আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ * - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ


অৰ্থানুবাদ আয়াত: (12) ছুৰা: ছুৰা হূদ
فَلَعَلَّكَ تَارِكُۢ بَعۡضَ مَا يُوحَىٰٓ إِلَيۡكَ وَضَآئِقُۢ بِهِۦ صَدۡرُكَ أَن يَقُولُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ جَآءَ مَعَهُۥ مَلَكٌۚ إِنَّمَآ أَنتَ نَذِيرٞۚ وَٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ وَكِيلٌ
Kaya baka ikaw, O Sugo, dahil sa nakaharap mo na kawalang-pananampalataya nila at pagmumungkahi nila ng mga talata, ay mag-iiwan sa pagpapaabot sa ilan sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot, na nakabibigat sa kanila ang pagsasagawa niyon, at pinaninikipan ng dibdib mo sa pagpapaabot niyon? [Ito ay] upang hindi sila magsabi: "Bakit kaya walang pinababa sa kanya ng isang kayamanang magpapayaman sa kanya o may dumating kasama sa kanya na isang anghel na magpapatotoo sa kanya?" Kaya huwag kang mag-iwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo alang-alang doon sapagkat Ikaw ay walang iba kundi isang mapagbabala: nagpapaabot ka ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Hindi tungkulin sa iyo ang pagsasagawa ng iminumungkahi nila na mga talata. Si Allāh sa bawat bagay ay Mapag-ingat.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• سعة علم الله تعالى وتكفله بأرزاق مخلوقاته من إنسان وحيوان وغيرهما.
Ang lawak ng kaalaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang paggagarantiya Niya sa mga panustos ng mga nilikha Niya na tao, hayop, at iba pa sa mga ito.

• بيان علة الخلق؛ وهي اختبار العباد بامتثال أوامر الله واجتناب نواهيه.
Ang paglilinaw sa sanhi ng paglikha, na ito ay ang pagsubok sa mga lingkod sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

• لا ينبغي الاغترار بإمهال الله تعالى لأهل معصيته، فإنه قد يأخذهم فجأة وهم لا يشعرون.
Hindi nararapat ang pagkakalinlang dahil sa pagpapalugit ni Allāh – pagkataas-taas Siya – para sa mga tagagawa ng pagsuway sa Kanya sapagkat ito ay maaaring kumuha sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.

• بيان حال الإنسان في حالتي السعة والشدة، ومدح موقف المؤمن المتمثل في الصبر والشكر.
Ang paglilinaw sa kalagayan ng tao sa dalawang kalagayan ng kaluwagan at kagipitan at ang pagpapapuri sa paninindigan ng mananampalataya na kinakatawan ng pagtitiis at pagpapasalamat.

 
অৰ্থানুবাদ আয়াত: (12) ছুৰা: ছুৰা হূদ
ছুৰাৰ তালিকা পৃষ্ঠা নং
 
আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ

আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ, মৰকজ তাফছীৰ লিদ দিৰাছাত আল-কোৰআনিয়্যাৰ তৰফৰ পৰা প্ৰচাৰিত।

বন্ধ