আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ * - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ


অৰ্থানুবাদ আয়াত: (4) ছুৰা: ছুৰা আল-বাক্বাৰাহ
وَٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَ وَبِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ
[Sila ay] ang mga sumasampalataya sa Lingid – ang bawat hindi natatalos ng mga pandama at nakalingid sa atin kabilang sa ipinabatid sa atin ni Allāh o ipinabatid sa atin ng Sugo Niya gaya ng Huling Araw. Sila ay ang mga nagpapanatili sa pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa rito alinsunod sa isinabatas ni Allāh na mga kundisyon nito, mga saligan nito, mga isinasatungkulin dito, at mga sunnah rito. Sila ay ang mga gumugugol mula sa itinustos ni Allāh sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng isinasatungkulin gaya ng zakāh, o ng hindi isinasatungkulin gaya ng kawanggawa ng pagkukusang-loob sa pag-asang magkamit ng gantimpala ni Allāh. Sila ay ang mga sumasampalataya sa pagkasi na pinababa ni Allāh sa iyo, O Propeta, at sa pinababa Niya sa iba pang mga propeta – sumakanila ang ang pagbati ng kapayapaan – bago mo pa, nang walang pagtatangi-tangi. Sila ay ang mga sumasampalataya ayon sa pananampalatayang tiyakan sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• الثقة المطلقة في نفي الرَّيب دليل على أنه من عند الله؛ إذ لا يمكن لمخلوق أن يدعي ذلك في كلامه.
• Ang lubusang pagtitiwala sa pagkakaila sa pag-aalinlangan ay isang patunay na ito mula sa ganang kay Allāh yayamang hindi maaari para sa isang nilikha na mag-angkin niyon sa pananalita niya.

• لا ينتفع بما في القرآن الكريم من الهدايات العظيمة إلا المتقون لله تعالى المعظِّمون له.
• Walang nakikinabang sa anumang nasa Marangal na Qur'ān na mga kapatnubayan dakila kundi ang mga tagapangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – na mga tagadakila sa Kanya.

• من أعظم مراتب الإيمانِ الإيمانُ بالغيب؛ لأنه يتضمن التسليم لله تعالى في كل ما تفرد بعلمه من الغيب، ولرسوله بما أخبر عنه سبحانه.
• Kabilang sa pinakadakila sa mga antas ng pananampalataya ay ang pananampalataya sa Lingid dahil ito ay naglalaman ng pagpapasakop kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa bawat ikinatatangi Niya sa kaalaman Niya kabilang sa Lingid, at [ng pagpapasakop] sa Sugo Niya dahil sa ipinabatid nito tungkol sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.

• كثيرًا ما يقرن الله تعالى بين الصلاة والزكاة؛ لأنَّ الصلاة إخلاص للمعبود، والزكاة إحسان للعبيد، وهما عنوان السعادة والنجاة.
• Madalas na nag-uugnay si Allāh sa pagitan ng ṣalāh at zakāh dahil ang ṣalāh ay ang pagpapakawagas sa sinasamba at ang zakāh ay ang paggawa ng maganda sa mga tao. Ang dalawang ito ay pinakadiwa ng kaligayahan at kaligtasan.

• الإيمان بالله تعالى وعمل الصالحات يورثان الهداية والتوفيق في الدنيا، والفوز والفلاح في الأُخرى.
• Ang pananampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang paggawa ng maaayos ay nagsasanhi ng kapatnubayan at pagkatuon sa tama sa mundo, at ng pagtatamo at tagumpay sa Kabilang-buhay.

 
অৰ্থানুবাদ আয়াত: (4) ছুৰা: ছুৰা আল-বাক্বাৰাহ
ছুৰাৰ তালিকা পৃষ্ঠা নং
 
আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ

আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ, মৰকজ তাফছীৰ লিদ দিৰাছাত আল-কোৰআনিয়্যাৰ তৰফৰ পৰা প্ৰচাৰিত।

বন্ধ