin ay talaga sanang gumawa Kami [sa halip] sa inyo ng mga anghel sa lupa na maghahalilihan.
التفاسير العربية:

وَإِنَّهُۥ لَعِلۡمٞ لِّلسَّاعَةِ فَلَا تَمۡتَرُنَّ بِهَا وَٱتَّبِعُونِۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Jesus ay talagang kaalaman sa Huling Sandali kaya huwag nga kayong mag-aalinlangan doon at sumunod kayo sa akin. Ito ay isang landasing tuwid.
التفاسير العربية:
وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ ٱلشَّيۡطَٰنُۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ
Huwag ngang sasagabal sa inyo ang demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.
التفاسير العربية:
وَلَمَّا جَآءَ عِيسَىٰ بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالَ قَدۡ جِئۡتُكُم بِٱلۡحِكۡمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُم بَعۡضَ ٱلَّذِي تَخۡتَلِفُونَ فِيهِۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Noong naghatid si Jesus ng mga malinaw na patunay ay nagsabi siya: "Naghatid nga ako sa inyo ng karunungan at upang maglinaw ako para sa inyo ng ilan sa nagkakaiba-iba kayo hinggil doon. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
التفاسير العربية:
إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ رَبِّي وَرَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُوهُۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ
Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid."
التفاسير العربية:
فَٱخۡتَلَفَ ٱلۡأَحۡزَابُ مِنۢ بَيۡنِهِمۡۖ فَوَيۡلٞ لِّلَّذِينَ ظَلَمُواْ مِنۡ عَذَابِ يَوۡمٍ أَلِيمٍ
Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian mula sa gitna nila, kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan mula sa isang pagdurusa sa isang Araw na masakit.
التفاسير العربية:
هَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Naghihintay kaya sila maliban ng Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam?
التفاسير العربية:
ٱلۡأَخِلَّآءُ يَوۡمَئِذِۭ بَعۡضُهُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوٌّ إِلَّا ٱلۡمُتَّقِينَ
Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba pa ay kaaway, maliban sa mga tagapangilag magkasala.
التفاسير العربية:
يَٰعِبَادِ لَا خَوۡفٌ عَلَيۡكُمُ ٱلۡيَوۡمَ وَلَآ أَنتُمۡ تَحۡزَنُونَ
O mga lingkod Ko, walang pangamba sa inyo sa Araw na iyon at kayo ay hindi malulungkot.
التفاسير العربية:
ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَكَانُواْ مُسۡلِمِينَ
[Sila ay] ang mga sumampalataya sa mga tanda Namin at sila noon ay mga tagapagpasakop.
التفاسير العربية:
ٱدۡخُلُواْ ٱلۡجَنَّةَ أَنتُمۡ وَأَزۡوَٰجُكُمۡ تُحۡبَرُونَ
Pumasok kayo sa Paraiso habang kayo at ang mga kabiyak ninyo ay pinagagalak.
التفاسير العربية:
يُطَافُ عَلَيۡهِم بِصِحَافٖ مِّن ذَهَبٖ وَأَكۡوَابٖۖ وَفِيهَا مَا تَشۡتَهِيهِ ٱلۡأَنفُسُ وَتَلَذُّ ٱلۡأَعۡيُنُۖ وَأَنتُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ
Magpapalibot sa kanila ng mga platong yari sa ginto at mga baso. Naroon ang ninanasa ng mga sarili at minamasarap ng mga mata habang kayo roon ay mga mananatili.
التفاسير العربية:
وَتِلۡكَ ٱلۡجَنَّةُ ٱلَّتِيٓ أُورِثۡتُمُوهَا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Iyon ay ang Hardin na ipinamana sa inyo dahil sa dati ninyong ginagawa.
التفاسير العربية:
لَكُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ كَثِيرَةٞ مِّنۡهَا تَأۡكُلُونَ
Para sa inyo roon ay bungang-kahoy na marami at mula sa mga ito ay kakain kayo.
التفاسير العربية:

إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ
Tunay na ang mga salarin sa pagdurusa sa Impiyerno ay mga mananatili.
التفاسير العربية:
لَا يُفَتَّرُ عَنۡهُمۡ وَهُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ
Hindi pahuhupain ito para sa kanila, habang sila roon ay mga nalulumbay.
التفاسير العربية:
وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُواْ هُمُ ٱلظَّـٰلِمِينَ
Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan.
التفاسير العربية:
وَنَادَوۡاْ يَٰمَٰلِكُ لِيَقۡضِ عَلَيۡنَا رَبُّكَۖ قَالَ إِنَّكُم مَّـٰكِثُونَ
Mananawagan sila: "O Mālik, magpawakas sa amin ang Panginoon mo." Magsasabi siya: "Tunay na kayo ay mga mamamalagi."
التفاسير العربية:
لَقَدۡ جِئۡنَٰكُم بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَكُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ
Talaga ngang naghatid Kami sa inyo ng katotohanan subalit ang higit na marami sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam.
التفاسير العربية:
أَمۡ أَبۡرَمُوٓاْ أَمۡرٗا فَإِنَّا مُبۡرِمُونَ
O nagpatibay sila ng isang usapin sapagkat tunay na Kami ay tagapagpatibay?
التفاسير العربية:
أَمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّا لَا نَسۡمَعُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيۡهِمۡ يَكۡتُبُونَ
O nag-aakala sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila at pagsasarilinan nila? Bagkus [nakaririnig], at ang mga sugo Namin sa piling nila ay nagtatala.
التفاسير العربية:
قُلۡ إِن كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٞ فَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡعَٰبِدِينَ
Sabihin mo: "Kung nagkaroon ang Napakamaawain ng isang anak, ako ay ang una sa mga tagasamba."
التفاسير العربية:
سُبۡحَٰنَ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kaluwalhatian sa Panginoon ng mga langit at lupa, Panginoon ng Trono, higit sa inilalarawan nila.
التفاسير العربية:
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang ipinangangako sa kanila.
التفاسير العربية:
وَهُوَ ٱلَّذِي فِي ٱلسَّمَآءِ إِلَٰهٞ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَٰهٞۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Siya ang sa langit ay Diyos at sa lupa ay Diyos. Siya ay ang Marunong, ang Maalam.
التفاسير العربية:
وَتَبَارَكَ ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Mapagpala ang sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya ang kaalaman sa Huling Sandali at tungo sa Kanya pababalikin kayo.
التفاسير العربية:
وَلَا يَمۡلِكُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Hindi nakapagdudulot ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ng pamamagitan maliban sa mga sumaksi sa katotohanan habang sila ay nakaaalam.
التفاسير العربية:
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila?
التفاسير العربية:
وَقِيلِهِۦ يَٰرَبِّ إِنَّ هَـٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ لَّا يُؤۡمِنُونَ
[Kumikilala si Allāh] sa sabi niya: "O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya."
التفاسير العربية:
فَٱصۡفَحۡ عَنۡهُمۡ وَقُلۡ سَلَٰمٞۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Kaya umiwas ka sa kanila at magsabi ka: "Kapayapaan!" sapagkat malalaman nila.
التفاسير العربية:

 
ترجمة معاني سورة: الزخرف
فهرس السور رقم الصفحة
 
ترجمة معاني القرآن الكريم - الترجمة الفلبينية (تجالوج) - فهرس التراجم

www.islamhouse.com ترجمة معاني القرآن الكريم إلى اللغة الفلبينية (تجالوج)، ترجمها فريق مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام.

إغلاق