আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ * - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ


অৰ্থানুবাদ আয়াত: (65) ছুৰা: ছুৰা আল-আনআম
قُلۡ هُوَ ٱلۡقَادِرُ عَلَىٰٓ أَن يَبۡعَثَ عَلَيۡكُمۡ عَذَابٗا مِّن فَوۡقِكُمۡ أَوۡ مِن تَحۡتِ أَرۡجُلِكُمۡ أَوۡ يَلۡبِسَكُمۡ شِيَعٗا وَيُذِيقَ بَعۡضَكُم بَأۡسَ بَعۡضٍۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُصَرِّفُ ٱلۡأٓيَٰتِ لَعَلَّهُمۡ يَفۡقَهُونَ
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusang darating sa inyo mula sa ibabaw ninyo tulad ng mga bato, mga lintik, at mga baha; o darating sa inyo mula sa ilalim ninyo tulad ng mga lindol at paglamon ng lupa; o na magpasalungat sa mga puso ninyo saka susunod ang bawat isa sa inyo sa pithaya niya kaya maglalaban ang isa't isa sa inyo." Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Kaming nag-uuri-uri para sa kanila ng mga patunay at mga patotoo at naglilinaw ng mga ito, nang sa gayon sila ay makaiintindi na ang inihatid mo ay katotohanan at na ang taglay nila ay kabulaanan.
আৰবী তাফছীৰসমূহ:
এই পৃষ্ঠাৰ আয়াতসমূহৰ পৰা সংগৃহীত কিছুমান উপকাৰী তথ্য:
• إثبات أن النومَ موتٌ، وأن الأرواح تُقْبض فيه، ثم تُرَد عند الاستيقاظ.
Ang pagtitibay na ang pagtulog ay kamatayan, at na ang mga kaluluwa ay kinukuha rito, pagkatapos isinasauli ang mga ito sa sandali ng paggising.

• الاستدلال على استحقاق الله تعالى للألوهية بدليل الفطرة، فإن أهل الكفر يؤمنون بالله تعالى ويرجعون لفطرتهم عند الاضطرار والوقوع في المهالك، فيسألون الله تعالى وحده.
Ang pagpapatunay sa pagiging karapat-dapat ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagkadiyos ayon sa patunay ng kalikasan ng pagkalalang, sapagkat tunay na ang mga alagad man ng kawalang-pananampalataya ay nanampalataya kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at bumabalik sa kalikasan ng pagkalalang sa kanila sa sandali ng pagkanapipilitan at pagkakasadlak sa mga kapapahamakan saka humihiling sila kay Allāh – pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya.

• إلزام المشركين بمقتضى سلوكهم، وإقامة الدليل على انقلاب فطرتهم، بكونهم يستغيثون بالله وحده في البحر عند الشدة، ويشركون به حين يسلمهم وينجيهم إلى البر.
Ang pag-obliga sa mga tagapagtambal ayon sa kahilingan ng pag-uugali nila at ang paglalahad ng patunay sa pagkabaliktad ng naturalesa nila dahil sila ay nagpapasaklolo kay Allāh lamang sa dagat sa sandali ng kagipitan at nagtatambal sa Kanya kapag nagliligtas Siya sa kanila at sumasagip Siya sa kanila patungo sa katihan.

• عدم جواز الجلوس في مجالس أهل الباطل واللغو، ومفارقتُهم، وعدم العودة لهم إلا في حال إقلاعهم عن ذلك.
Ang hindi pagpapahintulot sa pag-upo sa mga pagtitipon ng mga kampon ng kabulaanan at kawalang-kapararakan, at ang pakikipaghiwalay sa kanila at ang hindi panunumbalik sa kanila malibang sa sandali ng pagkalas nila roon.

 
অৰ্থানুবাদ আয়াত: (65) ছুৰা: ছুৰা আল-আনআম
ছুৰাৰ তালিকা পৃষ্ঠা নং
 
আল-কোৰআনুল কাৰীমৰ অৰ্থানুবাদ - আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ - অনুবাদসমূহৰ সূচীপত্ৰ

আল-মুখতাচাৰ ফী তাফছীৰিল কোৰআনিল কাৰীমৰ ফিলিপাইন (তাগালোগ) অনুবাদ, মৰকজ তাফছীৰ লিদ দিৰাছাত আল-কোৰআনিয়্যাৰ তৰফৰ পৰা প্ৰচাৰিত।

বন্ধ